HMB
Gwyn's
POV
"Halika na anak kanina pa pala naghihintay ang mag-ina sa baba" patungo na kami sa hagdan para makababa na. Nagising si Mommy dahil may nararamdaman raw siyang may tumititig sa kanya. Grabe diba! Anlakas ng instinct niya. Ako nga kapag natutulog kahit sampalin pa ako, hindi talaga ako magigising lalo na kapag pagod na pagod ako. Kayo ba? Ano naman mga karanasan niyo sa pagtulog?"Andiyan na po" kumuha pa kasi ako ng tali ko sa buhok sa kwarto. Naiinitan ako eh. Narinig ko naman ang yapak ni Mom pababa na. Ako naman kasalukuyang tumutungo sa hagdan habang abala sa buhok. At nakakainis lang ang hirap-hirap itali. Minsan lang kasi ako magtali ng buhok, gusto kong gawin iyong bun style ba pero etong buhok ko ayaw makisama. Putek!
Nangangawit na ako! huhuhuhuhuhu (-.-)
"Ako nga diyan, anak" pag-aalok ni Mommy sa akin. Nahihiya naman akong lumapit sa ina at bahagya ng umupo upang maabot neto. Parang dati lang, lagi akong nagpapaipit kay Mommy. Tuwing papasok ako nung bata ako sa school iba't-ibang hairstyle ang gingawa niya. Naalala ko noon na may collections pa ako ng mga bows at mga fruit na hairclips. Since dalaga na ako, pinamigay ko na yung mga collections ko. Kaso dalaga na nga ako hindi parin masyado marunong magtali ng buhok? Say?
Wateva!
"Naku! Gwyn anak naalala ko pa noong bata ka palang halos umiyak ka nang hindi ako ang nagtatali sa buhok mo" speaking...
"hihihi...opo"
"Atska tanda ko pa noon, iyung ginupit mo ang buhok mo para lang parehas tayo?" tanda ko nga! Nagbangs kasi si Mommy noon kaya ginupit ang sariling buhok para parehas talaga kami. Pero ang kalabasan hindi talaga naging bangs kundi yung pang rockstar ba? Yung side lang ang nagupitan.
Hindi nagalit si Mom sa ginawa ko nun. Tinawanan pa kamo kaya natawa narin ako. Natawa ako sa itsura ko.
"Bagay mo pala maging Rockstar ano?!" hinarap ko siya dahil tapos niya ng itali ang buhok ko.
"Mom naman ieeeeee!!!"
"HAHAHAHAHHAH...gusto mo Makita yung picture mo noon nak?!" parang bata mangasar si Mom.
"Mom ang panget ko kaya dun"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA...buti alam mo" bully din to eh? Tawa parin siya ng tawa. Nakakatawa ba maging panget? Nginusuan ko siya. Ayaw tumigil eh.
"Ok..come here" nararamdaman niya na atang napipikon na ako kaya niyakap niya na ako. Ang sweet!
"Listen carefully....kahit ano pa ang gawin mo sa buhay mo. I will support you because you're dad and I will always love you. At kahit anong mangyari ikaw parin ang baby namin, remember that okay?" na-touch naman ako.
"Bat sinabi niyo po na panget ako?" clear ko lang!
"Anak, ibig kung sabihin nun panget ang ginawa mo. Wag kang gagawa ng kahit ano sa sarili mo para lang matulad o magaya mo ang gusto mo. Tsaka wala namang taong panget ah?~~" talaga! "~yung mga sinasabihan nilang mga panget hindi lang sila siguro marunong mag-ayos or may kailangan dapat asikasuhin kaysa ang mukha nila. Pero hindi mo naman kailangan magbago para mahalin ka ng ibang tao. Anak, mahal kita bilang ikawtsaka ganda mo kaya!" kiniss ko siya sa kanang pisngi niya.
"Love you, Mom"
"Hayyyy...kahit kalian ang sweet-sweet mo noh?! Mabuti pa baba na tayo para makakain na?"
"Opo" ayun ang umaga ko naumpisahan ng saya.
~~
"Sabihin mo na kasi, Yen" kinukulit ko si Yen dito sa loob ng kotse. Curious nga kasi ako kanina.
"Wala nga?!" singhal niya.
"Anong wala?! Umiyak ka ng walang dahilan ganun? Baliw ka ba?"
"Ewan"
"So baliw ka nga?!"
"Shit ka!" mura niya sa akin.
"Shit ka din!"
"Baliw..baliw..baliww" dugtong ko.
"HOYYY!! HINDI AKO SABI BALIW!" nanigaw pa?
"HAYY!! Manong may baliw sa loob ng kotse~~!!" parang tanging saad ko.
"~~Manong...manong!!" no pansin si Manong? Sisigaw pa sana ako kaso tinakpan na ni Yen ang bunganga ko gamit ang isang kamay. Kinagat ko naman iyun. YUCK!
"Ouch!!" sigaw niya at hinihimas ang daliring nakagat ko.
"Bat ka ba nangangagat?!" turo sa akin pero mabilis ding inilayo dahil balak ko na naman kasing kagatin.
"Stop it, Gwyn"
"Stop it, Gwyn" panggagaya ko sa maarting boses niya.
"Hayyyy!! Oo na...sasabihin na ok? kaya tumigil kana pwede kasi naiinis na ako" ginulo pa niya buhok niya. Tsk..baliw!
"Sasabihin rin pala eh"
"Oo na nga diba? Nang-aarar eh noh?!" yeah! asar talo!
So yun nga sinabi niya lahat ang nangyari kanina about sa ina. Kwentuhan lang ang ginawa namin habang papunta sa school. Kailangan pa kasing asarin eh bago sabihin. Free naman akong dinggin siya. At kausapin siya. Ano pa't BESTFRIEND niya ako?
~~
Kasalukuyan kaming nagiingay dito sa classroom. Nagsasaya mga classmate ko dahil nga daw wala si Teacher Jen para i-meet kami. Hindi nadin naman na ako magtataka kung bakit wala siya dahil kapag meron si Teacher Jen, for sure advance iyun kung pumasok pero ngayon 10 minutes na ang nakakalipas wala parin siya. Kaya ngayon dito muna kami hanggang matapos ang class hour sa subject nato. Bawal kaming lumabas pwera nalang kung may pahintulot ang Teachers. Tsaka masyadong strict mga guard dito eh kaya 'no choice' kami. Kwentuhan nalang muna ang iba, iba naman gadgets, at ako as usual....nagbabasa with music. Mga kaklase ko, Tiktok diyan, ML dito at Wattpad there. Sarap buhay noh?! Kung wala ang mga Teacher.
--
~TOK TOK TOK TOK~~
Napatigil at napalingon naman kaming lahat sa nakasaradong pintuan. Nagsettle down naman kami bago pa siya makapasok baka kasi may magbabantay ulit sa amin na ibang Teacher. Malaman pang sobrang ingay namin, makarating pa kay Teacher Jen. Malalagot talaga kami't mabigyan na naman ng long quiz. Baka nga hindi pa long quiz eh...early examination kamo. Ganun ka petmalu!
Nang tuluyan ng bumukas ang pinto nagulat nalang kami sa iniluwal neto. Siya kasi yung pinagkwekwentuhan ng mga kaklase ko at nangunguna dun si Yen. Siya din yung pinakaiinisan ko recently. Alam niyo naman kung sino?! Eh! Sino pa nga ba di si..
ZACHARY RAY BAUTISTA!!!! ang dakilang mukha ng baka.
--
<3 SEND
====
Please!! Don't forget to VOTE, SHARE, and leave a COMMENTS ;D
#MYFIRST #ytsurgirl #HMB #freetoask
![](https://img.wattpad.com/cover/233060434-288-k705102.jpg)
BINABASA MO ANG
Her tears Make me Bloom (HMB On-going)
Teen FictionI'm the LAST but why I have this feeling that you don't give me the TRUST. ~~Sylasty