Chapter 17

12 6 2
                                    

[Zaine's point of view.]

Naalimpungatan ako nang tumapat ang sinag ng araw sa mukha ko, hindi ko agad maimulat ang mga mata ko, sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hang over, ang dami dami kong nainom na alak paniguradong lagot ako kay papa neto. Humiga muli ako nang maayos at niyakap ang unan na nasa tabi ko, ngunit biglang nangunot ang noo ko nang gumalaw din ang unan na niyakap ko papayakap din saakin.

Nagmulat ako ng mata at nagugulat na tiningnan ang lalaking katabi ko, iniikot ko ang mga mata ko sa paligid at saka ko lang napagtantong nasa.... NASA HOTEL AKO?! Shit bat nasa hotel ako, anong ginagawa ko rito?

Tiningnan kong muli ang lalaking nasa tabi ko, mahimbing syang natutulog, wala syang damit pang itaas at tanging itong malaking white comforter lang ang tumataklob sa kanya, napatingin din ako sa sarili ko at nagugulat na hinila ang buong comforter para takpan ang kabuuan ko, wala ako ni isang saplot sa katawan ang tanging nagtatakip ay itong comforter, nilingon ko ang lalaki at wala na itong kumot kaya naman dali dali akong pumunta sa banyo nang makitang wala rin ito ni isang saplot sa katawan.

Shit yung birdy nya nakita koo! Sira ulo ka Andrew, bat mo ako dinala dito sa hotel!!

Nagpalinga linga ako sa kabuuan ng banyo at nagulat na humarap sa pinto nang may biglang kumatok, binuksan ko ito at nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Andrew ang nasa harapan ko, napatingin ako sa ibaba nya at nakitang wala pa rin syang saplot! Inis kong sinara muli ang pinto dahilan para gumawa ito ng ingay. Narinig ko syang tumawa.

"pwede mo bang buksan yung pinto?" tanong nya.

"hindi pwede, kapag binuksan ko to edi nakita mo ako, sira ka talaga!" sigaw ko.

"nakita ko na lahat yan kaya papasukin mo na ako." sagot nya, batid kong nakangisi ang loko.

"ano bang ginawa mo saakin? Bat nandito ako?!" nagagalit kong tanong habang nakahawak ng mahigpit sa comforter para matakluban ang hindi dapat makita.

"papasukin mo muna ako, saka ko ikukwento sayo kung bakit tayo nandito" nakangising aniya. Lintek talaga tong lalaking to.

"at bakit dito sa cr? Kung pwede namang ako na lang ang lumabas?" tanong ko muli. Baka maisahan ko ng loko.

"edi ikaw ang lumabas"

"bibigyan kita ng towel wag kang mag alala, di ako manyak na katulad mo." sagot ko habang humahanap ng twalya sa loob ng banyo.

"sinong mas manyak saten?" tatawa tawa nyang tanong, sa halip ay kumuha na ako ng towel at marahang binuksan ng kaunti ang pinto, sapat lang para makuha nya ang twalya. Nang maiabot yon at masiguradong naka tabing na iyon sa kanya ay lumabas na ako hawak pa rin ng mahigpit ang comforter dahil baka biglang hilahin ng lintek na lalaking to.

"ikaw naman, nakita ko na lahat yan, wag kang mag alala, kahit anong takip mo dyan nasisilag ng mga mata ko ang loob nyan" sabi nya habang nakatalikod saakin, batid kong nakangisi, nainis ako kaya naman kinuha ko ang unan na nasa maliit na couch sa dulo ng kama at walang alinlangang binato yon sa kanya. Humarap sya at mas lalong ngumisi.

Lalo akong nainis, lintek ka talaga Andrew, hindi porket mahal pa kita e gaganyan ganyanin mo na ako. Letse ka!

"anong nginingisi ngisi mo dyan? Ha?" tanong ko nang makitang nakangisi pa rin sya habang nakatingin saakin.

"bat kase hindi ka pa nagbibihis? Ayan yung mga damit mo oh, bilisan mo magbihis baka kung ano pang mangyari" sabi nya habang Tumatawa. Punyeta kang lalaki ka!

Agad akong yumuko at isa isang kinuha ang mga damit ko na nagkalat sa sahig, dumeretso ako sa banyo at sinimulan na ang pagligo.

Nang lumabas ako ay nakabihis na ako, nadatnan ko syang hindi pa rin nakabihis at nandun pa rin  sa ibaba nya ang towel.

"bat hindi ka pa nagbibihis?" mataray kong tanong habang tinutuyo ang buhok ko. Andun sya sa kama at nanunuod ng TV.

"iniintay kitang lumabas ng banyo e" sagot nya.

Binato ko sya ng twalya na ginagamit ko. Natawa sya.

"letse ka, napaka manyak mo pa rin kahit kelan." sagit ko habang hinahanap ang suklay sa bag ko.

"nag order na ako, intayin mo na lang dito."aniya saka dali daling pumasok sa banyo at naligo. Wala pang kalahating minuto ay lumabas na sya at nakabihis na rin. Sakto namang inihahanda ko ang mga pagkain kaya lumapit na sya sa table.

Binigyan ko sya ng Plato at kubyertos, nilagyan ko na rin ng kanin at ulam ang plato nya, sinalinan ko na rin ng juice ang baso nya, pagkatapos non ay saka pa lamang ako kumuha nang para saakin.

"talagang gustong gusto mong pinag sisilbihan ako e no" aniya habang nagsasalin ako ng juice sa baso ko.

"kelan nga ba tayo huling kumain ng magkasama?" tanong nyang muli, natigilan ako at inalala saka sumagot.

"nung ika pitong buwan Sana natin, yun sana yung una, nung sabi mo wag na akong kumain ng tanghalian sa bahay dahil sabay tayong kakain sa paborito kong resto,kaso...kaso hindi ka dumating" malumanay kong sagot habang hawak ang kubyertos, nakita kong matigilan sya kaya naman nagtuloy ako sa pagkain at tinuon ang atensyon sa pinggan na nasa harap ko..

See you next chapter!

It All Started With A GameWhere stories live. Discover now