this is only a work of fiction!!!!!
warning!
wala lang hehe basta!
___________________
matapos ang pagpapahinga ko ng konti, tumayo na ako at pumunta sa cr.habang nasa shower, napaisip ako
"bakit parang pamilyar sa akin yung mukhang yun? para bang nakita ko na?" bulong ko sa sarili ko. baka naman kahawig lang or namalikmata. natapos na akong magshower at lumabas na ng cr. nakapagbihis na din ako. paglabas ko, dumeretso ako sa vanity table ko para sa skincare. sensitive kaya skin ko no.
"hoy babae! sino to ha?!" napatalon naman ako ng bahagya sa kinauupuan ko. sino ba tinutukoy neto
"ano ba?! pwede namang hindi sumigaw ah?!! ang lapit lang ng kausap mo tapos-" napatigil naman ako sa pagsasalita ng iharap niya sa akin ang cellphone ko na kung saan may larawan ng isang lalaki
shuta!
naramdaman ko naman na biglang nag init ang mukha ko
"w-wala yan, ano-"
"boyfriend mo?" putol niya sa sinasabi ko. nakangiti pa ang gago
"HINDI! hindi ko nga kilala yan tapos boyfriend agad?!" ay lintek! lalong lumawak ang ngiti ni Axel at. "teka! bat ba nasayo ang cellphone ko ha?!" iniwasan niya lamang ang tanong ko.
"ikaw ha! crush mo to no? manliligaw mo no? ayiieeee susumbong kita kay shawn-" agad ko namang tinakpan ang bibig niya
"huwag ka nga maingay! pag narinig ka nun baka akalain talaga may boyfriend ako!" pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa bibig niya. ng maawa na ako ng slight, binitawan ko na ito. baka malagutan ng hininga sagot ko pa
"eh sino nga kasi yon?" tanong niya pa ulit. naiirita na ako ha
"wala nga! lumayas ka nga diyan! gusto ko matulog! tabi!" saka padabog na humiga sa kama ko. tumayo naman si Axel at lumipat sa sofa na nasa dulo ng kama ko.
----
Nagising ako ng maramdaman kong nagugutom ako. pagmulat ko, wala na si Axel, patay na rin ang ilaw maliban sa lampshade ko at may kumot na din ako. anong oras na ba? kinuha ko ang cellphone ko sa katabing lamesa ng kama ko at tiningnan ang oras..
YOU ARE READING
Since then
RandomWhen did it all started? can she handle it? did all of them hide it from her? Xyriena Zachary Mitchell, a girl who cannot remember her trueself because of what happened 3years ago. the woman who doesnt know what kind of person she is in until the g...