VALERIE'S POV
Valerie Dizon. The kontrabida in this story.
Kanina pa dikit ng dikit tong si Zaine, akala mo naman maganda, ang chubby kayaaa. Eto namang si Everett, tawa ng tawa, looks like they're having a good time, well lets see kapag umeksena ako. Say goodbye to your fairy tale story Zaine, im the bitch in this school. What Valerie wants, Valerie gets! Sabi ko sa isip ko habang masamang nakatingin sa dalwang love birds.
Umakyat na agad ako sa room bago pa nag ring ang bell. Nakita ko sa bukana ng pinto si Everett at Zaine na nag uusap at tila mga nakangiti, sumama ang muka ko at pinanood sila sa ginagawa nila, narinig ko yung mga salitang binitawan ni Everett sa harap ni Zaine.
I love you babyloves.
I love you babyloves.
Babyloves? Ang baduy naman nitong si Everett but it makes me more interested in what they have parang sila na e, Gosh sila na kaya? Omggggg hindiii pwedeeee! Naiiyak ako sa sariling naisip ko at sa halip na malungkot ay sinamaan ko ng tingin ang dalawang nasa bukana ng pinto.
Pumasok na si Zaine at umalis na rin si Everett. Masama ang tingin ko sa kanya habang naglalakad sya papunta sa upuan nya. Hinila ko ang braso nya ng nilagpasan nya ako. At hinigpitan ang hawak don halos bumaon ang mga kuko ko dahil medyo mahahaba ang mag ito, nakita ko namang sumama ang muka nya kaya lumingon sya.
Ano na namang kelangan mo? Naiinis na tanong nya. Hindi ko binibitawan ng braso nya hanggang sa humarap sya ng tuluyan saakin.
Hindi ba't sinabihan na kita na wag kang lalapit lapit kay Everett? Mataray na sabi ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay.
Oh tapos? Inis pa ring aniya.
Don't talk to him..ugh! Naiinis na ring sabi ko habang pumadyak pa sa sahig dahil nabibwisit na talaga ako.
Who are you to command me? Kunot noong tanong nya.
Well im bitch, at inaamin ko yon dahil halata naman sa muka ko, my mother is the Principal of this school, so you better shut your mouth or else you want to be punished or expell in this school,or you want your experience here to be hell.? Nakangising sabi ko. You're free to choose. Dagdag ko pa.
Whatever Valerie. Whoever your mother is, i dont care and who cares? Matapang na sagot nya.
Chubby ka pero may itsura, hindi nga lang kagandahan. Masyado atang fairy tale ang story mo, you know what, you should break up with Everett or else i will do some moves to make your boyfriend fall in love with me. Malanding sagot ko.
Oo nga e, chubby nga ako halata naman diba. E ano ngayon kung chubby ako at least may itsurang maganda. Sabi nya at saka inilapit ang muka at tinapik ang baba nya. E ikaw? Payat ka oo, maputi ka rin naman, pero tingnan mo nga yang muka mo, nagmumukha kang clown dito sa room natin dahil dyan sa mga make up mong makakapal na akala mo naman kinaganda mo. Tuloy tuloy nyang sabi. Halos lahat ng mga kaklase namon ay nanonood sa bangayan namin, good thing wala pa ang teacher.
Excuse me. This is Kylie collections. Duh! Mataray kong sabi habang itinuro pa ang mga make up na nasa muka ko.
Mamahalin nga, e tingnan mo nga yang muka mo. Pahiramin nyo nga to ng salamin at baka nasira yung salamin nila sa bahay at nakita ang pagmumuka nitong impaktita na to. Baling nya sa mga kaklase namin na agad nag hanap ng salamin. Si Abby ang may salamin Kaya naman kinuha ko ito at tiningnan ako sarili ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang sobrang kapal ng blush-on ko at medyo napaitim ang pag kakalagay ko ng eyeliner sa mata ko at sa ilalim, pati foundation ko ay napakapal kaya pala ganon na lang ang tingin ng mga estudyante sakin kanina lalo na ang higher grade, bakit nga ba hindi ko naisip na tumingin sa salamin ugh nakakahiya.
Oh ano? Naisip mo ng muka kang clown diba, ang puti na nga ng kutis mo kinapalan mo pa ang foundation, rosy cheeks ka rin naman tulad ko pero kung mag lagay ka ng blush-on para kang kumain ng siling labuyo, at saka yang mata mo sa sobrang itim para kang ilang linggong puyat. Kung hindi ka lang talaga naka uniform iisipin kong first day of school may nag bibirthday dito at nag hire pa ng clown. Dere deretsong sabi nya, nagtawanan naman ang mga kaklase namin at ang nakakaasar don ay nagbubulungan ang mga babae. I swear Zaine, you'll pay for making me pahiya pahiya in front of our classmates! Napapahiya naman akong pumunta sa upuan ko at kumuha ng wipes sa bag, pinahiran ko ang mukha ko at humarap sa salamin. Pagkatapos nun ay ibinalik ko kay Abby ang salamin.
Here. Abot ko ng salamin. Thank you. Nakangiti kong sabi.
Ngumisi si Abby. No thanks, sayo na lang, baka kailanganin mo pa e, pwede naman akong bumili. Hahahaha. At nagtawanan sila nila Kiela, at Mikha. Iniwan ko sa table nya ang salamin at padabog na umupo sa upuan ko.
Nakakainis! Gaganti at gaganti ako Zaine tandaan mo yan, aagawin ko sayo ang dapat ay saakin. Hahahahaha. Mala demonyong tawa ko dahil sa naiisip ko.
ZAINE'S POV
Epal talaga kahit kelan, edi agawin nya kung mapupunta sa kanya, tingnan lang natin. Hahahahaha. Tumawa ng pang demonyo.
Nag patuloy ang klase at nakinig lang ang lahat.
Uy te, medyo mainit yung laban nyo ni Valerie ah. Usisa ni Harv.
Ewan ko ba dyan, may sariling mundo, laging galit. Pagbulong ko dahil may teacher sa unahan.
Baka gusto nyong i-share yang mga pinag kaka abalahan nyo dyan ano? Nagulat kaming pareho na tumingin sa likod namin, at hindi nga ako nagkakamali nandun si ma'am Arevalo na masungit.
Ah no ma'am this is just misunderstanding about your subject. Sorry ma'am. Paliwanag ko.
So this is about my subject? Why don't you ask me instead of asking him while im discussing in front. Hindi na kami sumagot pa at sa halip at tumungo na lang. Have manners!madiing aniya bago bumalik sa unahan. Nakahinga naman ako ng maluwag at binalik ang tingin sa harapan, agad na nahagilap ng mata ko si Valerie na ngingisi ngisi, akala mo ay baliw. Napailing ako.
Luncbreak!
Lumabas kami at dumeretso sa kantina. Namataan ko don si Andrew kasamang nagtatawanan ang mga kaibigan nya. Nang malapit na ako ay lumingon sya at matamis na ngumiti saakin na ginantihan ko naman ng ngiti, iniwan nya ang mga kasama at sumama sa akin.
Balita ko, nag away daw kayo ni Valerie ah. Pang uusisa nya. Tsimoso. Tsk..
Sagutan lang. Mahinahong sabi ko habang namimili ng pagkain.
Ano namang sagutan nyo? Parang naiinis na tanong nya.
Tsismoso ka no? Pang aasar ko.
Palaaway ka lang.
Tsismoso.
Palaaway.
Tsismosoooo!
Palaawayyyy!
Ikaw. Sabi ko.
Anong ako? Kunot noong tanong nya.
Ikaw ang pinag awayan namin. Sabi ko habang nasa pagkain ang paningin.
Pabalik na kami sa mesa.Tsk. Talaga nga naman, pati babae pinag aawayan ako, nung isang buwan may baklang nag away dahil sakin, tapos ngayon may babaeng nag away ng dahil sakin. Nako nako nako. Iba na ang ibigsabihin nyan ah parang naaamoy ko na. Nakangising aniya. Umismid ako.
Gusto ka daw nyang kunin sakin. Mahinahong sagot ko pa rin. Kumunot ang noo nya.
Hala hindi pwede yon syempre sayo lang ako labidabs, hehehe.
Hindi ko na sya sinagot at naunang kumain. Gutom na ako e.
Umakyat na uli kami pagkatapos at gaya ng dati inihatid nya ako, panibagong topic na rin ang dinidiscuss ng lecturer kaya naman nakinig akong mabuti.
Gaya ng nakasanayan, uwi ng bahay, maliligo, gawa ng homework o magbabasa, kakain at matutulog ng maaga. May bago lang ng nagsimula na akong ihatid ni Andrew sa sakayan. Material boyfriend ang lolo mo hahahah.
Thank you. ^_^
YOU ARE READING
It All Started With A Game
Novela JuvenilIt's almost 7 months, i can't imagine my life before without you, but now, i don't need you anymore, that's my game, im the winner, you play my feelings? Then I'll play yours too. See you in the battle, Andrew Everett Bautista... (that's my Queen Za...