Chapter 3

5 1 0
                                    



Pagod nako sa pagala gala sa caffetreia. Pano ba naman?! tinaguan na ata ako ng mokong na yun! matapos ako gastusan tatakbo na lang?! ay iba! kahit pakiramdam kong naghihingalo nako, pinagpatuloy ko pa rin ang paghahanap ko.

hah! kala mo ha! nakita ko din siaxel na patawa tawa habang tinitingnan ako. pinagtitripan ata ako neto ah!


"axeeeelll!!!!!" lagot sakin tong lalaki na to!

"uy? musta paghabol? kapagod diba?" abat!

"ah yun ba? naku wala yun! ready pa nga akong tumakbo ulit eh!" sarkastiko kong sabi sa kanya sabay pingit sa tenga niya. ano masakit ba ha?

"aray ko naman xy! masakit!" di ko inintindi ang pag inda niya. bahala siya. magsawa siya. ganon pa rin ang itsura namin hanggang sa makabalik kami sa room.

"araayy!!" singhal niya saka ko binitawan.

"yan! ulitin mo ulit ha?!" nakakahiya kasi eh!

"oo na hindi na! kuripot talaga neto kahit kela- oh Ivan!" huh? Ivan? bakit naman natawag neto yun -


humarap ako sa tinitignan niya kung nasan si Ivan. kabute ba to at pasulpot sulpot kung saan saan?!

"kanina ka pa ha! sinusundan mo ba ko?!" sigaw ko sa kanya

"lunch is over so obviously Im back for the class?" ay oo nga naman. tanga ko sa part na un. narinig kopa ang iba na nagbulungan at tumawa.

tumuloy na siya sa kinauupuan niya. samantalang etong si axel utas na sa katatawa. kutusan ko kaya to? bumalik na lang din ako sa upuan ko at baka dumating na din ang teacher, makagalitan pako. 

maya maya pa ay dumating na rin ang teacher namin. habang nakikinig ako, may bumabato naman sakin ng kung ano. sino ba yon?!

hinanap ko kung saan ang pinanggalingan non. ng matapat ng paningin ko ang kinauupuan ni axel, tatawa tawa pa! nakakarami na to ah!

inambahan ko siya na parang susuntukin kaso kamalas ko ata at nakita ako ni mam.

"Ms. Mitchell, care to share what you're doing?" nako nga naman.

"nothing mam. its just someone kept on messing with me. nothing more" sabay bigay ko ng ngiti kay mam. mukha namang naniwala siya sa sinabi ko kaya bumalik na ako sa ginagawa ko. pero tiningnan ko muna ng masama si axel. nako nako!

tatawa tawa pa din siya na parang wala ng bukas! saya talaga neto kapag iniinis ako! kabuwanan ko pa naman ngayon!

bakit ba parang ang bagal lagi ng oras kapag malapit na maghapon? ewan ko kung bakit pero uwing uwi na ako.

after a while, sa wakas! uwian na! inayos kona ang gamit ko at dali daling pumunta kay axel at kinutusan siya.

"ano ba! bakit na naman?!" galit niyang sagot sakin

"bawi kolang sa kanina mong pangbubudol sakin!" may sinabi pa siya pero hindi kona pinansin. habang may hinahanap ako sa bag ko, narinig ko ang ibang kaklase ko na naghahagikhikan. problema ng mga to?

"problema niyo? is there something funny?!" galit kong tanong sa kanila. lalo lang luamakas ang tawa nila. naiirita nako ha!

"Xyriena!" Tawag sakin nang kung sino. si Ivan lang pala. nilingon ko siya ng pagalit.

"WHAT?!" irita kong tanong sa kanya.

"you have stain." oh sh*t! ako pala ang pinagtatawanan nila?! agad kong inayos ang sarili ko at aligaga na hiniram kay axel ang kanyang vest. nakakahiya naman kasi to eh! lalaki pa talaga nakapansin!

"axel! pahiram ako! bilis!" dali dali niyang tinanggal ang vest niya at inilagay sa aking bewang.

tumakbo na kami palabas ni axel palabas habang yung iba nagtatawanan pa din. nagpasama ako sa kanya kasi wala naman akong kaclose sa mga babaeng yon. aarte!

pagkapasok na pagkapasok ko sa cr, naghanap ako sa bag ko ng sanitary pads. pero tingnan mo nga naman tong kamalasan! hindi ako nakapag dala ng extra! pano nako lalabas neto? kinuha ko na lang ang phone ko at tinext ko si axel.

to:Axel

"bili mo muna ako ng pads, hehe wala pala ako dala."

ibibili naman ako non kasi mula pa noon gawain  na namin yun haha! one time nga napagbintangan pa siyang pervert! pano ba naman sandamakmak na napkin! haha!

maya maya pa may kumatok na sa pinto ng cubicle kung nasan ako. may dumulas na pads sa sahig. kung pano to napunta dito hindi ko din alam! pero ang bilis naman ata neto bumili?

binilisan kona lamang ang pagpapalit. may narinig akong tumatawag ng pangalan ko. teka boses ni axel yun ah?

"Xyriena! labas ka muna saglit! kuhanin mo to!" huh? 

"diba naiabot mona kanina? pinadulas mo pa nga sa ilalim ng pinto eh?" kita ko sa mukha niya ang taka. ibinalik ko na rin sa kanya ang vest niya.

"huh? eh kakabalik ko nga lang eh! eto oh!" sabay abot niya sakin. eh kung hindi siya kanino galing yon?

"magpalit kana para makauwi na tayo" utos niya sakin

"n-nakapagpalit nako. teka nga! ginugoodtime mo ba ako?! kung di sayo galing yon eh kanino?! sa maligno?!" atungal ko naman siya. tiningnan niya ko ng parang nananakot. ayoko nang ganyang tingin niya.

"baka nga, hala ka!" at saka ako nagtatakbo paalis. nauna siya sa akin kasi pano ko ba naman maaabutan eh sa haba ng biyas?!

habang patakbo takbo kami, hindi ko namalayan na nandito na pala kami kung nasan nakaparada ang bike niya. wala pa rin sakin yung bike ko eh. ipapahatid kona lang kay axel sa bahay.

habang pauwi kami, hindi pa rin maalis sa isipan ko kung sino yung nagbigay sakin non. sino nga ba kasi? eh ko lang naman yung tao dun nung time na yon tapos wala si axel.

kinilabutan ako ng konti dahil don. kakarating lang din namin ngayon sa bahay. at eto namang si axel nangunguna nguna sa pagpasok kala mo bahay niya. mula pa lang kasi pagkabata magkaibigan na kami netong si axel kaya ganyan yan umasta.

sumunod na lamang ako sa kanya saka nahiga sa sofa malapit sa kinauupuan niya.

"axel? sa tingin mo sino nagbigay sakin non kanina?" tanong ko sa kanya at hinarap naman niya ako.

"I dont know either. baka naman secret admirer mo? yiee! dalaga na siya!" abat nakuha pang magloko kitang seryoso ako dito. pinandilatan ko siya ng mata, baka kasi marinig ni mama paghinalaan pako.

"umuwi kana nga! sumbong kita kay Molly!" haha! dali dali naman siyang tumayo at nag ayos. mahina ka pala eh pagdating sa kanya. yan ang panama ko sa kanya kapag iniinsulto niya ko. huh! 

pagkaalis niya, umakyat nako sa kwarto ko para magbihis. pagkapalit ko ng damit, nahiga ako sa kama ko para magpahinga. natapos ko naman na sa school assignments ko kaya deretso pahinga nako ngayon.

habang nagscscroll sa phine ko, may nagnotif sakin sa ig.

@Ivaugn followed you!

huh? finollow niya ko? tiningnan kona lang ang account at wow. daming followers! nahiya naman ako! dahil wala naman ako magawa, inistalk ko muna siya.


pagdating ko medyo matagal na niyang post, nakita ko ang isang picture ang nakalagay na caption ay "mi amore".

tinitigan kopa ang picture. bakit parang kilala ko to? why do a part of me feels that this girl is me?


--------------

Since thenWhere stories live. Discover now