[Zaine's point of view]
"bakit nga pala tayo nandito sa hotel?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong magligpit ng pinag kainan namin.
"di mo na maalala?" tanong nya.
"magtatanong ba ako kung naaalala ko? Malakas ang tama nung alak sakin kagabi at saka marami akong nainom, imposibleng maalala ko pa lahat ng nangya-" naitigil ko ang sasabihin ko.
"Teka! Wag mo sabihing may nangyari satin ha! Nako talaga Andrew mayayari ka sa tatay ko kapag nalaman nya to!" dire diretso kong sabi habang nakataas pa ang kanang kamay at ang kaliwa ay nakasapo sa noo. Pinag iinit mo talaga ang ulo ko! Peste!
"pano kung sabihin kong meron? Ayaw mo non? Babalik tayo sa dati?" sagot nya na may mapaglarong ngisi sa labi. Sinulyapan ko sya at sinamaan ng tingin.
"talagang ayaw ko" matapang kong sagot. "wala ka na ring babalikan dahil hindi na tayo tulad noon"
Natahimik sya. "edi gagawa tayo ng panibagong saya, kung ano man yung nakaraan, kalimutan natin, magsimula uli tayo Zaine, mamahalin kita, hindi na laro, at mas lalong hindi na ako lalayo."seryosong sambit nya,lumamlam naman ang mukha ko, hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa lalaking kaharap ko ngayon.
" so ano? May nangyari ba kagabi!?" inulit ko ang tanong ko kanina, dahil wala akong makuhang matinong sagot mula sa kanya. Nabibiwisit na ako.
"meron nga, napaka kulit mo" mahinang aniya.
"lintek na, yan na nga ba ang sinasabi ko, bat mo ba kase ako dinala dito?"
"bat ba ako sinisisi mo?, tanong mo kaya sa mga kaibigan mo, pinahatid ka nila sakin, syempre sino ba naman ako para tumanggi, ang sabi mo rin habang nasa sasakyan tayo e sa hotel na tayo matulog, kaya ayan nandito tayo sa hotel!" sagot nya na nag kukunwaring galit para hindi halatang masaya sya dahil may nangyari nga saamin.
" punyeta ka!"binato ko sya ng suot kong tsinelas."kita mo nang lasing tapos sasalamantahin mo pa! Malamang kapag lasing ka kung ano ano ang masasabi mo, kaya wag kang mag assume na parang gusto talaga kitang makasama dito sa pesteng hotel na to!" sigaw ko sa kanya.
"easy" aniya habang nakangisi. Peste ka pangisi ngisi ka pa!
"babalik na ako sa bahay, bahala ka dyan, ikaw magbayad ng stay dito!" sagot ko habang kinukuha ang bag at akma nang lalabas ng pinto nang pigilan nya ako.
"ano na naman?" tanong ko.
Seryoso ang mukha nya. "ingat ka, mamahalin pa kita" sambit nya saka hinalikan ang labi ko. Nabigla ako ngunit wala akong magawa, ang mga kamay ko ay gusto syang itulak ngunit wala akong lakas upag gawin yon, ang mga paa ko ay gustong mag papadyak ngunit nanlalambot ang mga tuhod ko.
Niyakap nya ang bewang ko at sinandal ako sa dingding na katabi ng pinto, hindi ko namamalayan na sa bawat siil nya sa labi ko ay tumutugon na ako, nakapikit nang pareho ang mga mata namin, ang kamay ko ay kusang yumakap sa kanya.
Ilang minuto kaming tumagal sa ganoong posisyon at sa wakas ay binitawan na rin nya ang aking labi, nang humarap sya saakin ay pareho kaming hinihingal, parehong naghahabol ng hininga. Tumitig ako sa mga mata nyang makikita ang lungkot, at parang sinasabi nito na huwag akong umalis, ngunit hindi pwede dahil may nag iintay saakin.
"uh aalis na a-ako" mahina kong sabi, at umiwas ng tingin, iniiwas ko rin ang mukha ko dahio baka angkinin na naman nya ang labi ko sa pangatlong pagkakataon.
"hatid na kita"
"hindi na, kaya ko namang umuwi" yan lang at tuluyan na akong lumabas at iniwan sya sa loob ng kwarto, nakahinga ako ng maluwag habang nakasandal sa pinto, dumiretso na ako sa elevator at saka sumakay. Pagkababa ko ay nagtungo agad ako sa labas, at dahil wala akong sasakyan ay naupo muna ako sa couch sa lobby at tinawagan ko si Kiela para sunduin ako.
Calling Kiela
Ringing..
"oh? Napatawag ka?"
"Sunduin moko punyeta" sagot ko sa kanya.
"nasan ka?"
"nasa hotel ako"
"awit, may nangyari ba?" batid kong nakangisi sya sa tanong nya, tarantado talaga.
"bilisan mo na at sunduin mo na ako, doon nako sa bahay magpapaliwanag, bilisan mo Kiela!" sagot ko sa pang aasar nya.
"oh eto na nga, pasalamat ka nasa mall ako ngayon"
"bilisan mo na nga kase baka maabutan pako ni Andrew dito sa lobby!"
"oo na eto na nasa parking lot na nyeta!" inis nyang sagot, ibinaba ko na ang tawag at naghintay na lamang.
Muling sumagi sa isip ko kung ano ang nangyari, simula kahapon nung nasa bar kami at nung dinala ako dito ni Andrew, at kung may totoo ba talagang nangyari saamin, shit bakit ba kase hindi nya pinaliwanag ng maayos.
"yan kase hirap sayo e, di ka marunong mag paliwanag" bulong ko sa sarili ko.
"eto na magpapaliwanag na" nagulat ako nang biglang sumulpot si Andrew sa tabi ko, narinig pala nya.
"kase kagabi, nasa terrace ka, lumabas ka ng kwarto non kase sabi mo malamig, e sa terrace sariwa yung lamig. Hinalikan kita doon, tapos tumugon ka naman, di naman matagal, tinigil ko rin syempre mawawalan tayo ng hininga" dire diretsong nyang sabi.
"tarantado, hinalikan mo rin pala ako non" natatawa kong sambit.
"Nilalamig ka na non kaya pumasok na tayo sa loob, pinahinaan ko naman yubg aircon kase nakakaawa ka dahil nanginginig ka na sa lamig, hahahaha" tumawa ang loko.
"tapos ayun, nag pa init tayo dahil nga nilalamig ka, ayun nauwi sa kama." pahina ng pahina nyang sagot.
"tarantado ka talaga, dapat hindi mo na hinayaan mangyari yon!"
"ginusto mo rin naman e, ginusto ko at ginusto mo,wala na tayong magagawa dahil nangyari na."sagot nya.
"anong nangyari na?" singit ni Kiela. Omg nandito na sya buti na lang yung huli ang narinig nya, shit pahamak ka talaga Andrew!
"uh Kiela tara na, hatid mo na ako pauwi, nahihilo ako e, sobrang init kase" pagpapalusot ko para hindi na sya magtanong kay Andrew dahil paniguradong kabalbalan na naman ang isasagot nya.
"tara, nakastart na naman yung kotse e saka malapit lang naman, lakarin na lang natin. Ikaw Andrew, di ka pa uuwi?" tanong ni Kiela, daldal mo talaga ghurl!
"wag mo nang isabay yan, may sasakyan yan" sagot ko sa tanong nya.
"sino bang may sabing isasabay natin sya? Tinatanong ko lang naman e" si Kiela.
Nagtawanan silang dalwa, at nainis ako don. "ah basta" sagot ko at nagpaunang lumakad palabas.
See you next chapter!
YOU ARE READING
It All Started With A Game
Teen FictionIt's almost 7 months, i can't imagine my life before without you, but now, i don't need you anymore, that's my game, im the winner, you play my feelings? Then I'll play yours too. See you in the battle, Andrew Everett Bautista... (that's my Queen Za...