Dumaan ang, araw linggo at buwan, paulit ulit lang ang nangyayari sa buhay may paminsan minsang pumupunta ulit kami sa dagat at doon mag kukwentuhan, minsan mag isa lang akong pumupunta ng dagat dahil hindi ako sinipot ni Andrew, may usapan kaming magkikita kami sa dagat bilang selebrasyon ng aming ikapitong buwan, ngunit hindi sya sumipot, umiyak ako habang nakatingin sa dagat pinanood kong mag isa ang paglubog ng araw habang nag uunahan sa pagtulo ang mga luha ko. Ngayon lang sya sumira sa usapan, hindi nya ugali ang ganito. Nang dumilim ay umuwi na ako wala ng jeep kaya nag tricycle na lang ako, mula sa tricycle ay umiiyak pa din ako kaya nang malapit na sa bahay ay nag pulbo ako at nag ayos. Hindi ako kinakabahan kung papagalitan man ako ni papa, masyadong masakit ang nararamdaman ko ngayon maski chat o tawag ay hindi nya ginawa, naka off ang cellphone nya at hindi sya online.
Flashback.
Pebrero 23, 2019. Ikapitong buwan namin. Excited ako dahil sa mga nagdaang kabuwanan namin ngayon lang kami lalabas at pupunta sa dagat. Noong mga nakaraan kasi ay laging may mga activity, kung minsan naman ay busy dahil sa mga school works Kaya hindi kami nagkikita, palaging chat na lang ang pagbabatian namin kaya talaga namang pinag handaan ko ang araw na ito.
Alas diyes ay nag aayos na ako, doon na raw kami mag tatanghalian Kaya nag paalam ako kay papa, pumayag naman sya. Inintay ko sya sa lugar kung saan kami kakain, Ala una na pero wala pa sya, gutom na ako dahil hindi ako nakapag almusal, kaya kumain na ako at pagkatapos ay muli ko syang inintay. Alas tres ng pumunta ako sa dagat, inaasahan kong baka dito na sya dumeretso at doon kumain sa bahay nila. Umupo ako sa buhanginan at doon naupo, hindi ko ininda kung madudumihan ang suot ko dahil may dala naman akong jacket para takpan ito. Niyakap ko ang tuhod ko habang nakaupo sa buhanginan at tahimik na nakasilay sa mga ibong lumilipad sa himpapawid, and dagat na tahimik at ang malakas na hangin na dumadampi sa aking mga balat.
Alas singko na bakit wala ka pa?
Nag uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko habang pinapanood mag isa ang paglubog ng araw, walang tao maliban sakin dahil pagabi na, patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko habang iniisip ang mga katagang ito:bakit hindi ka sumipot? Bakit hinayaan mo akong mag hintay? Bakit hindi ka nag paalam na hindi ka dadating? At bakit hindi ka dumating?
Lalong bumuhos ang luha ko dahil sa mga naiisip ko.Alas siyete trenta nang maglakad ako papunta sa sakayan ngunit madilim na at wala na akong makitang sasakyan, nag abang ako ng tricycle at doon na lang sumakay, nilakihan ko na lang ang bayad dahil malayo ang bahay ko sa kabayanan.
Hinayaan mo akong mag intay sa ating tagpuan, hinayaan mo akong lamigin habang yakap ang aking mga tuhod, hinayaan mo akong lumuha habang nakatingin sa papalubog na araw, hinayaan mo akong mag mukang tanga habang naka upong mag isa sa buhanginan, hinayaan mo akong umuwi ng luhaan, at higit sa lahat, hinayaan mo akong umasang may dadating na "ikaw" sa ating paboritong tagpuan.
End of Flashback.
Ginagabi ka na ata ngayon.?galit na tinig ni papa ang sumalubong sakin pagkapasok ko ng pinto, hindi na ako nagulat dahil alam kong pagagalitan nya ako. Hindi gawain ng isang matinong babae ang umuwi ng ganito kadilim. Medyo kumalma ang tono nya.
Pumatak ang luha ko habang nakatungo, nahirapan akong huminga kaya nakinig ni papa ang hikbi ko. Lumapit sya saakin at niyakap ako.
Sorry anak, tahan na, ano ba ang nangyari sayo at ginabi ka? Kasama mo ba ang mga kaibigan mo? Sa susunod mag paalam ka saken para hindi ako nagiging ganito,pwede kitang sunduin at baka mapahamak ka pa dyan sa daan. Nag aalalang sabi nya. Napayakap na lang ako at sa balikat nya umiyak ng umiyak. Inalo nya ako, pinaupo sa sofa at binigyan ng tubig.
Ano ba kasing nangyari at nag kakaganyan ka? Tanong nyang muli.
Pa sorry, naglihim ako sayo, may boyfriend po ako, 7 monthsary namin ngayon kaya ginabi ako. Umiiyak na sabi ko. Ngumiti sya kaya nangunot ang noo ko.
Hindi ba't dapat mas maging masaya ka dahil umabot kayo ng pitong buwan? Mahinahong tanong nya.
Pano nyo po nalaman?nauutal na tanong ko.
Ganyang ganyan din ang mama mo saakin noon, madalas kaming lumabas, at minsang ginabi ang mama mo kaya napagalitan ng nanay nya. Natatawang kwento nya. Oh kamusta ang date nyo?hindi ba't dapat masaya ka? Bat ka umiiyak?
Hindi po sya sumipot pa, nasa dagat ako buong mag hapon, nakaupo sa buhanginan kaya ganito kadumi ang puwetan ng shorts ko. Pinakita ko sa kanya ang likod ko. Ginabi po ako kakahintay sa kanya, usapan po naming magkikita kami dahil kabuwanan nga po namin ngayon, pero lumubog na't lahat ang araw, dumilim na hindi pa rin sya dumating pa, pinag intay nya ako habang umiiyak mag isa sa dagat. Patuloy kong sabi habang iyak ng iyak pa rin. Masakit sa damdamin ko dahil ngayon lang akonnag intay ng ganon katagal.
Sino ba iyang nobyo mo?
Si Andrew po.
Anong apelyido?
Bautista po papa.
Hala sya sige umakyat kanan at pagod ka, wag ka na munang pumasok sa school bukas akonja ang bahalang magpaliwanag sa guro mo, maligo ka na agad at nahamugan ka, buksan mo ang heater para hindi ka lamigin. Goodnight. Mahinanong Sabi nya saka ako umakyat papunta sa kwarto ko.
Gaya ng sabi ni papa naligo ako at binuksan ang heater, madalang ko lang ito gamitin dahil sanay ako sa malamig na tubig sa umaga. Nag suot ako ng terno na pang tulog, panjama at blouse na kulay black,sinuot ko rin ang turban ko na cartoon character, pati ang tsinelas ko na malambot at mabalahibo ay katerno ng turban ko. Ito ang paborito kong suotin dahil narerelax ang katawan ko.
Binagsak ko ang katawan sa kama at padapang humiga, nagtaklob ako ng kumot at niyakap ang unan at doon nagpatuloy umiyak. Bakit kailangang maramdaman ko sayo to? Umiiyak ako ng umiyak hanggang sa makatulog ako, gaya rin ng sabi ni papa ay hindi ako pumasok, at nanatili sa loob ng kwarto. Lumalabas lang kapag kakain. At papanhik na uli sa kwarto, mahihiga at saka iiyak uli.
Sana tuparin mo ang pangako mong hindi mo ako iiwan dahil yan lang ang panghahawakan ko habang nasasaktan na ako.
Thank you. See you next chapter, medyo binabawasan ko na lang ang newly update chapter para hindi masyadong mahaba. Thanks again for reading and voting.!
YOU ARE READING
It All Started With A Game
Teen FictionIt's almost 7 months, i can't imagine my life before without you, but now, i don't need you anymore, that's my game, im the winner, you play my feelings? Then I'll play yours too. See you in the battle, Andrew Everett Bautista... (that's my Queen Za...