Chapter 16

16 9 2
                                    

Lasing na lasing na ako, hindi ko rim alam kung bakit nandito sa tabi ko itong mokong na lalaking ito. Oo si Andrew, nandito sya sa tabi ko at pinauwi nya yung peste nyang girlfriend, look what he's doing, parang ginagawa nya akong kabit!

"you're drunk" bulong nya nang akma ko nang iinumin muli ang laman ng hawak kong bote. Tiningnan ko sya at nakitang kong nakangisi sya.

"anong nginingisi ngisi mo?" tanong ko, parang may iniisip na kalokohan si loko. "what?, masaya ka dahil lasing nako? Omg Andrew, don't assume, kaya ko pang maglakad papunta sa bahay namin nang wala ni isang tulong nyo" sagot ko at tumayo, ngunit natumba ako dahil sa sobrang hilo, bumagsak ako sa kanya at buti na lang ay nasalo nya ako, tumawa naman sya kaya mabilis akong umalis sa pagkakahawak nya.

"get your hand off me!" tili ko at pilit na inaalis ang kamay nya sa mga braso ko ngunit hindi nya iyon inalis at mas lalo pa akong tinawanan.

"let's go home" bulong nya sa tenga ko, medyo nakiliti ako dahil sobrang lapit nya.

"i don't want to go home" saad ko habang nakapikit, umiikot na ang paningin ko pero ayaw ko pang umuwi.

"take Zaine home, take care of her" narinig kong saad ni Kiela kaya naman napamulat ako at nag tama ang mga mata namin ni Andrew, umiwas agad ako at muling pinikit ang mga mata ko dahil umiikot na talaga ang paningin ko.

"lets go home" pag aaya ko kay Andrew, narinig kong tumawa sya.

"akala ko ba ay ayaw mo pang umuwi?" sagot nya habang tumatawa.

"lets go home!" malakas ko nang sabi, naramdaman kong tumayo na sya at inalalayan ako.

"hoy, ingatan mo yan ah, pag may nangyari dyan susumbong kita sa Presidente!" malakas na sigaw ni Mae kaya natawa si Andrew

"gaga ka, di mo nga alam kung sino Presidente natin tapos isusumbong mo pa? Ano ka? Pamangkin ni President?" sabat ni Harv kaya nag tawanan sila medyo napangiti rin ako.

"just take care of her" mahinahong sabad ni Kiela,tumango naman si Andrew at naglakad na kami paalis.

Pinasakay nya ako sa kotse nya at, umikot sya papunta sa drivers seat, sumandal ako at doon ipinikit ng todo ang mga mata ko dahil hindi ko na kaya, pinaandar nya ang makina at saka umalis sa Bar.

Ilang saglit ay ipinarada nya ang kotse kaya tumingin ako sa labas ng binta at nakita ko syang naglalakad papunta sa loob ng pharmacy.

Bumalik sya na may dalang bote at maliit na paper bag, kinuha nya ang gamot doon at ipinainom saakin.

"take this, para mawala ang hilo mo" sabi nya na agad kong sinunod."inumin mo tong tatlong water bottle, pang paalis yan ng alak sa katawan." mahinahonv sabi nya, habang nasa byahe ay iniinom ko ng iniinom ang bote ng tubig, naubos ko na ito kaya inilagay ko na sa supot para hindi nakakalat.

Nakatulog ako, at nagising na lang ako na nasa parking lot kami, tinulungan nya akong makababa, nakapag lakad na naman ako ng maayos dahil sa gamot na ibinigay nya kanina, pumasok kami sa Hotel, kinausap ni Andrew ang babae sa harap namin at hindi ko naman maintindihan kung anong pinag uusapan nila dahil wala ako sa wisyo, nahihilo pa din ako.

Sumakay kami sa Elevator at pumanhik, pumasok kami sa isang kwarto at naramdaman ko ang lamig doon. The Hotel Room color just play in white, brown and black, may malaking TV na sa tingin ko ay 55 inches, may king size bed at sa dulo noon ay may maliit na black couch, sa kanan at kaliwa ay may tig isang side table, may kurtinang itim at sa likod non ay ang sliding window, binuklat ko yoon at nakita ko ang terrace kaya lumabas ako at pumunta roon, kitang kita ang city lights dito Kaya naman sobrang ganda, malakas din ang ihip ng hangin, paniguradong nasa mataas na floor kami kaya kitang kita ang nag tataasang building dito.

Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig na nararamdaman ko, bigla namang may yumakap saakin sa likod at itinuon ang ulo sa likod ko, ang kamay nya ay nasa bewang ko at yakap ito nang mahigpit na tila ayaw akong pakawalan, nilingon ko sya at nakita ko ang mukha ni Andrew, inaantok na ata sya, dalwang oras na lang ay mag uumaga na kaya siguro inaantok na sya.

Iniangat nya ang mukha nya at tumingin ng diretso saakin, kinuha nya ang kamay ko at inilagay yon pareho sa pisngi nya at, ang mainit nyang palad ang nakapag pakalma saakin dahil nanginginig na ako sa lamig, hinalikan nya ang kamay ko at lalo pa yon idiniin sa pisngi nya.

"i want you to comeback Zaine, i love you so much, please comeback to me" sinabi nya yon habang nakapikit at hawak ang kamay ko na nakadiin sa pisngi nya.

"how about Valerie?" tanong ko ba ikinamulat nya.

"what about her?" tanong nya pabalik.

"She's your girlfriend" Sabi ko na nakapag pairap saakin.

Natawa sya, "we broke up, we're just in about 2 years, and i dont know but i didn't love her, and i dont love her in that 2 years." aniya na ikinagulat ko.

"wala na kayo?" tanong ko.

"yes"

"but why are you still hanging out? Nung graduation, magkasama kayo, tapos kanina sa bar, magkasama rin kayo" nagtataka kong saad.

" we're just fixing up the mess, she still love me but i don't" sagot nya na kinatahimik naming dalwa.

Narinig ko ang buntong hininga nya kaya nag angat ako ng tingin, nabigla ako dahil pag ka angat ng ulo ko ay hinalikan nya ang labi ko. Ang mapula at maganda nyang labi ay unti unting sinasakop ang saakin, niyakap nya ang bewang ko at pinisil iyon ng kaunti, nararamdaman ko ang pagkasabik nya ngunit bakit parang sa sarili ko ay wala na akong maramdaman? Maya maya lang ay lumalalim ang pagsakop nya sa labi ko at namalayan ko na lang na tumutugon na ako sa bawat halik na ginagawa nya.

Nang naghiwalay ang labi namin ay pareho kaming hinihingal at nag hahabol ng hininga, nakita ko syang ngumisi at ang ngising iyon ang nagdulot para bumalik ang lahat ng ala-ala at sakit na idinulot nang unang lalaking minahal ko.

You're my first kiss...

See you next chapter!

It All Started With A GameWhere stories live. Discover now