Kabanata 2
Theo
Parang biglang nawala ang pagkalasing ko. Nabuhay kaagad ang katawang lupa ko and all of the sudden I am sobered already nakakita lang ng gwapo. Nakita kong lumabas sya ng Paragon kaya naman ganoon din ang ginawa ko. Sumandal sya sa isang pulang Mercedes Benz na naroon kaya bahagyang napaawang ang bibig ko.
Oy, si papa mayaman!
Inilabas nya ang isang stick ng sigarilyo sa kanyang bulsa at sinindihan yon. Tumitingala sya habang ibinubuga ang usok. Ngumuso ako at nagisip kaagad kong paano ko sya lalapitan. Mukhang mayaman ang isang ito at kung papayag syang makipag chukchak sa akin ay baka malaki ang bigayan nya.
Nang matapos syang magsigarilyo ay nakita kong inilaglag nya 'yon sa lapag at kaagad na tinapakan. Pinasadahan nya ang kanyang itim na itim na buhok pagkatapos ay ipinasok ang dalawa nyang palad sa kanyang bulsa bago pumasok muli sa loob ng paragon. Kumilos ako kaagad at sinundan sya. Nang lumingon sya sa akin ay napaiwas ako ng tingin at nagkunwaring hinihipan ang kuko ko. Nang lumakad sya papunta sa CR ng lalaki ay lumaki kaagad ang ngumisi ko.
Bumaling ako ng tingin sa paligid pagkatapos ay pumasok din doon. Kaagad nanlaki ang mata nya nang makita ako kasabay ng pagbagsak ng pintuan sa likuran namin.
"The Hell?" Aniya at tumigil sa paghuhugas ng kamay.
"Oh my God! I'm sorrrryyy!" Eksaheradang sabi ko. "Mali ata 'yong napasukan kong CR!" Pagkukunwari ko at sumapo pa sa aking noo.
Umiling-iling sya pagkatapos ay kumuha nung tissue at pinunas sa kanyang kamay. Ngumiti ng malagkit ng tignan nya ako pero nakita ko kaagad ang pagiwas nya ng tingin at pag taas ng kilay.
Oy, si papa suplado!
"Excuse me but can you please leave?" Masungit na sabi nya.
Napaatras ako kaagad. "Hm, okay?" Tumalikod ako pero humarap din kaagad. "But wait... Are you with your friends?"
"Why are you asking?"
"Ako din! Oh my Goddd!" Kunwaring naexcite ako. "Pero boring na doon. Mukhang bored ka rin. Kanina pa kita pinagmamasdan. We can... have fun you know? I'm doing some business. Puwede ako sa murang halaga." Diretsyong sabi ko. Nakita kong napatigil sya sandali. A flash of shock crossed in her face.
"Look, miss--"
"I can blow you." I cut him off.
His jaw drop. Umirap ako at pinitik ang aking buhok.
"What?"
"Ten thousand. Pero gwapo ka. Sige seven thousand okay na."
Umiling-iling sya. "I don't know what are you sayin-"
"Ano? Ayaw mo pa? Mahal pa rin? O sige, six thousand. Sagad na yan ah. Pero since hindi kita kilala. I need the money first bago ko 'yon gawin. Baka takbuhan mo ako."
Nakita ko ang pagkagat nya ng labi at bumulong. "I can't believe this." He said.
Tumaas ang kilay ko. "So ano? I need--"
"You need Jesus." Pinutol nya ako at kaagad na umiling-iling. Tinapon nya ang tissue na ginamit nya pangpunas sa kanyang kamay pagkatapos ay nilagpasan ako. Laglag ang panga ko at kaagad syang sinundan ng tingin habang kinakabig 'yong pinto.