Chapter 12

27 17 1
                                    

"Hala pucha, ano ba yan nakakagitla yang mumu na yan ah."reklamo ni harv, natawa naman ako.

Pilit kong kinalimutan ang presensya ni Andrew at nang babaeng kasama nya, hindi ko maaninag ang mukha ng babae pero sa pagkakasabi nya ng pangalan ni Andrew kanina ay nabobosesan ko ito.

Nagtuloy kami sa pagtili lalo na si harv, dahil puro suspense tong pinapanuod namin.

"hmm! Kukuha ka pa ha!" sabi ko sabay tapik ng kamay ni kiela, palibhasa pare pareho nang ubos ang popcorn nila, mabuti na lang at dalawa ang binili ko, halos lima kaming naghati dito sa popcorn ko dahil mahaba ang movie kaya ubos na agad ang popcorn nila.

" Bumili na lang sana kayo kanina nang madami para di kayo kuha ng kuha, nauubos e."reklamo ko habang nakanguso at tinitingnan ang laman ng bucket ko. Sabay sabay silang tumawa. Talent talaga nila yan, sabay sabay tatawa tapos sabay sabay din titigil pwera dito kay kiela na hindi makasabay HAHAHA.

" shhhh!" suway samin ng mga nanonood dahil sa ingay ng bunganga nitong si mae, shane at harv.

"ay nako, alas otso nya magagalit na ang aking mudra tara uwi na tayo." aya ni harv, sabay sabay  kaming umiling Kaya sumimangot sya. Nasa labas na kami ng sinehan.

"aba kumain muna tayo, para hindi na ako kakain sa bahay." sambit naman ni mae. Takaw talaga.

Kumain kami sa Pizza house, ito ang tambayan namin dito sa mall, favorite namin ang Hawaiian pizza at Overloaded pizza. Tig isang box ang binili namin, sakto lang naman sa bilang namin dahil matakaw kami.

" Yan, diet diet ka pang nalalaman, tapos kakain ka ng ganyan karami." singit ni kiela nang mapag usapan namin ang weight ko. Simula nang itutok ko ang sarili sa pag aaral ay nagpapayat na din ako, nag diet ako pero may healthy pa rin naman.

"cheat day ko ngayon, kaya kakain ako ng gusto ko. Ngayon na nga lang kakain pag babawalan nyo pa." sagot ko. Nagtawanan sila.

"hala naalala ko nung minsang kumain tayo dito, si Zaine lang yung naka salad kase diet daw sya tapos iniinggit natin sya nitong favorite nyabg pizza HAHAHAHA tawang tawa talaga ako non" sabi ni harv habang tawa ng tawa.

"ewan ko sa inyo" pagtataray ko saka kumagat muli sa hawak kong pizza.

Alas diyes na kami nakauwi, hindi naman ako pinagalitan ni papa dahil ngayon lang naman ako ginabi ng ganto. Ang huli ay noong nasa dagat ako at iniintay ko si Andrew dahil 7th monthsary namin pero hindi sya dumating. Mula noon ay hindi na ako nagpapagabi sadyang ngayon na lang talaga dahil celebration namin.

Umakyat ako sa kwarto at naligo, pabagsak akong nahiga sa kama, gaya ng dati lunod na naman ako sa tulog dahil sa sobrang pagod pero worth it.

Kinabukasan.

"Gabbriella, gising na!" pang gigising ni papa. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, 7:00 am pa lang, ang aga aga pa, kita namang late nako umuwi kagabi e. Pagmamaktol ko sa isip.

Pumunta muna ako sa banyo, nagsepilyo at nag hilamos, saka bumaba,nadatnan ko sa mesa si papa, at pagbaling ko ay nandoon sina lolo at lola, tito at tita pati na ang dalawa kong pinsan. Napatakbo ako sa Sobrang saya at hindi makapaniwala dahil minsan lang sila umuwi dito at hindi ko pa inaasahan to.

"omygod, titaaaaa!" sigaw ko dahil si tita Shantel ang tumayong nanay sakin, kapatid sya ni papa. Patakbo akong lumapit sa kanya at yumakap. Ganon na rin kay tita at sa mga pinsan ko. Nagmano rin ako kila lolo at lola, lahat sila ay mga nakangiti saakin.

" ang cute cute naman nitong dalawa kong pinsan, manang mana sakin, HAHAHAH!" Sabi ko habang pinipisil ang pisngi nilang pareho, 10 years old si Hannah at 4 years old naman si Kate.

"hello lolo, lola!" masaya kong bati sa kanilang dalawa saka nagmano at yumakap. Pagkakalas ko sa yakap ay biglang may inilabas na malaking kahon si lola, naka wrap pa ito. Inabot ko ito at saka binuksan. Nang nakaupo na ako sa harap ng mesa ay biglang lumapit sakin sila tita at nagbigay din ng regalo at kahulihan na tumayo si papa. Isa isa ko sipang hinalikan sa pisngi at saka niyakap ng mahigpit, sa ilang taong pagaaral ko ngayon lang nila ako niregaluhan ng ganito kadami, noon kasi si papa, si tita at tito lang talaga ang nag reregalo, ngayon pati mga pinsan, lolo at lola. Nakakatuwaaa! Hahahaha.

Binuksan ko ang bigay ni lola at lolo, namangha ako dahil mapapalitan na ang luma kong laptop, sunod ko namang binuksan ang bigay ng mga pinsan ko, isa syang planner at mga pens na ibat iba ang kulay, tiningnan ko kung saan ito binili at talaga namang pinaghandaan pa nila dahil mukang galing pa sa Japan, sunod kong binuksan ang bigay ni tito, isa yong designer body  bag, kulay itim ay gold ang kulay pang sosyal ang dating,mukang sa ibang bansa din galing, namangha ako dahil ganitoang mga gusto kong klase ng bags. Alam na alam talaga ni tito ang paborito ko dahil sa taon taon kong gagraduate at birthday puro bag na designer ang regalo nya kaya naman halos mapuno na ang closet ko.

Kasunod kong binuksan ang regalo ni tita, isa itong Camera, pangarap ko din matuto mag picture, noong bata kase ako hindi ako marunong hahaha! Sobrang saya ko alam na alam talaga nila ang mga gusto ko. Lastly ang regalo ni papa, binuksan ko ito, nagtaka ako kung ano dahil medyo magaan sya, kulay asul na album ang regalo nya, tiningnan ko sya ng nagtatakang tingin at sinabi nya na buklatin ko ito, sinunod ko naman ang utos nya at nakita ko doon ang pictures namin ni mama noong bata pa ako, mabilis na tumulo ang luha ko dahil sa sobrang saya, medyo malungkot ako dahil wala sya dito ngayon, inisa isa kong buklatin yon at naaalala ko lahat ng mga pangyayari na nakuhaan ng litrato sa kahulihang buklat ko ay nag iisa na lang ang picture at nakatalikod pa may sulat sa likod nya kaya yun ang una kong nakita, inalis ko sya sa plastic at saka binasa.

I made a mistake, but in those ten years, it's still you and always you.

~AndrewEverett~

It All Started With A GameWhere stories live. Discover now