KABANATA V

435 24 1
                                    

[ G A L I L E E ]

Nagising ako nang marinig ko ang alarm sa cellphone ko. I checked the time and it's already six in the morning. Agad akong bumangon at nagsuklay nang buhok bago lumabas nang kwarto.

Nadatnan ko si Teo sa sala, bukas ang TV at nakita kong nanunuod sya. Nang mapansin nyako ay agad syang ngumiti. 

"Magandang Umaga binibini" He said then smiled widely. Gulo gulo pa ang buhok nya.

"Morning... gantong oras ka ba lagi nagigising? such a morning person" sabi ko saka ko kinuha yung toothbrush ko at nilagyan ng toothpaste.

"Oo binibini, saamin ay nag aalmusal na ang mga tao pagdating nang alas tres nang umaga" nakangiti nyang sabi.

"Waw hindi pala ako pwede sa Spain lol" I said then I put my toothbrush inside my mouth.

Tumayo si Teo sa pagkakaupo sa sofa at lumakad papunta sa direksyon ko. Tinaas ko ang kilay ko habang nagtotoothbrush. Nanlaki ang mata ko nang lumapit pa sya sakin at saka hinalikan yung tuktok ng ulo ko.

"Tunay na napakaganda mong binibini, mahal kahit na ikaw ay bagong gising pa lamang..." he said then smiled at me widely. 

"I know that already... maganda talaga ako" sabi ko bago ako tumalikod at nagmumog nang tubig. Pagkatapos non ay pumunta ako sa ref para kumuha nang mga kakaining breakfast. Kakain nalang siguro ako nang vegetable salad ngayon at nakita ko rin yung chicken joy nya sa ref at hindi nya kinain. Kinuha ko iyon at imimicrowave ko nalang para kainin nya. 


Nang matapos kong mainit yung pagkain nya ay nilagay ko nayon sa pinggan at pinatong sa lamesa. Nagtimpla ako nang gatas at kape, hindi ko na masyadong nilagyan nang sugar dahil baka magreklamo nanaman sya.  

"Ohh kumain kana, mauna ka nang maligo para makapag ayos kana habang naliligo ako..." sabi ko sa kanya. Agad naman syang ngumiti at tumango.   





"Ikaw ang binibini na ninanais ko, binibining marikit na dalangin ko..."






Napatigil ako sa pagkain at saka nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya. What the heck?! san nya natutunan yan?!





"Bakit mo alam yang kantang yan?" gulat na tanong ko sa kanya. Lumingon sya saakin at saka ngumiti.  




"Pinatugtog iyon kagabi ni binibining Alexa kung kaya't nagustohan ko ang liriko. Pinaulit ulit ko iyon pakinggan hanggang sa makabisado ko, ang bawat salita ay parang ikaw ang nakatala.. ikaw kasi ang binibining ninanais  ko"


I gulped and looked away. His flowery words really making my stomach stumble.

"Kumain ka nalang Teo..." sabi ko nalang saka pinagpatuloy ko ang pagsubo ng vegetable salad.

"Nasasabik na akong makita kung anong mayroon sa labas nang silid na ito." bigla nyang sabi.  

"Marami kang makikitang hubad na babae..." simpleng sabi ko.  

The Man I Loved in 1876 | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon