KABANATA VIII

353 25 1
                                    

[ G A L I L E E ]

Alas kwarto palang nang umaga ay nagising na agad ako. Nag alarm kasi ako ng 5x para siguradong magigising talaga. Pagkababa ko nang kama ay inayos ko muna yon then saka ako nag suklay bago lumabas ng kwarto. 





Pagkabukas ko ng pinto ay nasa tapat nanaman si Teo at nakatayo. Para syang asong nag aantay sa amo nya. Lolz





"Goodmorning, binibini" nakangiting bati nya.




"Goodmorwait alam mo ang salitang goodmorning??" gulat kong tanong. Agad naman syang napanguso.





"Kusa nalang lumalabas sa aking bibig iyon binibini, ang ibig sabihin non ay Magandang Umaga tama?" pagtatama nya.





Tumango naman ako. "Oo tama.. mabuti yan natututo ka na sa english... kakanuod mo siguro yan ng TV" sabi ko. 





Dumeretso ako ng sink at nagtoothbrush. After non ay naghanap agad ako sa ref ng pwedeng breakfast. Kaunti lang ang dapat namin kainin dahil baka matagtag ang tyan namin habang nasa byahe.






Kinuha ko nalang muna yung bread. Mag gagawa nalang akong tuna sandwich.






"Binibini huwag ka nang mag gawa nang almusal dahil nakagawa na ako..." rinig kong sabi ni Teo kaya napakunot ang noo ko at napatingin sa kanya.





"Huh? anong ginawa mong almusal?" I asked. Binuklat nya yung pangtakip ng foods then nakita ko yung niluto nyang tatlong itlog, apat na hotdog at fried rice. Napanganga naman akong napatingin sa kanya. "Ginawa mo toh?!" di makapaniwala kong tanong.





"Yup" nakangiti nyang sagot. Napangiwi naman ako. Mukhang naadapt nya  na talaga yung mga napapanood nya sa TV.





"Marunong ka na mag bukas ng stove? how about the rice? pano mo nagamit yung rice cooker?" di makapaniwala kong  tanong.




"Basta binuksan ko lang yung gasul binibini, tapos ay pinihit ko toh..." tinuro nya yung stove. "Tapos eto namang rice cooker, isinaksak ko doon... tapos pinindot ko ito... tapos nakaluto na ako agad binibini... napaka dali lang pala nitong gawin" nakangiti nyang sabi.





Napanganga naman ako. Grabe ang bilis nya namang matuto! wala pa syang isang linggo dito ah!





"Ang galing mo naman!" pag puri ko sa kanya. Napangisi naman sya.





"Salamat binibini... maupo na tayo't magsimula nang kumain, mahal" aya nya sakin.




We started to eat. Sinabihan ko sya na wag masyadong damihan ang pagkain nya dahil baka bumaligtad ang sikmura nya mamaya sa byahe.


"Mauuna nako maligo ha.." paalam ko nang matapos na akong kumain. He nodded and smiled at me.

Pagkatapos kong maligo ay sumunod naman sya. I go to my room for me to find what to wear. I just chose a pink laced dress hanggang kalahati ng thighs ko and it was a turtleneck sleeveless one. After that, I took my Prada white handbag and my LV necklace. I wore some ruby gems earrings and I made my make up light and presentable. I spayed some YSL perfume and I take my Gentle home glasses. 


The Man I Loved in 1876 | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon