Chapter 19

12 5 0
                                    

[Zaine's point of view]

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto ko, sumunod naman si Kiela saakin, walang tao dito sa bahay kaya nagtaka ako kung nasaan si papa.

Pagkapasok ko sa kwarto ay agadkog tinanggal ng bag ko at nilagay sa cabinet, tinanggal ko rin ang sapatos ko at nilagay yon sa shoe rack ko, narinig kong bumukas ang pinto kaya tiningnan ko si Kiela na umupo sa kama ko habang nilalaro ang susi ng kotse nya sa daliri.

Kinuha ko ang twalya ko at papasok na sana sa banyo para maligo nang biglang magsalita si Kiela.

"may nangyari sa inyo no?" seryosong aniya. Tumingin ako sa kanya saka nagsalita.

"maliligo na muna ako, mamaya na ako mag kukwento" sambit ko.

Pagkapasok ko sa banyo ay agad kong tinanggal ang damit ko, sumulong agad ako sa malamig na tubig galing sa shower, habang nakapikit ay hindi ko maiwasang alalahanin ang nangyari saamin, ibigsabihin totoo ngang may nangyari saamin dahil pagkagising ko ay wala na akong saplot sa katawan, at pati sya ay wala na.

Inis kong kinuha ang bote ng shampoo at naglagay noon sa ulo, naiinis ako dahil may nangyari saamin pero sa kabilang banda ko ay may nagsasabing masaya dahil may nangyari saamin ni Andrew, pero mali pa rin dahil hindi naman kami.

Nang matapos ay nagbihis na agad ako at lumabas ng banyo, nadatnan ko si Kiela na nakahiga sa kama ko at nanunuod ng Netflix sa TV, parang sya may ari nubg kwarto kung makahiga e, nakataas pa paa. Bwisit talaga to.

Tumingin ako sa kanya, di naman sya tumitingin pabalik dahil busy sya panunuod ng kung ano ano.

"feel at home" sambit ko bago naglagay ng cream sa mukha ko, nakita ko syang dumila kahit nakatalikod ako dahil nasa harap ako ng salamin.

Pagkatapos non ay tumabi ako sa kanya sa kama pero tumayo sya at pinatay ang TV.

"bat mo pinatay, manunuod ako e" inagaw ko yung remote pero inagaw nya uli pabalik.

"kwento ka muna letse ka" kwento naman pala ang gusto.

Umupo ako sa kama at niyakap ang unan ko, nagsimula akong mag kwento, sinimulan ko mula sa una nung nasa terrace kami hanggang nung magising ako nang walang damit ni isa. Kinuwento ko ng walang labis at walang kulang. Tawang tawa naman sya dahil sa reaction ko tuwing magsasalita ako.

"e pano yan kung mabuntis ka?" biglang tanong nya nang matapos ako sa pag kukwento ko.

"posible ba yon?" tanong ko agad

"gaga malamang oo, gumamit ba ng proteksyon? Kung hindi e talagang makakabuo kayo nyan, Lagot ka kay Tito. Tukoy nya kay papa, paniguradong yari nga ako kay papa nito.

" e anong gagawin ko? "

" pakasal kayo ni Andrew" sagot nya.

"gago" sabi ko saka nag middle finger sa kanya, natawa naman sya.

"Zaine malaki ka na, pwede ka na magpakasal, saka hahanap ka na lang ng trabaho tapos ayun na, pwedeng pwede na yan"

"hindi ba't ang sabi ko sa inyo noon ay hindi ako mag aasawa hanggat hindi ako nagkakaroon ng trabaho, at mas lalong hindi ako magpapakasal nang wala pang trabaho, kahit pa nasa tamang edad na ako."

"ikaw ang bahala, basta yun lang na i suggest ko, alis nako, baka hinahanap na ako sa bahay." paalam nya.

Nahiga akong muli sa kama at nag isip isip, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako nang kumatok si Papa sa pinto ng kwarto ko, bumangon ako at pinagbuksan sya, kinukusot ko pa ang mga mata ko nang makita sya sa labas, nakangiti sya ngunit kita ko ang kaunting lungkot sa mga mata nya, agad kong iminulat ng maayos ang mga mata ko dahil inaantok pa rin ako.

Bumaling ang tingin ni papa sa gilid nya kaya napatingin rin ako sa katabi nya, nanlaki ang mga mata ko nang makitang muli ang pares ng Mata na tulad saakin, ang labi, kutis at buhok na namana ko sa kanya. Ngumiti sya nang malawak at biglang tumulo ang luha nya, tumulo din ang luha ko at bigla syang niyakap, hindi ko alam ang sasabihin dahil ayaw ring bumuka ng bibig ko, pagluha lang ang tanging nagawa ko.

Pinahid ko ang luhang kanina pa tumutulo sa pisngi ko at tinitigang muli ang mukha ng babaeng nasa harap ko, patuloy lang sya sa pag ngiti kaya tumingin ako kay Papa na biglang nawala sa harap ko, nagpalinga linga ako at nakita ko sya sa kusina na naghahain at nag aayos ng pagkain, tatlong plato, tatlong baso, tatlong kutsara at tatlong tinidor, ibat ibang uri ng pagkain ang nakahain, yan ang nakita ko sa hapag kainan, sa wakas ang dating dalawang plato, baso at dalwang kutsara at dalwang tinidor, ngayon ay tatlo na dahil nandito na ang aking pinakamamahal na ina, ang nagdala saakin ng siyam na buwan sa sinapupunan, ang nagluwal at nagbigay ng buhay para saakin.

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa isang bangungot. Isang bangungot pa rin pala ang lahat. Ang dating dalwang kutsara, dalwang baso, dalwang kutsara at tinidor ay mananatiling dalwa pa rin.

"hindi ka na nga babalik, at pakatatandaan ko na yan, hindi na ako muling aasa dahil ito'y isa lamang bangungot na nagdaan sa aking isipan" bulong ko sa sarili ko habang umiiyak sa loob ng kwarto ko. Bangungot lang ang lahat, Hindi na babalik ang Nanay ko.

See you next chapter!

It All Started With A GameWhere stories live. Discover now