Kabanata 6
Deal
Laglag ang panga kong pinagmamasdan sya. Walang bahid ng biro ang gwapo nyang mukha at seryoso itong nakatingin lang sa akin. So, wait... Na-scam ba ako? Shit!
"I... uh," Luminga-linga ako, naghahanap ng isasagot. "I don't know! 'Yong customer ko, yan ang binayad sa akin." Sabi ko. Nakita ko kung paano nanlaki ang mata nya ng dahil doon. Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at alam ko naman na alam nya na ang ibig kong sabihin doon.
"What's his name?" tanong nya sa akin.
"Hindi ko alam!" Sabi ko.
Nalaglag ang panga nya. "So, you're telling me na hindi mo alam ang pangalan ng lalaking sinasamahan mo?" Aniya.
Tinikom ko ang bibig ko. Because I know it's true. Sometimes ay hindi ko nga natatanong ang pangalan. Importante pa ba 'yon? Hindi ko naman kailangan malaman ang pangalan nila at kong ano pa, I just do whatever they want me to do to them. I'm just doing that for money and nothing else.
"Magkano ba lahat?" tumaas ang kilay ko na tila naghahamon, akala mo naman kaya ko talaga syang bayaran.
Itinaas nya rin ang isa nyang kilay. "Almost two hundred thousand." Aniya.
Pakiramdam ko ay nalaglag ang panga ko sa lupa. "Two... two hund..red." hindi ko matapos-tapos ang sinasabi ko. Parang malalagutan ako ng hininga ng dahil doon.
"Yes. Do you want to see the proof?" tanong nya at inilahad sa akin ang isang papel. Hinablot ko kaagad 'yon sa kanya. Sinuyod ko 'yon ng tingin at napatakip kaagad ako sa bibig ko nang makitang... oo nga! Shit! Paano nangyari 'yon!
"H-hindi ako! Hindi ko babayaran yan! Yan ang binayad sa akin, eh! So, malay ko ba? Ang gawin mo, ipahanap mo ung lalaking na 'yon na nagnakaw ng credit card mo. Sya ang singilin mo!" Depensa ko sa aking sarili pagkatapos ay ibinalik sa kanya 'yong papel dahil nahihilo ako kapag nakikita 'yon.
I can't believe this! I fucking can't believe that I was scam! Shit! Hindi ako mapirmi at gustong-gusto nang umalis dito. Shit! Sabi ko na nga ba at scam ang lalaking 'yon! Iniwanan nya pa ako ng utang! Walang-hiya talaga! Kaya naman pala nagmamadaling umalis sa hotel noong gabing 'yon? Shit!
"It's still on you. Who would accept a credit card as a payment from someone you didn't know. Dapat alam mo na possibleng fraud iyon. You didn't even ask his name."
"Akala ko pangalan nya 'yan!" Itinuro ko ang pangalan na nakasulat sa credit card.
"Still-"
"Ah, basta! Hindi ko yan babayaran! Wala akong pera! Bahala ka!" Itinupi ko ang aking braso sa harap ng aking dibdib. Magkamatayan na kami. Pero kahit na saan pa kami makarating, kahit na pagbalik-baliktarin nya pa ako dito ay talagang wala syang makukuhang pera sa akin.
"You buy lots of stuff using my credit card. Mapapalagpas ko ang sa hotel. But you actually went out and used my card for shopping." Aniya.
Hindi ako sumagot at nagiwas ng tingin. Hindi ko naman kailangang ipaliwanag sa kanya na para sa mga kapatid ko ang mga pinamili ko. Ni, wala nga akong binili na kahit ano para sa sarili ko 'no!
Pumikit ako. Shit! Pahamak na lalaking 'yon! Magkakaproblema pa ata ako nang dahil sa kanya, ah!