Ang Anghel at Ang Hell

15 0 0
                                    

"Ako ang demonyong gagabay sa iyo..."

Inaawit mo ito sa 'kin nang paulit-ulit, ninanamnam ko naman nang may pagkasabik.

Isa akong anghel na naligaw sa mundo mo at hinatid ako pabalik sa paraiso ko. Ikaw ang demonyong kinatatakutan ng lahat ngunit 'di ko akalaing mamahalin ko. Ayaw ninuman sa mundo mo— ang impiyerno. Pero ako? Naadik at nahumaling ako.

Paulit-ulit mo akong ginagabayan pabalik sa langit ngunit paulit-ulit din ako sa 'yong bumabalik. Gusto kitang isama. Gusto kitang kasama. Gusto kitang makasama. Pero mali sa mata ng iba.

Sa araw-araw na pagtatagpo natin, pag-iibigan natin ay lalong lumalalim. Isa akong anghel, isa kang demonyo. Pagkikita natin ay mali sa mata ng mundo, ngunit pag-ibig na wagas ang nagsisilbing sandata ng ating mga puso. Oo, isa kang demonyo. Ang demonyong walang sawang naghahatid sa akin pabalik sa langit. Ngayon, oras na upang may magbago.

Ako sana ang anghel na babago sa iyo, ngunit napagtanto kong hindi mo kailangang magbago para sa tulad ko. Kaya ngayon?

Ako na ang anghel na sasamahan ka sa mundo mong mala-impiyerno.
Ako na ang anghel na gagabay sa iyo sa mundo mong puno ng gulo.
Ako na ang anghel na tatanggap sa pagkatao mo.
Ako na ang anghel na 'di matatakot na yakapin ang gaya mo.
At ako ang anghel na walang pag-aalinlangan ang pagmamahal para sa iyo.

Kaya't hayaan mo sana akong baguhin ang awitin mo.

"Ako ang anghel na magmamahal sa iyo..."

--------------------------
Dibuho ni Serios

2.27.19

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tularawan: Mga Tula't Sanaysay na Hinabi sa mga Luha't LarawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon