HMB
Gwyn's
POV
Kasalukuyan akong di mapakali ditto sa kama ko. Pwesto dito, pwesto diyan. Hindi ako makatulog kasi naman tong may saltik kong kaibigan ngayon pa naisipang kumanta. Eh! Anong oras na mag-aalas dose na atsaka may asok pa bukas.
Peste talaga to......oo(@.@)
Bagay na bagay talaga ang pangalang Yen sa kanya. Ang sarap sarap bitaYen. Kung kaaway ko lang to kanina pa natahi bunganga niyan. Pero hindi e. Wala kasi si Mommy at si Tita Yan dito sa bahay kaya parang nakawala na naman ang parot ngayon.Walang tigil sa kakadaldal at kakakanta. Nakakarindiiiiiiii. Hinawi ko na ang kumot na nakatalukbong sa akin. Papunta ako sa kwarto ni Yen. Hindi na ako kumatok pa. Mukang hindi niya narinig at nakita na padabog kong ibinukas ang pintuan niya sa kwarto. Nagagalit kasi pag-ganun.
Hinarap ko siya at hindi makapaniwala ang mga nakikita. Si Yen ba talaga to o may baliw na pumasok sa aming bahay. Nakasuot kasi siya ng damit ng katulad sa mga taong grasa tapos yung buhok niya sobrang gulo. Gurang!! Sa pagkakaalala ko hindi naman siya uminom ah. May pahawak-hawak pa siya ng mic atsaka nakaheadphone pa na tipong feel na feel ang music. Yen tataa.
Hayyyyy nakakarindiiiii.
Kinalbit ko siya para tumigil na siya sa kabaliwang ginagawa niya. Pero hindi pinansin ng putek. Kaya binatukan kuna para iparamdam kung gaano na ako naiinis dito kanina pa. Napatigil naman siya sa ginagawa.
"A-aray.." kinakamot ang batok niya. Ang sama na tingin niya sa akin. Tinuturo pa ako.
"Ano na naman ba ginagawa ko sayo Gwyn!!!" para na siyang naiiyak sa ginawa ko. Napalakas ba yung pang babatok ko??
"Eh! Ikaw...Anu na naman ang ginagawa mo Yen??" pabalik kong tanung sa kanya.
"Gabi na Yen!!.may pasok pa bukas at alam mo iyon hindi ba? Pero heto ka..kumakanta ng pagkalakas-lakas na akala mo naman nasa concert ka" pagsisita ko sakanya. Nakakabadtrip na kasi. Kung ayaw matulog pwes magpatulog siya. Bago pa siya makasalita. Isinarado ko na ang pinto at pumasok sa sariling kwarto. Oo...sinasabayan ko siya sa mga trip niya at ganun din siya. At alam kung alam na alam niya rin iyun. Pero ang akin lang hindi sana sa lahat ng oras. Ginagawa niya kasing biro lahat ng bagay eh. Ayokong magkaroon ng sama ng loob sa kanya kasi kaibigan ko siya at higit sa lahat itinuturing ko narin siyang parang tunay kung kapatid.
Wala kaming mga sekreto sa isa't- isa kaya ganun nalang ang pagtitiwala ko sakanya. Akala na nga ng mga tao dito sa amin ay kambal kami. Sabi din nga ng mga kasambahay naming dati. Halos magkapareho na kami't lahat-lahat pero ang ugali malaking "HINDI"......ibang-iba.
Sa kakaisip ko hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
*KINABUKASAN*
Nagising nalang ako ng may kumakatok sa pinto. Alam ko namang si Yen iyun kahit wala siyang sinasabi dahil kapag ang mga kasambahay namin yun tinatawag kami sa mga pangalan namin. Kahit may konting hindi pagkakaintindihan kagabi. Binaliwala ko nalang iyun sa isip ko. Mabait ako sa mga taong mahal ko pero hindi ko alam kung ganun din sila. Hindi ako nagtataka sa mga taong nakapaligid sa akin as long as they treat me as "one" also.
" Andiyan na" inaantok kong saad. Mukang narinig niya naman yun siguro kasi narinig ko ang mga yapak niyang pababa. Tumungo ako agad sa banyo at ng agad naring makapagbihis.
Habang inaayos ko ang neck-tie ko. Pababa na akong hagdan natatanaw ko na si Yen sa dining area naka-uniform narin gaya ko. Sa sitwasyon niya sinasadya niyang bagalan ang pagsubo sa pagkain. Ganyan na ganyan siya kapag talagang hinihintay ako. Gusto niya lagi kaming sabay kung kumain. Yan ang isang nagustuhan kong ugali niya kahit may konting hindi kami pagkakaintindihan. Nariyan siya na parang walang nangyari yung...tipong balik normal lang.
Umupo na ako sa harapan niya at nagsimula ng tumusok ng hotdog at bacon sa hapag para makakain na. Susubo palang sana ako ng magsalita siya.
"S-shorry" sabi niya na ngumunguya pa kaya hindi ko gaanong maintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Anu?" tanung ko.
"S@*$#^&" paguulit niya pa pero hindi ko talaga maintindihan.
"Pwede bang lunukin mo muna yang nasa bunganga mo!" nilunok niya naman.
"I said.....sorry" mahinahon niyang aniya.
"Your'e forgiven" sinabi ko. Napatigil naman siya dun. Bakit??
"Bakit andali mo akong patawarin akala ko ba galit ka sa akin?" naiiyak na yata siya. Anu na naman ginagawa ko?
"Bakit naman hindi kita papatawarin kung ganun.......atsaka may sinabi ba akong galit ako sayo?" saad ko.
"Akala ko nga galit ka eh.." wala nga akong sinabi eh.
"Hindi ako galit sayo kung wala namang dapat ikagalit sayo...Mahal kita bilang isa sa pamilya ko yun ang ibig kong sabihin Yen" tsaka sumubo na. Gutom na gutom na ako. Magso-sorry na ngalang andami pang satsat.
Tumingin ako sa kanya dahil napansin kong napatigil siya sa pagsubo ng pagkain. Napataas kilay ako sa kanya. Anu na naman problema neto?? Nais-starstruck yata. Wala naman siya sa GMA sa programmang Starsturck.
"Oh! Napanu ka na naman diyan??" hinarap niya ako.
"Wala....I love you too" *flying kiss pa siya. Napangiti naman ako dun. Kahit kalian talaga ang bilis niya umiba ng mood.
"Sige na! Kain na at baka kayo'y malate pa sa inyong eskwela" natawa nalang kami sa sita ng Yaya sa aming dalawa.
Sana ganito nalang kami palagi. Mag-aaway pero kalaunan magbabati rin. Ayoko ng mawalan ulit ng kaibigan. Ang sakit para sa akin sa una kong kaibigan na una ko pa siyang pinagkatiwalaan. Pero ba't ganun?..siya pa unang nagtraydor sa akin. Siya pa unang nagpaiyak sa akin. At parang wala lang ako sa kanya. For me, It hurts the most than a heartbreak. Then here comes Yen she comforted me, she felt me and said to me that not all people surrounds you are want to be friends with you also, because sometimes they just know or recognized you if they needed you. And Yen was right that time. That's the beginning of our friendship. I felt down while she cheered me up.
Dear Yen,
I hope we are still like this..............FOREVER.
There's a trust but never get traitor......EVER.
Your'e very last bestfriend,
Sylasty Gwynne
Please!! Don't forget to VOTE, SHARE, and leave a COMMENTS ;D
#MYFIRST #ytsurgirl #HMB #freetoask
BINABASA MO ANG
Her tears Make me Bloom (HMB On-going)
Teen FictionI'm the LAST but why I have this feeling that you don't give me the TRUST. ~~Sylasty