paminsan-minsa'y nagiging bula ang tao.
nawawala tayo kapag sobrang taas ng lipad,
pumuputok naman kapag ubod ng baba at sumasayad.naliligaw tayo kapag sobrang taas na natin-- minsa'y hindi na nakatatanaw sa ibaba kung saan nanggaling. naglalaho naman tayo kapag sobrang lalim ng pananaw natin sa buhay-- umaabot sa puntong ni isa'y wala nang makahukay.
nagiging bula ang isang tao --
nawawala,
naglalaho.pero higit pa sa minsan,
sa pagkawala natin nahahanap ang ating mga sarili.7.26.19
![](https://img.wattpad.com/cover/234171306-288-k475975.jpg)
BINABASA MO ANG
Tularawan: Mga Tula't Sanaysay na Hinabi sa mga Luha't Larawan
PoetryPinagsama-sama ko sa kumakapal pa lamang na librong ito ang mga larawan at tula na naging katas ng aking mga personal na karanasan-- mula sa lungkot, saya, pait, tamis, hikbi, at luha. Naniniwala akong may kalakip na kuwento ang bawat litrato. At s...