Chapter 10

30 20 1
                                    

EVERETT'S POV

Biyernes, ikalabingapat na araw sa buwan ng setyembre, ang araw ng pag alis ko, mamimiss kita Zaine sana pagkabalik ko dito, ako pa rin kahit nasaktan kita, sana ako pa rin.

Nak tara na, mahuhuli tayo. Marami pa tayong aasikasuhin pagdating doon. Aayusin ko pa ang mga papel mo para sa school. Bilisan mo na dyan!. Sigaw ni Mama habang nasa banyo ako at naliligo.

Opo patapos na.! Sigaw ko rin habang nakapikit at nag hihilamos.

Pagkatapos kong maligo ay dumeretso na ako sa mga damit ko at nagbihis, inayos ko na rin ang mga gamit ko at inalam kung may nakalimutan ba o wala. Ayos naman  ang lahat ng mga gamit ko kaya pumunta na ako sa labas ng kwarto at nakita doon si mama at ang mga kapatid ko, si papa ay nasa labas at naninigarilyo.

Masyadong maraming tao pagkarating namin sa bus station kaya naman sumakay agad kami sa bus. Habang nasa biyahe ay malalim ang iniisip ko, umuulan Kaya naman medyo malabo ang salamin na bintana ng bus,nakasandal ang ulo ko sa salamin at nakayakap sa bag na dala dala ko.

Sana hindi ko na ginawa yung alam kong makakasakit sayo, sana hindi na ako pumayag sa gusto ng mga kaibigan ko, sana hindi na kita sinaktan, kung hindi ko ginawa ang lahat ng yan, marahil ay masaya ka sa piling ko. Patawad Zaine, hindi ko sinasadya. :<

Nakatulog ako sa bus, nagising lang ako nang tumunog ang tone ng phone ko. Batid kong may nag chat/text. Binuksan ko ito at tiningnan, agad kong kinusot ang mata ko dahil baka namamalikmata lang ako. Shit! Kay Zaine ba tong number? Dali dali kong binuksan ang message at binasa.

From: 09346721001

Hi! Have a nice day, ingat kayo ng family mo.

Ang ikli naman, gusto kong itanong kung kay Zaine ba itong number pero wala akong load. Malas! Magpapaload na lang ako pagdating doon sa bahay.

Tumila na ang ulan nang makababa kami sa bus station dito sa Baguio. Malamig ang simoy lalo na at umulan pa, kaya naman kinuha ko ang jacket kong makapal sa bag at isinuot dahil talagang nilalamig ako.

Sumakay kami sa van papunta sa titirhan namin, binili iyon nila mama at papa dahil dito nakakuha si papa ng trabaho at nagdesisyon silang dito na rin kami mag aral para magkakasama kami,mahirao daw kung iiwan kami ni papa habang nasa malayo sya.

Nalulungkot ako dahil wala ang mga kaibigan ko, lalo na si Zaine, nawala sya sa paningin ko, at wala na sya sa piling ko.

Agad na inayos nila mama at papa ang mga papel namin para sa eskuwelahan. Nagpatahi na rin sya ng bagong uniporme dahil sa lunes ay papasok na ako, ang kapatid ko naman ay elementary kaya iba ang disenyo ng uniporme nya pero nasa iisang eskuwelahan kami bagaman ako ay sekondarya.

Nagpahinga na ako at dumeretso, mabuti na lang at may sarili akong kwarto, naging abala ako sa pag aayos ng mga gamit, at pag titiklop ng mga damit, nilinisan ko rin ang buong kwarto ko at pinalitan ang bed sheets. Inayos ko ang pagkakalagay ng mga table at pinagpatungan ng mga libro ko, balak kong gawing study table. Nilagyan ko sya ng lamp at maswerte dahil may upuan na don, ang picture frame din na regalo sakin ni Zaine at nay litrato naming dalawa ay inilagay ko sa study table ko. Ikaw at ikaw ang maaalala ko Zaine. Babalikan kita. Sana ako pa rin.

Dahil sa pagiging abala ko ay napagod ako, kaya naman nakatulog agad ako, pag gising ko ay gabi na kaya bumaba ako, nakita ko si mama na nag hahain at naamoy ko ang paborito kong ulam, si papa ay prenteng nakaupo sa harap pagkainan, si bunso ay katabi ni mama at ako naman sa tabi ni papa.

Kamusta, napagod ka ka kaayos ng kwarto mo? Tanong ni papa. Nag angat ako ng tingin at tumango.

Sa lunes may pasok ka na, sa linggo ay ipapadala na ang mga uniporme nyo dito, ipinahatid na ng mama mo sa mananahi. Sabad uli ni papa at nagtuloy ako sa pagkain.

Kumain lang ako ng kumain hanggang sa matapos,tinulungan ko si mama magligpit, ako na rin ang nag dayag, pagkatapos ay pumunta na uli ako sa kwarto.

Ang dami pang gamit bukas ko na pang aayusin. Pagsasalita ko sa kawalan habang hawak ang cellphone.

Ay pucha, nakalimutan ko mag pa load, tsk kainis naman oh! Singhal ko saka Dali daling bumaba.

Ma,Pa, san po may paloadan dito? Tanong ko habang nagkakamot ng ulo.

Aba ay gabi na, bakit kailangan mo pa ng load? Ay nay wifi naman tayo. Sagot ni mama habang nakaturo sa table kung saan nakapatong ang wifi. Nakamot ko uli ang ulo. Bat nga ba hindi ko naisip na ichat na lang sya at tanungin kung sya ba yung nag text? Ay nako Andrew Everett, nawawala ang pagiging tatak Bautista mo oy!

Umakyat uli ako sa kwarto saka pabagsak na humiga.

Hi. Good evening, saiyong number ba yung nag text sakin kanina? Pagtatanong ko kay Zaine, buti online sya.

Hello, good evening din. Ah oo, saakin yung number. Hehe.

Salamat nga pala sa message mo.

Wala yun, kamusta pala? Ayos lang ba dyan?

Oo ayos naman, nag aayos na din ng mga gamit. Saka sa lunes papasok na din sa bagong eskuwelahan. Malungkot kong reply.

Hmm, mabuti naman.

Ikaw pala kamusta naman?

Eto ayos naman, madami lang homework, alam mo naman si ma'am Arevalo madami kung mag pa homework hahaha. Natawa ako sa chat nya....

Hala sya sige, mag homework ka na muna. Goodnight!

Goodnight!

Yun lang ang pinag usapan namin at umayos na ako ng pagkakahiga, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa magandang klima. Kung gaano kasarap sa pakiramdam ang klima sa lugar na ito, ganon din kasarap ang pakiramdam kapag si Zaine ang kaharap at kayakap ko, mainit nga lang yung yakap nya tapps yung klima dito malamig, hahahaha.


Authors note:
Sorry kung mabagal ang update. But i'll make sure na hindi lalagpas ng isang linggong walang update ang kwento nina  Zaine At Everett.
Si Everett ay si Andrew, sa mga nagtataka kung sino si Everett sya po si Andrew, second name nya po ang ginagamit ko sa POV at first name naman po ang ginagamit ko sa story dahil yun daw po ang gusto ni Zaine hehe, may kaartehan lang hahaha.

Thank you!

It All Started With A GameWhere stories live. Discover now