KABANATA XIV

316 17 2
                                    

[ G A L I L E E ]

Pagkadating na pagkadating ko sa unit ko ay agad akong yumakap kay Teo na naka upo sa sofa.





"Binibini? may problema ka ba?" takang tanong ni Teo at saka ako ginantihan ng yakap.  






"Teo... mahal na mahal po kita" sabi ko. Hindi ko na mapigilan pang maiyak. Humiwalay ng yakap si Teo at nagulat ng may makitang luha sa pisngi ko. 





"Mahal? bakit ikaw ay lumuluha? sino ang nagpaluha saiyo?" tanong nya habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko.




Umiling ako sakanya saka yumakap ulit. Kahit naman ibalik ko sya sa kanila magkikita parin kami diba? Kami parin naman diba? 





"Teo h-hindi ka naman makikipag hiwalay sakin diba?" naiyak kong tanong habang nakayakap sakanya.






"Ano ba ang iyong sinasabi aking sinta? kaylanman ay hindi ko naisipang makipag hiwalay saiyo... mahal na mahal kita" sabi nya.






Malungkot akong napangiti. Sana nga ay wag mo akong iwan Teo. Gusto ko dito ka nalang sa tabi ko eh... dito ka lang...





Tumigil ako sa pag iyak at saka bumitaw ng yakap kay Teo. Nginitian ko sya at ganon rin naman ang ginawa nya.  





"Kamusta ang iyong lakad mahal?" tanong nya habang sinusuklay nya ang buhok kong daliri nya. I love it when he's doing it to my hair.






Ngumiti ako lalo. "Ayos lang..." sagot ko. Umupo ako sa sofa at saka yumakap sakanya. Parang ayoko ng bumitaw sa kanya... feeling ko kahit anong oras bigla syang mawawala...  






Naramdaman kong hinalikan nya ang ulo ko. "Napagod ka siguro sa iyong biyahe..." he whispered and kiss my left cheek.




Agad naman akong napatango.
"Uh-huh... napagod po ako... gusto ko ng kiss..." nakangusong sabi ko.  Napangiti naman sya.






Inilapit nya ang ulo nya sa ulo ko at ipinagdikit ang labi namin. Masuyo ang halik nya. He's kissing me with gentleness...






Humawak ako sa nape nya at tinugon ko ang halik nya. Bumitaw kami sa kiss para huminga. Hinihingal nya akong tinignan sa mata sa mata at pinagdikit ang noo namin.






"Hindi man ikaw ang aking simula, sayo naman ako magtatapos... Galilee" he said and pulled me again into a kiss.






——————





Napangiti ako ng makita ko ang mukha ni Teo sa katabi ko pag kagising ko. He's still asleep and I'm now seeing his beautiful face. I want to look at him. I want to see him every time I wake up in the morning.




He's my sunshine and my nightsky.







The Man I Loved in 1876 | ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon