HMB
Gwyn's
POV
Papasok na kami ni Yen sa room namin. Itong mga kaklase ko naman naguunahan sa pagpasok na kinikilig may pahiyaw-hiyaw pa. Ayyyyyy nakakarindi! Eto na ako na nag-adjust hiya ako e, kusa kasi nagsasalita yung excuse eh. Nagsi-siksikan kasi sila papasok. Humarap ako sa kaliwang bahagi ko. San na yung kasama ko? Kaya naman pala nawala na parang bula tong kasama ko. Ayun nakikita pagchika na. Ang galing!*clap clap clap*
Pumasok na ako, nasa loob na kasi sila lahat as in LAHAT. Pagpasok ko kanya-kanya silang magkwento parang group activity lang ang peg. Lumingon ako kila Yen na sobrang ingay kung makapagchikahan. Sa room namin ay puro mga kapwa ko babae lang wala ni kahit isang lalaki kasi nakahiwalay at nasa ibang building sila. Sa ABA ( Alpha Benz Academy ) kasi hiwalay ang mga boys and girls ganun din sa college. Bukod kasi sa Academic may kanya-kanya kaming activity na yun mismo ang parang special talent ng bawat students dito samin.
Every other day namin gingawa iyon. Ako nasa Vocal and Dance section ako. Si Yen sa Voice and Speech section. Kaya ang daldal niya. Mga ibang students naman nasa Arts, Sports, Instruments at marami pang iba. Karamihan sa amin ay groups. Tuwing may gaganaping programme dito sa school. Group na kung magperform. Madalas din may showdown. Kanya-kanyang grupo narin ang pagpractice. Mga kalaban namin galing din sa iba't-ibang school. Pagsmall event lang, kami-kami lang din ang maglalaban-laban.
"Hoy, Gwyn!" ay anak ka ng baka. Kahit kailan talaga to ang sarap bitaYen.
"Bakit?" tanong ko. Umayos na kasi sila sa kani-kanilang mga upuan dahil maya-maya nandyan na yung Teacher namin Advance mag-isip. Diba kapag nagbell na yun palang umpisa ng klase. Pero yung Teacher namin wala pang bell nagu-umpisa na klase namin. Masyado kasi siyang advance mag-isip kaya ayun. Advance din time niya, advance narin kami kung magklase.
Itong katabi ko hindi na naman mapakali. Teacher namin mahilig din magpasurprise e. Yung surprise na nakakawala ng gana.
"My gwyn tulungan mo ako maya ah?" pagpapaalala niya. Kapit pa siya sa kanang braso ko.
"San?"
"Anung san....walang sun dito? Nasa loob tayo, maya muna hanapin ang sun" anu??
"Ha?!"
"He?!"
"Sapak yung hinahanap ko Yen?"
"Sapak?" di gets?
"Oo konti nalang sasapakin na talaga kita...you want??" inis kong tanung.
"Hehe....no thanks" sagot niya.
"Tigilan mo nga yang kamay mo sa braso ko" parang tarsier kung kumapit. Tinanggal niya narin kalaunan. Ang sakit namumula pa braso ko.
"Gwyn...baka magparecite si Teacher Jen mamaya" hindi ko siya pinansin. Nagbabasa na naman kasi ako.
"Gwyn..." ulit niya.
"Mmmmm" tuloy parin ako sa pagbabasa.
"I need your help" saad niya. Jennalyn Arquero pala full name ni Teacher Jen yung sinasabi kong advance mag-isip. Kapatid niya si Teacher Jan. Ang binansagang matandang dalaga sa library kung natatandaan niyo pa. Tanda niyo ba? Tanda narin kasi siya e ;) Magkaiba na sila apelyedo, nakapag-asawa na kasi si Teacher Jen. May anak narin siya at dito rin nag-aaral. Pero itong si Teacher Jan the matandang dalaga, wala talaga eh. Nuknukan ng kasungitan kaya walang sumasalo sa sariling bugha na apoy.
BINABASA MO ANG
Her tears Make me Bloom (HMB On-going)
Teen FictionI'm the LAST but why I have this feeling that you don't give me the TRUST. ~~Sylasty