Chapter 13

1 0 0
                                    




Pagkaakyat namin ni Ivan ng pool, agad naman akong pumunta sa may table para kuhanin ang towel ko at robe. kasunod ko naman siya at kumuha rin ng towel na inihanda ni mama.


"buwiset ka! manggulat daw ba? sabunutan kita jan eh!" hiyaw ko sa kanya na natawa pa din.


"HAHAHAHA! eh bat ba kasi kayo magkatitigan tapos parang slomo pa galaw niyo. buhat ka pa niya" saka muling tumawa at tiningnan ako ng nakakaloko. alam kona kung ano pupuntahan neto....


"kayo na ba? may gusto ka sa kaniya no?! ikaw ha!" sunod sunod niyang salita. lalapit pa sana ako sa kanya pero tinanggal ko na lang ang shirt ko at sobrang basa ko na. naka sports bra na lang ako ngayon habang pinupunasan ang buhok ko ng hanapin ko si Ivan.


"nakapagpunas ka na ba- anyare sayo?" tanong ko sa kanya dahil mukhang gulat na gulat at namumula


"uh- your....exposed" sabi niya ng putol putol sabay iwas ng tingin


"ung an- OH MY GOSH!! SORRY! NANDIYAN KA NGA PALA NASANAY NA KASI AKO MAGPALIT KAHIT NANDIYAN SI AXEL LINTEK!" saka agad na nagbalot ng robe ng marealize ko ang sinasabi niya. putek naman oh! bat ba di ko naalala na nandiyan nga pala yan?! nakakahiya naman oh!


"p-pasok muna ako, p-papalit lang.." tugon ko ng nakayuko saka nagtatakbo patungong cr


"nakakahiya ka! dun ka pa talaga naghubad eh may ibng tao!" kausap ko sa sarili ko sa salamin. napasabunot na lamang ako sa nagawang kahihiyan at napaupo.


"eh bakit ba ako nahihiya? bahay ko naman to ah? saka wala namang makikita?' sabay tingin ko sa dibdib ko. "pero kahit na eh may sanity pa din ako!" saka muling sinabunutan ang sarili. papalabas na sana ako ng cr ng marinig ko naman sina mama at shawn na naguusap ata


"bakit ba hindi na lang natin sabihin sa kanya?" mahinahong tanong ni mama. alam kong masamang makinig sa usapan ng tao, pero wala eh may lahing chismosa ata ako. nagtago na lamang muna ako sa loob ng cr na bahagyang nakabukas ang pinto.


"ma naman! alam mo naman ang nangyare sa kanya diba nung sila pa?! tapos ipapaalala lang natin sa kanya?" ako ba pinag uusapan nila?


"shawn naman, mabuting tao naman yun saka ang saya niya din kapag siya ang kasama niya noon diba? pwede ba-" lumabas ako at humarap sa kanila, naputol ang sasabihin ni mama.


"ma? shawn? ako ba pinag uusapan niyo?" saka ko sila takang tiningnan.


"anak ga-" ngunit inunahan ni shawn si mama.


"wala yon. magbihis kana, magkasakit ka pa" tiningnan naman ako ni mama na parang humihingi ng tawad. nu meron sa mga yun? ginawa kona lamang ang sinabi niya at pumunta sa kwarto upang magbihis. 


pagkabihis ko, agad akong dumeretso sa likod. naabutan ko na nagbibihis pa si Ivan ng damit. may muscle pala to. well di ganun kamaskulado, tama lang. kaso may napansin ako, may malaki siyang scar sa likod. ano kaya nangyare dun? bat koba tinititigan katawan neto?!

Since thenWhere stories live. Discover now