Chapter 8

24 8 0
                                    

HMB

Gwyn's

POV

"Gwyn may practice kami tomorrow" pagpapaalala niya sa akin. Malapit na nga palang ganapin ang SCA ( Silver Chart Award). Isa sa programme namin na every year ginaganap and nagpe-perform kami tapos binibigyan ng award. Para naring tradition sa school namin. Pag may silver syempre may gold. GCA ( Gold Chart Award) ang programme naman nayan, we perform it internationally. Madalas lang kami kung manalo. Minsan naman hindi na kami sumasali kasi busy on our study. Kaya nagiging sikat ang school namin dahil narin sa mga students na nananalo. Mas nakikilala kumbaga.

Mabuti pa kila Yen naguumpisa na silang magpractice. Mga ka-section ko mukang wala pa balak. At siguradong minsan nalang kami magsabay ni Yen. Nagsisimula na kasi practice thing e.

"Sa College building?" malamya kong tanung sa kanya.

"Mmmmm.sama ka?" aya niya. Ayoko nga dun, sobrang boring. BORING

"no thanks" agap kong aniya.

"hahahahahahahahahaha. Welcome ka naman dun kaya don't worry. Samahan mo ako" nangaasar pa siya.

"Welcome mo bunganga mo!!"

"Hahahahahahahahahahahahah" and now inside this car was filled by her laugh. Nakakarindi!

Nandito pa lang kami sa labas ng bahay nadidinig ko na boses ni Mommy. Bumaba na kami ng kotse ni Yen at tumungo sa into upang ibukas iyun.

"Baby!!" sigaw ng Mommy ko pababa sa hagdan. Yumakap siya sa akinat sinuklian ko naman yun. Ang higpit ah. Isang lingo lang naman silang nawala.

"How school?" just like the old times. Nothing new.

"Good" everytime naman na darating siya yan lagi tinatanung niya. Then "good" din lagi kong sagot. Alangan naming "bad" baka mabadtrip pa siya. Humiwalay na si Mom sa pagkakayakap sa akin at ganun rin ako. Pumunta siya sa kinaroroonan ni Yen na naka-upo sa may sofa.

"How is my Yen?" saad ni Mommy. Ngumiti naman si Yen sa tanung ni Mom. Pero alam kung fake smile yun. Alam ko kung bakit siya ganyan. Si Tita Yan kasi parang wala lang si Yen sa kanya. Parang wala nga siyang anak kung umasta e. Para silang kaluluwa na walang imikan. Katulad ngayon imbes na kamustahin ang anak kahit saglit man lang ayun nandun siya nagmumokmok sa pagta-trabaho. Sa tingin niya naman mas importante ang trabaho kaysa sa nagiisang anak.

Hindi ko alam ang nararamdaman ni Yen kasi tuwing tatanungin ko siya sabi okay lang naman daw. Simula kasi namatay Daddy niya nangako siyang lagi niyang i-intindihin si Tita Yan. At alam kung tinutupad naman ni Yen iyun. Pero dapat iparamdam naman sana ni Tita na nandiyan rin siya para kay Yen.

Ayokong makialam sa kanila dahil problemang mag-ina yun. Tanging sila rin ang makakaayos nun. Kailangan lang nilang mapagtanto na habang nandiyan ang isa't-isa, makontento't mahalin ang bawat isa. At bilang narito ako na kaibigan na parang kapatid narin ni Yen, heto ako dinadamayan siya, binibigyan ng advice at pasasayahin kapag malungkot siya.

"Doing good.....T-tita" sagot ni Yen kay Mom. Nangiti naman ang mga Mommy dahil sa sagot nito. Napangiwi naman ako dun. I know you can fool anyone Yen, but not me.

"Well, that's great....iha?" walang araw dind hindi mabait si Mom. Minsan nga sabi sa akin ni Yen noon na sana daw magkapatid nalang daw kami. Mas gusto niya kasing maging ina ang Mom ko kaysa kay Tita Yan. At dahil sa sinabi niya sinakal ko siya. Yung tipong lumalabas na dila niya. Naghirap si Tita Yan sa kanya tapos sabihin ba namang ayaw niya itong maging ina. Bastos na anak!! Pero tumawa nalang kami noon para kasi kaming mga timang e.

Her tears Make me Bloom (HMB On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon