10 years later.
ZAINE'S POV
It's been a while, walang nagbago ganon at ganon pa rin ang nararamdaman ko para sayo. "Sana bumalik ka na Andrew." Malungkot kong sabi sa isip habang nakatingin sa salamin at isinusuot ang toga. Graduate na ako, sa wakas! Sayang hindi tayo magkasama grumaduate Andrew. Balik ka na.
"De la Vega, Gabbriella Zaine. Cum Laude!" Masayang anunsyo ng emcee habang nakaupo ang lahat sa kanya kanyang upuan. Tumayo ako at naglakad sa red carpet nang nakangiti, nang makaakyat sa entablado ay inabot ko ang diploma ko at isinuot saakin ang medalya, kinamayan ko isa isa ang mga naroon saka tumango at ngumiti. Masaya akong bumaba at muling bumalik sa kinauupuan ko.
"Congrats! Ang Galing galing mo talaga!bati ni harv habang nagtatatakbo papalapit saakin.
" Congrats sa pinakamaganda naming bestfriend! Sabay na bati ni Shane at Mae.
"Congrats Zaine. Si Kiela, saka naglakad papalapit saakin at yumakap. I know you're not yet okay from the past 10 years without Andrew, but still you become successful. I'm so proud of you Our Queen Zaine and our one and only Cum Laude." Masayang bati nya saakin habang nakayakap, mahina pero sapat lang para marinig ko dahil nakayakap naman sya saakin.
Ako lang ang Cum Laude sa batch namin, Honors naman silang apat at iba pa naming kaklase.
Sa lumipas na sampung taon, ginugol ko ang sarili sa pag aaral at eto ako ngayon graduate na. Nasa restaurant kaming lima at nag cecelebrate, umuwi na ang mga magulang namin at nagpaalam kami na gagabihin dahil graduation naman namin at pumayag sila.
"Kainin mo tong gulay, mas maganda yan sa katawan dahil nag didiet ka naman." Si kiela, katabi ko sa upuan, pinapakain saakin ang broccoli na hindi ko kailanman nagustuhan.
Nilingon ko sya. "Ayoko, hindi ako nakain ng broccoli, yung ibang gulay na lang, please." pag mamakaawa ko, bumuntong hininga sya at nilagyan ako ng ibang gulay sa plato ko. Tinikman ko iyon.
Sumama ang mukha ko. "Ano yan? Bat ang pait nyan?" tanong ko habang nakaturo sa gulay na inilagay ni kiela. Tiningnan ko sila isa-isa,Sabay sabay silang tumawa. Nangunot ang noo ko.
"Bat kayo tumatawa ha?" tanong ko, nagsitigil naman sila pero nagpipigil pa rin ng tawa kaya tiningnan ko si kiela na tawang tawa sa tabi ko, sinamaan ko sya ng tingin nang hindi sya tumigil. Nang makita nya ako ay awtomatiko syang tumigil at tumingin din sakin ngunit nakangisi.
"Bat nga mapait yung binigay mo?" tanong ko.
Pinatong nya ang siko sa mesa at doon inihilig ang ulo sa kamay. "Hindi ka ba marunong kumain ng mustasa kaya hindi mo alam yan?" pagtatanong nya habang tumatawa.
Napamaang ako. "teka, akala ko kasi petsay yan kaya kinain ko, hindi ko naman alam na mustasa pala ang letse! Magkamukha kaya ang petsay at mustasa oy!" paliwanag ko, natawa naman sila, kaya nag tuloy na lang ako sa pagkain.
"ay magkaiba po ang kulay nyan, ang petsay light ang pagka green at ang mustasa naman ay dark. Nag didiet ka tapos hindi mo alam, wag mo sabihing hindi mo alam ang kantang bahay kubo?" nagugulat na tanong ni mae, Natawa naman ang kasamahan namin.
"may mustasa ba sa bahay kubo? Ha?" matapang kong sagot at saka sila tumawa ng sobrang lakas na parang wala nang bukas.
"Hindi nga nagkamali ang emcee kanina, Cum laude ka nga, akala ko nabibingi lang ako, HAHAHAHA!" si harv saka sila nagtawanan uli. Napanguso ako saka tumuloy sa pag kain.
May mustasa ba sa bahay kubo?
Pinag uusapan nila kung saan sila mag tatrabaho, ang totoo plano talaga naming lima na magsamasama tutal pare pareho ang course na kinuha namin.
"Punta lang ako restroom." paalam ko saka tumayo.
Lumiko ako sa kanan dahil doon ang sabi ng staff ng resto, natigil ako nang makita ang pamilyar na postura ng isang lalaki, nakaupo sa pang dalawahang table at may bungkos ng pulang rosas sa ibabaw nito, may babae sa harap nya kaya hindi ko makita ang mukha nya, tumayo sya kaya naman nag tuloy na ako sa paglalakad papunta sa restroom.
Pagkalabas ko ay dumeretso ako sa sink at naghugas, nag pump ako ng soap na nakadikit sa dingding. Pagbaling ko muli sa salamin at nagulat ako dahil nandoon sa tabi ko ang lalaking na tinitingnan ko kanina, kayumanggi ang kulay nya, matangkad pero hanggang balikat lang nya ako, katamtaman ang lago ng buhok. Napatingin sya saakin Kaya naman tinuon ko sa kamay ko ang atensyon. Binuksan ko ang gripo at naghugas, dinry ko ang kamay ko at saka kumuha ng tissue para tuyuin pa ang singit singit ng kamay ko, itinapon ko sa trash can at akma nang lalabas nang biglang may humila sa braso ko at iniharap ako.
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa mukha nang lalaking ito, nakatingin din sya saakin at tila inaalala ang mukha ko.
"Natatandaan mo pa ba ako Zaine?" sambit nya habang nakatingin sa mga mata ko. Kumunot lalo ang noo ko. Kilala nya ako?
"Andrew?" umayos ako ng tayo at umalis sa pagkakahawak sakin ng lalaking ito. Pumasok ang isang babae washroom at humarap sa lalaking ito. Umalis na ako at bumalik sa table namin.
"Bakit ang tagal mo?" tanong ni kiela. Umiling lang ako bilang sagot na wala lang.
Kumuha ako ng juice at ininom agad iyon, kung ganon sya si Andrew? Hindi ko na sya maalala dahil ibang iba na sya ngayon,mas naging kayumanggi ang kulay nya, nang huli ko syang makita ay malagong malago ang buhok nya ngayon naman ay katamtaman lang,at mas matangkad na sya ngayon. Sabagay sampung taon ang lumipas mula nang iwan nya ako.
"Tara alis na tayo, punta na lang tayo sa mall nuod tayong sine daliiii!" anyaya ni shane at mae.
Sumangayon naman kami. Bumili kami nang tig iisang popcorn at softdrinks. Dalwa ang sakin cheese and barbecue flavor. Ang kay kiela at shane naman ay cheese din kay harv ay plain lang, kay mae ay chocolate. Pare parehong cola ang beverages namin. Pumasok na kami at sa taas umupo. Ikatlo sa taas ang aming upuan, sa kanan, kaduluhan umupo si kiela kaya sumunod ako, si kiela ang dulo sa kanan kasunod ako, sa kaliwa ko si shane at katabi nito si mae at dulo naman si harv, may umupo ring couple sa tabi nya pero may isang upuang pagitan. Horror ang movie dahil favorite namin itong magkakaibigan.
Nagsimula akong kumain ng popcorn, inuna ko ang cheese, nakasandal ang ulo ko sa balikat ni kiela habang nanunuod, napukaw lang ng atensyon ko ng isang lalaki at babae na umupo sa harap namin nasa dulo din sila gaya nang pwesto namin ni kiela, sa harap ko ang babae at sa harap naman ni kiela ang lalaki.
Bakit sila nandito? Ang liit nga naman talaga ng mundo! Naiinis akong kumuha muli ng popcorn at isinubo ito, padabog kong kinuha ang softdrinks at dali dali ding uminom, padabog ko ring inilagay ito pabalik saka inihilig muli ang ulo sa balikat ni kiela saka itinutok ang paningin sa screen.
YOU ARE READING
It All Started With A Game
Dla nastolatkówIt's almost 7 months, i can't imagine my life before without you, but now, i don't need you anymore, that's my game, im the winner, you play my feelings? Then I'll play yours too. See you in the battle, Andrew Everett Bautista... (that's my Queen Za...