KABANATA III

477 33 1
                                    

[ G A L I L E E ]

Naalimpungatan ako sa pagtulog ng marinig kong tumutunog yung cellphone ko na nakalagay sa night stand. Pagkakuha ko ng phone ko ay agad kong nakita ang pangalan ni Dad sa caller ID, mabilis kong pinindot ang accept button at ipinatong ang phone ko sa tenga ko habang nakapikit parin. Grabe alas sinco palang ng umaga tumatawag na agad si Dad.




[Anak kamusta?] rinig ko sa kabilang linya.   





"Daddy naman, 5 am palang tumawag ka na agad..." reklamo ko. 





[Sorry my daughter, I just wanna check if your okay... kamusta na? okay lang ba pakiramdam mo?]





"Dad I'm fine, at hindi moko maloloko dad... hindi ka mangangamusta sakin nang ganto kaaga kung wala kang pakay" sabi ko.    




[Okay anak you know me well, I just wanna say na may gusto akong ipakilala sayo, o baka kilala mo na... si Yvo Montejo]



Napabuga naman ako sa hangin. Reto nanaman, buti pa tong si daddy may pakielam sa love life ko, ako kasi wala!





"Ayaw ko dad tinatamad nga ako magjowa ngayon...si kuya nalang kulitin mo sa ganyan nang magkaapo ka na"  




[Aba himala Rose at tumatanggi ka ngayon, dati naman ay sige sige ka hahaha osige anak goodmorning]





"Hmmm goodmorning rin dad" sabi ko saka pinatay ko na yung tawag. Wala na akong gana matulog dahil naalimpungatan nako. 





Nahirapan rin ako matulog kagabi dahil nakatulog na nga pala ako sa clinic ni Doc Keegan ng 12 hours.



Bumangon nalang ako saka nagsuklay ng buhok ko bago lumabas ng kwarto.




"Ay puke mo—"  nagulat ako ng may nakita akong lalaki na nakatayo sa tapat ng pintuan ko. Oo nga pala may inuwi nga pala akong lalaking may sayad sa utak kagabi...



"Magandang Umaga mahal" nakangiti nyang bati sakin. Teka bakit gising na agad toh? ang aga pa ah!  






"Bakit ka nakatayo sa tapat ng pintuan? saka bakit gising ka na?" takang tanong ko. Nilagpasan ko sya saka dumeretso sa sink para mag toothbrush.





"Inaantay kita magising binibini, ayokong gambalain ang iyong pagtulog kung kaya't ako ay nag intay na lamang na magising ka." nakangiti nyang sabi. "Linggo ngayon aking sinta, araw nang panginoon kung kaya't maaga akong gumising dahil magsisimba tayo" sabi nya pa.




Napatigil ako sa pagtotoothbrush at saka tumingin ako sa kanya. Tinaasan ko sya ng kilay. Simba? Hindi ko na nga matandaan kung kailan ako huling nagsimba eh!




Nagmumog muna ako bago magsalita. "Kaya ka gumising nang maaga dahil mag sisimba ka?! Tol walang simba ngayon may virus! Social distancing ngayon kaya walang simba!" sabi ko.




"Hindi yan maari binibini, hindi kaylanman nagsasara ang simbahan tuwing araw ng Linggo" sabat nya naman. Pucha may lalaki pa palang mahilig magsimba sa panahon ngayon?  





The Man I Loved in 1876 | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon