HMB
Gwyn's
POV
Nakadumog lang ako rito sa pwesto ko't nagsususlat 'magdamag. Habang mga kaklase ko, Ayun halos mabali na ang mga leeg nila sa kakatingin kay Sir "Zach" na kasalukuyang nagdi-discuss ngayon. Hindi naman sa 'di ako nakikinig sa mga paliwanag niya ah. Nakakawalan lang ng gana tumingin sa mukha niya ganun nadin mga sinasabi niya. Ewan ko ba! Sa lahat ng iba? Bakit siya pa?!
Inaamin ko na gwapo nga siya at sinasabi kong totoo na sobrang panget ng ugali niya. Inaamin ko na matalino rin siya, clear skin and so watever. At ngayon naman inaamin kong 'pakitang tao siya. Inaamin ko na crush na crush din siya ni Yen (99.9%). Kay lahat ng inamin ko ngayon..pare-parehong walang kwenta at yun ang totoo.
-
Para di ako mahuli sa lesson, sinusulat ko nalang mga important words na dinidiscuss niya nang sa ganun hindi ako magka-score ng zero. Baka balakin niya pang magpa-quiz eh, isipin niya pang 'bobo ako.
Sulat dito, sulat diyan. Putek! Nabo-boring na ako...huhuhuhuhu. Ayaw na ayaw ko pa naman sa klase ang sulat ng sulat. Nakakatamad kaya, magkakaroon na naman kasi ng bukol etong daliri ko sa kakasulat. (i-i)
Nilingon ko ulit si Sir "Zach" na nasa kabilang board naman ngayon nagsusulat habang dakdak ng dakdak. Alien ata to eh? Ako pa ata ang mukang hinihingal sa ginagawa niya? Hindi ba siya marunong magpahinga ng.....bunganga?! Di kaya'y sinasadya niyang magsulat ng magsulat?
Ikaw na...ikaw na 'best in writing'. Nahiya yung sulat ko eh, parang hinukay sa lupa. Pero la pake!
Ayoko sa mga Teacher at feeling Teacher ang pasulat ng pasulat. Mas marami kasi ipapasulat nila kaysa yung e-explain nila. Pero 'di lahat ah'. Masipag lang talaga sila...yun. Pero etong Sir "Zach", ang hirap intindihin mga sinasabi niya. Kung ako nalilito..papaano naman mga classmates ko? 'Wa entende, koyah! Etong katabi ko nga kanina pa tulaley.
"Yen?" pabulong ko.
"Yen...Yen" ulit ko.
"Hoyy! Yen!" kinakalbit ko pa.
"Yen!" tinangay na ata kaluluwa neto?
Boring ako't nauumay narin kaya sinampal ko siya sa kaliwang pisngi niya. Di naman ganun kalakas, parang lang. Gusto ko lang siyang gisingin sa realidad.
"A-araray!!" hiyaw niya at napatayo a siya hawak-hawak ang pisnging sinampal ko. Dahil dun nakuha niya ang attention ng iba..iba lang naman. Pero naibalik din nila ang tingin kay Za-este Sir pala.
hihihihi...shurry, Yen. I didn't meant it. Bored lang kasi si 'Me.
"Ahhh...I lav yu.." dugtong pa niya. hanu daw?
"pft..hahahahahhahaha" ano sinasabi ng babae nato? Kami lang naman nakakarinig. Mahirap na, you know...G na G. Expect ko pa nga sisigawan niya ako pero ngumiti lang siya sa akin at mayroong ibinubulong. huh? Sinong tanga ang ngingiti sa taong nagsampal sayo?? Tsk. Obviously si Yen.
Humagikgik siya habang umuupo sa tabi ko. Sinasapian na ata?
"Yen..anyari sayo?" nagaalalang tanung ko.
"hehehehehhe"
"heheheheheh" gaya ko sa tono niya. What a nice answer, huh? Bahala nalang ang sumapi sayo.
"ihihihihihih" c1
"ayieeeeeh" c2
"hehehehehhee" c3
"aieee" c4
"ughhhh" naiirita na ako. Gusto kong manampal ulit kaso masyado akong mabait para dun. Jusko! Teacher Jen balik kana as soon as possible. Landi is waving, Harot are coming!
Akala ko si Yen lang ang hagikgik ng hagikgik dito pati din pala ang iba. Like, all of this fucking girls?! Hindi ko alam kung anong reason pero ang iniisip ko lang..ay iisa. Kundi, baliw na sila! Ang ipinagtataka ko lang. Bakit parang wala lang kay Sir 'Zach?
Nang nilingon ko ulit siya para sana sabihin about sa classmates ko. Naisip ko ng 'wag na ituloy dahil siya naman pala ang dahilan kung bakit sila nagkakaganyan. Kikindat-kindatan niya isa-isa mga kaklase ko? tapos may kagat-labi pang nalalaman? Pwede ba yun? Dakilang child abuse rin to eh.
Nang nakadanon na siya sa pwesto namin. Sakto din namang lumingon ako. Ako naman ang sinunod niyang kinindatan. Inirapan ko naman kaya napahalaklak siya ng bahagya. Sa tingin mo ba, kinikilig rin ako? Neknek mo!
Ibinagsak ko nalang ang ulo sa lamesa at itinakip sa mukha ang magkabilang kamay. Di ko alam na ganun pala ang epekto ng mga baliw. Iniisip kong mannerism niya ang kindat ng kindat pero base sa kwento ni Yen, malabo eh? Di kaya'y siya naman ang mangkukulam, guess? Muka kasing nagayuma mga babae rito.
Astig kamandag niya, pre. Wala silang pake basta si Sir 'Zach ang naka-display. Sa ngayon, ayoko muna magsalita dahil magmu-muka lang akong tanga. Wala na nga akong naiintindihan sa mga discussions niya..nakuha niya pang mangharot? Then mga classmates ko naman, marupok?!
Grabe!! Kayo na malandi!!
At ako na, BITTER!!
--
hi po:)
Sorry sa matagal na update.
Sorry din sa mga wrong grammar and etc.
~@ytsurgirl <3 SEND
Please!! Don't forget to VOTE, SHARE, and leave a COMMENTS ;D
#MYFIRST #ytsurgirl #HMB #freetoask
BINABASA MO ANG
Her tears Make me Bloom (HMB On-going)
Teen FictionI'm the LAST but why I have this feeling that you don't give me the TRUST. ~~Sylasty