Chapter 4

3 1 0
                                    


why? this is weird.


hinayaan kona lamang ang picture na iyon at tinawagan na lamang si Axel.


"hoy! gising pa ba ang baby boy ko?" with matching beautiful eyes pa ako niyan ha1 kahit hindi niya kita haha.


"baby boy amputa! kilabutan ka nga! ano ba kailangan mo?" tanong niya sa akin na may halonh pagkairita.


nagpatuloy pa kami sa paguusap hanggang sa di ko na namalayan ang oras. 2am. yan umaga na kami natapos! pustahan parehas kaming bangag mamaya haha.


"sige na nga inaantok nako!" sigaw niya mula sa kabilang linya at pinatay na ang tawag.


hayyyy tatanghaliin na naman ako neto.


------


I just got up from my bed thinking if I should already take a shower or not. mukha kasing maaga pa. kinuha ko ang phone ko at tinignan kung anong oras na.


"fck! 7:3o na?! late na naman ako neto." oh ayan puyat pa


dali dali na akong tumayo at nagtungo sa banyo. dahil sa pagmamadali nga ligong uwak na ata ang nagawa ko. dibale na.


patakbo akong bumaba deretsong kusina. muntik pa nga akong madapa! pero dedma na ang mahalaga makapasok na agad ako.


pagdating ko sa kusina naabutan kopa si kuya. huh? bakit nandito pa to? eh tatanghaliin din yan. tiningnan ko ang oras at nang  makitang malapit ng mag alas otso, karibok na akong tumakbo kay mama.


"maaa!!!" tawag ko sa kanya na ikinagulat niya.


"bat ka ba sumisigaw na bata ka? saka ang aga mo ata ngayon?" huh?!


"ma! mag aalas otso na pala di mo man lang ako ginising!" taka niya akong tiningnan.


"anong mag aalas otso? ayan oh tumingin ka sa orasan, 6 pa lang" anak ng! narinig kopa si kuya na patagong tumatawa habang nakaupo sa may lamesa


"KUYA! PINALITAN MO NA NAMAN ORAS KO NO?!" inis kong sigaw sa kanya. aba tinawanan lang ako!


"HAHAHAHA your face was epic!!" aba at nagpatuloy pa nga sa pagtawa! sabi na eh! dali dali  akong lumapit sa kanya para sana sabunutan siya kaso naman napigilan niya agad ako.


"sige! bugbugin kita!" nanakot pa! 


"sabi ko nga uupo na"padabog na lamang akong naupo sa katapat niyang upuan. maya maya pa ay nag handa na ng pagkain si mama.


habang kumakain, biglang may itinanong si kuya.


"balita ko may bago kayong kaklase ah?"

Since thenWhere stories live. Discover now