𝑳𝒊𝒉𝒂𝒎 ⸙ Agosto 09,2020

320 21 0
                                    

Agosto 09,2020

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Agosto 09,2020

Binibining Galilee,

Magandang araw aking sinta, huwag ka nang malungot, pakiusap. Nandirito lamang ako sa iyong tabi parati at ako'y nagmamasid sayo. Nasa puso mo ako, mahal. Sa oras na mabasa mo man ang liham na ito ay paniguradong wala na ako.

Hiniram ko lamang ang katawan ko binibini, ipinagkaluoban ako ng pagkakataong mabuhay muli at mahanap ang aking pag-ibig. Ngunit ikaw ang aking nahanap, Galilee. Ikaw ang binibining nahanap ko at pasensya na kung ika'y nasasaktan ko ngayon sa aking paglisan.

Pinapakiusapan kitang huwag mong isara ang iyong puso mula sa pagmamahal. Galilee, binibini ko... Magmahal ka muli katulad ng aking nagawa. Mag mahal ka at huwag mong isara ang iyong damdamin. Ituring mo nalamang akong isang magandang ala ala.

Mahal na mahal kita, Galilee. Ako na ilang daang taon ang tanda sa iyo. Ako na ang angwat saiyo ay isangdaan at apat na pu't apat na taon. Namatay ako sa taong isang libo't walong daan at pitong pu't anim. Ngunit ako'y muling nabuhay sa taong dalawang libo't dalawang pu. Daang taon man ang pagitan natin ay hindi iyon humadlang sa pag-ibig ko saiyo. Palagi mong isasaisip at isasapuso... mahal kita,
Galilee Rose Del Mundo.


Nagpapaalam,
Juan Timoteo Crisostomo

The Man I Loved in 1876 | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon