Chapter 5

3 1 0
                                    



alalay ko ngayon si Ivan papuntang clinic. bigat niya ha! sabagay sa tangkad ba naman neto.habang naglalakad, he's mumbling something.


"ano?" tanong ko sa kanya.


"sabi ko....." diko talaga maintindihan!


"anong sabi mo?!- hoy!" bigla siyang natumba, at shempre damay ako, payat kona nga tapos liit ko pa! umuna akong tumayo upang maalalayan siya.


"huy tumayo ka jan!" ang bigattt...."huy please naman oh!" pinilit ko siyang itayo. medyo naka recover naman yata siya sa pagkakatumba kaya eto balik paglalakad na ulit kami.


"konti na lang malapit na tayo ok?" sabi ko sa kanya. pero di niya rin ata narinig kasi parang tulog ata to eh.


"pwede po bang makikicheck sa kanya? ang init niya po eh saka ang lamig ng pawis" agad ko siyang iniupo sa may kama sa loob at tinulungan naman ako ng nurse. akmang aalis na ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko.


abat-


"w-wag k-ka muna umalis" putol putol niyang sabi. nilalamig ata to. Inalalayan ko muna siya makahiga saka ko nilagyan ng kumot. naka aircon din kasi dito.


"oo, diyan lang ako sa labas" at umalis na ako. nandun naman na yung nurse at tinitingnan siya. tumingin ako sa phone ko, malapit nang matapos ang first period. saka na lang siguro ako babalik sa second subject.


Naisipan ko muna na balikan si Ivan dun sa loob. papasok na sana ako at malapit na sa hinihigaan niya ng marinig ko siyang...


"may kausap?" ano meron dun? minabuti kona lang muna na bumalik sa room. baka ayaw niya ng may makakita sa kanya. may ibang tao pa din naman non.


pagbalik ko sa room, bunganga agad ni Axel ang sumalubong sakin. palibhasa wala pang teacher kaya lakas makasigaw!


"Xyriena Zachary Mitchell darling!!!! IMMIISHUUU!" naka nguso pa! mukha namang bibe. tanggalin ko yan eh.


"ingay ingay mo! umupo kana nga!" paupo na sana ako sa upuan ko ng batakin naman niya ang kwelyo ko. anak ng!


"PROBLEMA MO?!" irita kong sigaw sa kanya.


"tss pms pa din pala!" aba! babangasan ko to!


muli na lamang akong bumalik sa upuan ko at hindi na namansin ng kahit sino. wala din naman sadyang pumapansin sakin.


15 minutes before lunch, pagkain na naman!!! my favorite time!! inayos ko muna ang gamit ko bago magtatakbo papunta kay Axel.


"Axellll~~~~" pakanta kong tawag sa kanya. agad naman siyang lumingon sakin at tumayo. papunta din siya sa akin at akmang yayakap pero pinigilan ko agad siya at dinakot ang mukha niya.

Since thenWhere stories live. Discover now