KABANATA VI

347 25 0
                                    

[ G A L I L E E ]

Someone knocked to my room door. Pinag isipan ko muna kung bubuksan ko iyon o hindi. Naiinis parin kasi ako kay Teo. Porket ba nagpakita nang balat wala na agad yung dignidad at dangal ko? ganon ba yon? 





"Binibining Maraiah... lumabas ka na sa iyong silid pakiusap... hindi ko maatim na ikaw ay galit saakin..." rinig kong sabi ni Teo sa labas ng kwarto ko.





I just rolled my eyes and I chose not to speak. Naiinis talaga ako sa kanya.







Kumatok ulit sya ng tatlong beses. "Binibining Maraiah, ako ay nagsusumamo saiyo. Lumabas ka na riyan at ako'y iyong kausapin..."






"Wag mo na kong kausapin! Wala akong dignidad at dangal na babae!" sigaw ko. Tch! edi umalis sya sa condo ko at dun sya makitira sa babaeng may putanginang dangal at dignidad na hinahanap nya!







"Mahal hindi ganiyan ang aking tinuran! Nagmamakaawa ako at patawarin mo ako binibini sa aking mga nasambit... nadala lamang ako ng selos at inis..."






"Che! Manahimik ka nalang jan! Okaya hanapin mo yung dangal at dignidad ko jan sa Sala! Bwisit!" inis na sigaw ko saka ako nagtalukbong ng comforter ko.







"Binibining Maraiah ako'y mas lalong nasasaktan sapagkat ang mga salita ko ang dahilan ng iyong ikinagagalit... nagsusumamo ako ng lubusan aking mahal... patawarin mo ako" 







Mas lalo lang akong naiinis sa mga sinasabi nya kaya mabilis kong kinuha yung airpods ko at ikinonect ko sa cellphone ko at nagplay ng music. Finull volume ko pa para wala talaga akong marinig. 




After ilang minuto lang ay nakaramdam ako ng antok kaya ipinikit ko ang mga mata ko.







"Maraiah... ipinapangako kong ikaw lang ang mamahalin ko. Muli kitang hahanapin sa ating pagkabuhay. Antayin mo ako, mahal ko"






Napamulat ako nang may pumatak na kung ano sa pisngi ko. Nakita ko ang mukha ni Teo na luhaan habang ako ay nakahiga at yakap yakap nya ako. Blood is everywhere. Even his face and clothes are full of blood. He's crying like there's no tomorrow. Pinilit kong magsalita pero kahit anong gawin ko ay hindi ko maibuka ang mga bibig ko. Para akong naparalisa, wala akong ibang magalaw kundi ang aking mga mata. 






"Ikaw ang aking una't huli, ikaw ngayon at dati. Ikaw sa umaga hanggang gabi, ikaw lamang ang isisigaw parati... Maraiah"






After he said that... A sound of a gun lingers in my ears..









Then Teo suddenly dropped his face into mine. Our lips met but no one is moving and even breathing.





The Man I Loved in 1876 | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon