"So 2x2 is equals to?" tanong ni Yosef sa mga bata habang nagtuturo."4!" sagot ng mga bata.
Right now I still can't believe na teacher siya.
Siguro nga hindi alam nang mga tao dito kung sino talaga siya.
Pero... sino ka nga ba talaga, Yosef?
"Malapit talaga sa bata si Yosef." Napaigtad ako nang may mag-salita sa tabi ko.
Si Ms.Yolly lang pala.
"H-hi po, uhm, matagal na po bang nagtuturo si Yosef dito?" This is my chance para makilala pa siya.
"Oo hija, mga limang taon na rin nang maipa-tayo itong library na ito, mabait iyang batang iyan, lagi siyang may dalang pagkain sa mga bata, yung mga Donut kanina? bigay niya iyon sa kanila." pag-explain niya sa akin.
Oh, so yung eco-bag na black kanina, Donuts pala ang laman nun.
Mukhang wala ngang alam ang mga tao dito kung sino talaga si Yosef.
"Hija, matanong ko lang ha, girlfriend ka ba ni Yosef?" Tanong sa akin ni Ms.Yolly na may mapang-asar na ngiti.
My eyes widened and I looked away.
Wait shit! Am I blushing?
No way!
"H-hindi po Ms, Ano ba naman ho yang iniisip niyo." I said while still looking away.
She just chuckled.
"Hay nako, kayo talagang mga kabataan, sigurado ako na pagkatapos ng taon na ito baka kayo na ni Yosef, may spark kayo hija eh!" Sabi pa ni Ms.Yolly na parang kinikilig pa.
I just cleared my throat and smiled sheepishly.
Ano bang pumasok sa isip ni Ms.Yolly at nasasabi niya iyon?
Yosef? boyfriend ko? Yuck! maaksidente muna ako bago maging kami noh!
"Ano nga bang pangalan mo hija?" Tanong ni Ms.Yolly
"Mace po."
"Ahh, sige Mace maiwan muna kita dito, ah." sabi niya at umalis na.
"Teacher Yosef, pwede po bang fairytales naman po ang I-kwento niyo sa amin?" Narinig kong tanong ng isang batang babae kay Yosef.
He hummed like he was thinking and smiled.
"Sorry Nadia, wala kasi akong alam sa mga fairytales na iyan eh." napakamot pa siya sa ulo.
Suddenly tumingin sa akin ang batang lalaki kanina.
"Ikaw po? may alam ka po bang fairytale na story?" Malakas ang boses ng bata kaya nakuha niya ang atensiyon nang lahat.
And know, all of them is looking at me.
Isa na doon si Yosef.
Napa-upo tuloy ako ng maayos because I got tensed.
Shit naman! bakit ako pa yung nakita ng bata?
Well I know some, noong bata ako mahilig ako sa mga fairytale na story.
"U-uhm m-meron naman." sabi ko.
Yosef raised his brows at me at parang may hinihintay na lang siyang mangyari.
"Pwede po bang kayo nalang ang mag-kwento sa amin ng story?" The boy gave me a puppy face.
But kaya ko ba? I never interacted with kids before, hell! wala akong alam sa pagtuturo!
BINABASA MO ANG
Last 7 Seconds (Lasts Series #1)
Romance7...6...5...4...3...2...1 It takes about 1 minute to say 130 words. It takes about 30 seconds to order a meal. It takes about 10 seconds to walk in 12-14 steps. Every tick of the clock we do things that's maybe useful or useless. Every time a 24 hou...