Villa Francia,Quezon
Pilipinas
August 28,1875Ginoo,
Magandang araw Ginoo, natanggap ko ang iyong mga liham na iyong mga naipadala saakin. Ako ay nagagalak sa iyong mga sulat at hindi ko mapigilang mahulog sa iyong matatamis na salita.
Hindi pa kita kilala ginoo ngunit masasabi ko na isa kang mabuting tao. Hindi ko rin sigurado kung sino ka sa mga nakilala ko noong nagdaos ang pista sa Quezon. Hindi pa kita kilala ginoo ngunit nabihag mo na ako sa iyong mga sulat.
Hindi pa kita kilala ngunit ako'y sigurado na, kaya hinihintay ko ang mga liham mo tuwi't tuwina. Hinihintay ko na ikaw ay magpakilala. Binubuo ko sa aking imahinasyon at inaaninag ka sa karikitan ng maghapon. Ginoo, ang hugis ng iyong mukhang kayhinahon.
Bagama't hindi pa kita kilala, ni hindi pa nakikita, Pintig ng puso ko at ang aking bawat pag-hinga. Katugon ng saiyo at tayo ay iisa.
Lubos na Nagmamahal,
Maraiah
BINABASA MO ANG
The Man I Loved in 1876 | ✔︎
Historical Fiction『Galilee has been dreaming about this man in a historic place and time since she was 18. It was vivid dreams and it's like really happened. That mysterious man always ended up forgotten at the time she wakes up, his face was blurred, his voice was...