dedicated to my ate na walang jowa haha joke lang. anyways enjoy!
_________________
Days went by smoothly, mas busy nga lang ngayon kasi malapit na club fest. today is Saturday and I decided to go to the mall since ayaw makipaglaro sa akin ni Axel. busy daw psh! busy niya mukha niya! may date kamo sila ni Molly. anyways yun nga, nandito ako sa may waiting shed, tamang abang sa grab ko na ni-book. di rin nagtagal ay nakasakay na ako.
after a few, nakarating na din ako sa mall. dumeretso agad papasok kaso may nakabangga naman ako. lintek oh! buti na lang at naka mom jeans at oversized shirt ako kundi nakitaan na ako. eh talagang tumba eh. agad kong pinagpagan at inayos ang damit ko.
"sorry ha di kasi ako tumitingin sa dinadaanan" saka ako tumingin sa kanya
"its okay, I also apologize" tapos ngumiti sa akin. na starstruck ako kay kuya kaya naman hindi agad ako nakaalis sa kinatatayuan ko. paano ba naman, basta. umalis rin kaagad siya pagkasabi niya.
pumunta na lamang ako sa madalas kong tambayan dito sa mall. cafe siya na may mini library sa loob. karamihan rin ng customer dito ay students kasi calm ang ambiance. makakapagfocus sila. ako naman, kaya lang pumupunta dito, kapag bored ganun di para mag aral. saka dito rin kasi yung fave drink ko kaya ayun.
iniwanan ko muna ang gamit ko sa upuan ko at pumunta sa counter para um-order. wala naman na kukuha nun doon at wala din namang pakialamanan ng ginagawa sa loob dito. dito mo talaga makikita ang kasabihan na "mind your own business"
habang nakapila, may napansin naman ako na lalaki sa dulong parte ng cafe. naka cap siya na itim at hoodie na itim din. balot na balot ah, malamig? diko na lamang ito pinansin at pumili ng oorderin
"my usual order please" sabi ko sa counter. may membership card na din kasi ako dito sa dalas ng pagpunta ko dito, kaya kahit usual order na lang sabihin ko, alam na yon. its just strawberry frappe and a slice of strawberry shortcake. di naman ako mahilig sa strawberry, slight lang.
babalik na sana ako sa upuan ko ng mapasapul naman ang noo ko sa dibdib ng kung sino. buti na lang wala pa akong dala kundi natapunan ko na ito.
"sorry diko sinasadya-" siya ulit?
"its you, youre the girl earlier right?" siya nga
"ah o-oo, sorry ulit ha" saka binilisan ang pagbalik sa puwesto ko. kanina pa ako may nakakabunggo ha. tapos sa iisang lalaki pa.
maya maya pa ay dinala na rin ang order ko sa akin. nagpasalamat naman ako pagkadala nito. humigop ako ng kaunting frappe saka ipinagpatuloy ang binabasa ko. one of my favorite books, Getting out by Gwendolyn Gross
matapos naman akong makakalahati sa binabasa ko, inilabas ko naman ang laptop ko para magsulat sa personal blog ko. Im kinda into writing pero walang nakakaalam miski pamilya ko. after I wrote in my blog, isinara ko ito at inilabas naman ang cellphone ko. pinalsak ko rin sa phone ko ang earphones ko and played my favorite playlist from The Rose. tamang scroll lang ako sa instagram ng mapansin ko naman sa peripheral vision ko na may papalapit. hindi ko naman sure kung saan pupunta kaya hindi ko na pinansin.
medyo nagulat na lamang ako ng makita ko sa harap ko ang lalaking palapit lamang kanina na nakaupo na. siya ulit? is this destiny? joke lang. bat naman kaya dito pa? tinanngal ko naman agad ang earphones ko.
"sorry to sit without your permission, wala na rin kasi akong mahanap na upuan" sabi niya na parang nahihiya pa
"o-okay lang, wala din naman ako kasama" saka nginitian ng bahagya at bumalik sa pagcecellphone.
"Im Iris by the way" simula niya sa usapan
"Z-zachary" I dont really like telling strangers my real name. though Zachary is also my name pero mas gusto ko lang na hindi talaga ako nila kilala. muli ko siyang nginitian. again, back to my business. inilabas din naman niya ang laptop niya, may gagawin din ata
he looks smart. i mean he wears glasses and he looks like a student who studies really hard. he's wearing a beige hoodie and plead pants partnered with white shoes. he also looks attractive hehe. bet ko ata to ah
"add to heart" sabi ko sa sarili ko ng nakatingin pa din sa kanya at may halong tawa sa kilig pa
"add to heart? are you perhaps talking to me?" taka naman niya akong tiningnan saka ang paligid niya. ilang segundo ko pa siyang tinitigan ng marealize na narinig niya pala ang sinabi ko. shete!
"a-ah ano s-sabi ko.." ano ba maganda palusot dito? "add to cart! oo yun nag oonline s-shopping kasi ako oh" sabi ko sabay harap sa kanya ng phone ko. he looked at me confused but then he flashed a smile. ano ba yan natunaw ako. ang harot xyriena ha! ibinalik ko na lamang ang atensyon ko sa cellphone at muling isinuot ang earphones ko. ilang beses na ba ako napapahiya dito sa lalaking to?
maghahapon na din ng maisipan ko ng iligpit ang gamit ko at umuwi. sa buong araw, guess what, yung Iris na yun ang kasama ko. I eman hindi naman kami nag usap or what, but maghapon din siyang hindi umalis sa puwesto. busy ata.
Nang maayos na ang gamit ko, napaisip naman ako. magpapaalam ba ako dito sa lalaking to oh ano? bat pala ako magpapaalam eh hindi naman kami close neto? kaso baka isipin niya ang rude ko naman. hays bahala na
agad akong tumayo at maglalakad na sana palayo ng umimik naman siya..
"are you going home already?" napatigil naman ako. pagharap ko sa kanya, ang amo niya tingnan ano ba yan
"o-oo, bye" saka tumalikod..
"take care" rinig kong sabi niya. naramdaman ko anamn na nag init ang mukha ko. nako, masama to. sinampal sampal ko naman ang sarili ko ng bumalik sa huwisho.
"huy Xyriena! di mo nga kilala crush agad?" teka bat ba crush agad naisip ko?! hays buwiset. inilabas ko na lamang ang phone ko at nagbook ng grab. hindi rin nagtagal ay dumating eto. buti na lang at hindi pa traffic kaya maaga pa din ako nakauwi. its 4pm aleady when I got home.
pagkapasok ko sa bahay, dumeretso na agad ako sa kuwarto ko para magpahinga. hindi ko nakita si mama at shawn sa baba kaya hinayaan ko na lamang. malapit na ako sa kuwarto ko ng may marinig naman akong sumisigaw.
bahagya ko itong binuksan at nakita si Axel na naglalaro na naman ng ps4. hindi naman ako pinansin ng mokong dahil sa paglalaro. dumeretsong higa na lamang ako at ipinikit ng bahagya ang mata. grabe ang kahihiyan na nangyare sa akin ngayon lintek na yan
-------
:))
![](https://img.wattpad.com/cover/234185313-288-k636601.jpg)
YOU ARE READING
Since then
RandomWhen did it all started? can she handle it? did all of them hide it from her? Xyriena Zachary Mitchell, a girl who cannot remember her trueself because of what happened 3years ago. the woman who doesnt know what kind of person she is in until the g...