Chapter 11

22 7 0
                                    

HMB

Gwyn's

POV

Kasalukuyan kaming nasa kusina ni Yen. Talagang hindi na kami natulog mula pa kagabi. Alas-kwatro na ng napag-isipan naming bumaba para kami na ang magpe-prepare ng breakfast. Pinatapos kasi namin ni Yen iyung Harry Potter movie. Kaya ayun wala ng tulog-tulog na nalalaman kunno. Habang nagluluto kami nakikinig nadin at sinasabayan ang musika at the same time. Slight lang naman baka magising kasi mga tao dito sa loob ng bahay e.

"I really really really really really really like you"

"And I want you. Do you want me? Do you want me too?"

"I really really really really really really like you"

I really like you by Carly Rae Jepsen. Kumakanta si Yen habang nagpe-prepare dun sa table. Ginagawa pa ngang mic yung mga kutsara.F na F netong babae nato. Kinuha ko na ang plato na may laman na naluto nang bacon, iyung iba kasi nasa table na. Tsaka ako lumapit sa kinaroroonan ni Yen.

"Yen, suggest ko lang ah?" tanung ko.

"Oh?"

"Lipat ka nalang kaya sa team namin?" pagsa-suggest ko sa kanya. Napatigil naman siya sa ginagawa at unti-unting hinarap ako. Nanghihinayang niyang mukha.

"Pang ilang beses mo ng tinanong iyan ha?!" umirap siya't umiling ng bahagya. Aba! Masama ba magsuggest? Tumigil din ako sa pagaayos ng mga plato at seryoso ko siyang hinarap din.

"Muka kasing enjoy ka kapag kumakanta ka, yun ang punto ko Yen" ani ko.

"Mmmm...pero hindi ako meant dun eh" meant? san naman kung ganun?

"Pano mo naman nasabi?"

"I just said it...o-o hindi ko ide-deny na gusto ko ding kumanta at sumayaw pero mas gusto ko maishare ang mga nararanasan ko. Kaya ko pinili ang Voice and Speech kasi dun ko mai-express ang mga kinikimkim kong walang kwentang nararamdaman. Gusto ko magsalita na galling sa puso kahit na hindi ko iyun naramdam kahit na minsan sa Mom ko. Gusto ko ibahagi kung anong meron at wala ako. Gusto ko makita nila kung sino talaga ako, kung paano nila masaksihan ang meron sa likod ng pagkatao ko. At higit sa lahat gusto ko magsalita para isipin din nila na importante din ako. Gwyn"

"Y-Yen hi~~"

"Gwyn, gusto ko maranasan yun..Lalo na sa Mommy ko" niyakap ko nalang siya ng magsimula na itong umiyak. Hindi ko alam na ganito pala epekto ng pagpupuyat. Ganito din ba kayo kapag nagpupuyat??

Kumalas nadin siya sa yakap na tumigil narin sa pag-iyak. Dugyot! Makasinghot naman to para na akong papasok sa butas ng ilong niya. Tulo sipon...ewww!

"Alam mo wag ka nga magpuyat masyado kang nagdradrama e. Tsaka try mo mag-audition sa starstuck at sigurado akong mananalo ka dun. Best Actress ba?"

"Arayyy!!" namalo pa etong babae nato.

"Hoy! Totoo naman kasi mga sinabi ko noh?!"

"Obviously...." ramdam ko pang e.

"Obvious..obvious ka dyan!!" sinabi habang pinahid ang luha.

"Arti mo!"

"Anu?!" singhal niya.

"Ang sabi ko ~~ARAYYYY!" yung braso ko. Kanina pa tong babae nato. May basa pa naman iyung kamay niyang pinanghampas. YUCK!! Nakakadiring sipon! Ayyyy..virus lumayo ka!

"Anong nangyayari dito?" napatigil kami ni Yen ng wala sa oras. May nagsalita kasi bigla mula sa likuran namin.

"Ahmmmmm...G-good morning M-mom" saad ni Yen sa ina. Nautal siya bigla ah. Ganun na ba siya katakot sa sariling ina. Hina-hina pa ng boses niya ngayon. Kani-kanina lang parang nakabara ang mic sa lalamunan niya. Sumulyap naman sa banda ko si Tita at sa anak.

"Sinasaktan mo ba si Gwyn, Yen?" tanung niya sa anak. Bakit ganun si Tita sa anak, walang pakielaman ganun?

"N-no M-mom" mukha na naman siyang naiiyak. Nanginginig pa siya habang binabanggit ang salitang "Mom".

"Ahh..Tita wala lang po yun" sa titig niya parang hindi naman siya naniniwala. Seriously??

"Tita don't worry naga-acting lang po kami ni Yen para sa next project namin" wew! Actually si Yen lang ang nagdra-drama sa aming dalawa. Yan siguro naman convince na siya sa mga pinagsasabi ko rito since di naman siya naniniwala sa anak.

"Mmmm.ok, Gwyn iha tawagin mo na ang Mommy mong si Endy para sabay-sabay na tayong kumain anak?" kahit nagtataka pa ako rito tumungo na lang ako.

"Sige po" mahinang usal ko kay Tita. Ang bastos ko naman kung aalis na lang ako bigla, diba? Papunta na sana ako kaso kinausap muli ako ni Tita.

"Ikaw ba ang nagprepare neto iha? Ang ganda kasi ng mga design eh?" tanung niya lang sa AKIN? How about Yen? Mabuti din dahil nappreciate niya mga ginawa ko but heck, yung iba dyan gawa mismo ni Yen. Sumulyap ako kay Yen na alam kong pinipigilan na namang umiyak yan.

"Kami po ni Yen, Tita ang nagprepare not just ME po" turo ko sa kaibigan. Hindi kasi siya marunong makiramdam..like hello nasa harapan mo ang anak mo.

"Uh..okay baby, Go ahead" agad na akong tumungo sa taas papunta kay Mommy.

Hindi ko alam kung ano na naman ang nakain netong si Tita. Ako na hindi niya anak tinatawag niyang baby at anak. Okay lang naman sa akin iyun kasi ganun din naman ang pinantatawag ni Mom kay Yen ang akin lang bakit sa sariling anak hindi niya mismo masabi yun. As in hindi ko pa naririnig si Tita na tawagin si Yen na anak. Alam kong naguguluhan na naman si Yen sa inasta ng kanyang ina. Ako nga rin naguguluhan nrin eh?

Kung bakit ba kasi ganyan si Tita kay bestfriend? You know, Yen can understand you. There must be reason for sure but your as cold as snow, as hard as my teeth. I literally want to say that even me I can't understand both of you, it's just that.....

S O C O M P L I C A T E D

"Mom" narito na ako sa kwarto ni Mommy. Lumapit ako sa kinaroroonan niya para mas matitigan ko pa siya. Ayoko ko muna gisingin si Mom kasi gusto ko munang titigan. Ang himbing ng tulog niya. Pinagmasdan kong maiigi ang maamong mukha ng ina.

Alam niyo ba inihahalintulad ko si Mom sa "kape" na kapag sakto lang ang timpla, mahinahon siya na tila comfortable ka kausapin siya. Kapag nasobrahan naman sa asukal, heto siya nilalambing ka na iyun ang mamimiss ko sa kanya. Kapag wala namang lasa iyung kape, lumalapit siya sa akin para magkaroon siya ng lakas. Kapag wala ka namang hinalo sa kape mapa asukal man o cream, ayan siya sobrang tapang niya kahit andami-daming pagsubok ang ibigay sa kanya. Kapag ang kape na naman na may disenyo, dun naman nangingibabaw ang ganda niya mapalabas man o loob. At bilang anak at natitirang parte ng pamilya niya, heto ako ang tagatimpla ng kape niya na parang tagahalo ng buhay niya.

Love you, MOM <3

~~~~

Hi guys!!

Sana wag magsasawang mahalin ang Mom niyo. Habang nandyan pa sila sa tabi niyo. Love them as much as they love you. May hindi pagkakaintindihan siguro gaya ng mag-inang DELCINE, pero hindi iyun ang hadlang para maging wala lang. btw...sabihin mo sa Mom mo.

I LOVE YOU

~~

Please!! Don't forget to VOTE, SHARE, and leave a COMMENTS ;D

#MYFIRST #ytsurgirl #HMB #freetoask

Her tears Make me Bloom (HMB On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon