PEBRERO 28,1876

283 20 2
                                    

[ THIRD PERSON ]





"Saan ba tayo pupunta, mahal?" tanong ni Ginoong Teo kay Maraiah. Kasalukuyan silang naglalakad sa madamong burol.






"Basta Ginoo, may ipapakilala lamang ako sayo..." nakangiting sabi ni Maraiah at saka ipinagpatuloy nila ang paglalakad.







Nagtaka si Teo nang makarating sila sa isang puok libingan o sementeryo. Tumigil sila sa isang simentong lapida. Agad  napakunot ng noo si ginoong Teo.








"Bakit tayo nasa libingan ng mga nahihimlay mahal?" takang tanong ni Teo.






Tumingin sakanya si Maraiah at saka ngumiti. "Ipapakilala lang kita sa isang mahalagang tao sa buhay ko" nakangiti nitong sagot saka tumingin sa lapida. 







"Maiah kamusta ka na diyan sa langit?" nakangiting tanong ni Maraiah sa lapida habang tinatanggalan ito ng alikabok. "May ipapakilala ako sayo, Maiah"






Tumingin sya kay Teo. "Maiah, si Teo... ang aking nobyo... Ginoong Teo, si Binibining Maiah Denniza De Luna, ang kakambal ko." nakangiting sambit ni Maraiah.






Agad naman tumaas ang kilay ni Teo. "May kakambal ka binibini?" gulat na tanong ni Ginoong Teo. 







Agad na tumango si Maraiah at tumingin sakanya. "Sya si Maiah Denniza, Labing walong taong gulang pa lamang kami nang mamatay sya... sinagip nya ako mula sa malapitang pagkakahulog ko sa matarik na bangin. Itinulak nya ako papunta sa ligtas na lugar at siya naman ang nahulog sa bangin...." pagkkwento pa ni Maraiah.






"Ako'y nakikiramay Binibining Maraiah..." tumungo si Teo.







"....Napakabait ni Maiah, isa syang anghel. Magkaiba man kami nang ugali at lagi nya man akong inaaway ay lagi nya rin naman akong nililigtas..." napaiyak na si Maraiah habang nag kkwento. "Ako lang ang naiiba sa pamilya, ako lang ang mahinhin at mahiyain, Si Maiah at Kuya Mario ang magkasundo pagdating sa musika. Habang ako naman ay sa pag pipinta. Mahal na mahal ni ama si Maiah at alagang alaga nya ito. Ngunit kahit kailan ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob kay Maiah. Madaldal sya at palaban... maganda rin sya at matapang. Ako'y labis na humahanga sa kanya... nang mawala sya ay lalong lumupit si Ama, naging mas masama sya at naging sakim. Wala na kasi si Maiah na nagpapakalma sa kanya tuwing nagagalit sya, Wala nang Maiah na nagmamasahe sa kanya at nag titimpla ng kape nya.... kaya ipinagdarasal ko noon Ginoong Teo, sana ay ako nalang ang nawala. At hindi si Maiah...." 





Tuluyan nang napahagulgol si Maraiah. Niyakap naman sya ni Ginoong Teo at pinatahan.






"Huwag kang mag alala binibini, sinisigurado kong masaya na ang kakambal mo sa langit..." pag papatahan ni Teo.







"....Iniligtas nya ang buhay ko ginoong Teo, ipinapangako ko sa kanya na sa susunod naming mga buhay ay ako naman ang magliligtas sa kanya, ako ang magbubuwis ng buhay para sa kanya..." seryosong sabi ni Maraiah.






"Ipinapangako ko Maiah, ako naman... sa susunod nating buhay."

The Man I Loved in 1876 | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon