Chapter 10

12 3 0
                                    


Hinatak ko ang braso ko palayo sa kanya.

Ayan na naman ang ngiti niya.

Kumirot nanaman ang hita ko kaya napa-ngiwi ako sa sakit, mukha namang nahalata niya iyon dahil naka-tingin na siya ngayon sa hita ko.

His forehead creased as he stands up from the chair.

"May crutch kang dala last time ah, ba't di mo na dinala ngayon?" He crossed his hands over his chest.

Gosh! he asked like a daddy.

Kulit din talaga nito eh.

Buti nalang nag-suot ako ng loose checkered pants and a tight black sweatshirt, nagka-roon din kasi ako ng iilang pasa sa braso kaya kailangan kong takpan, nag white sneakers lang din ako so that I'm comfortable.

Tinignan ko muna ang hita ko, baka kasi dumudugo na naman.

"Uhm, kaya ko na, tiyaka 'di naman masakit eh." sabi ko at tumingin palayo.

He scoffed at me. "Eh bakit ka balot na balot?" He's referring at my outfit.

I inhaled sharply.

Dami niyang napapansin!

"Ano bang pake mo? outfit lang pino-problema mo pa!" Sabi ko sabay irap.

Paalis na sana ako sa harapan niya nang kumirot nanaman ang sugat ko.

Wow! nice timing.

He sighed heavily and took my arms.

He faced me at tinanggal niya ang salamin niya at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

I got the chance to observe his face, mukhang napuyat siya nitong mga nakaraang araw, nagkaroon siya ng eyebags, pero ang guwapo niya pa'rin.

Whoo! get your head in the game, Mace!

"Kapag nakita kitang nasaktan na naman, bubuhatin talaga kita, sa kahit anong lugar o pagkakataon, whether you like it... or not." he said then smirked at me.

I scoffed. "Whatever, i'll never let you carry me." I rolled my eyes at him.

He chuckled. "We'll see." nanunudyo ang mapang-asar na ngiti niya.

"Teka nga, ba't ba yung sugat ko yung naging topic natin ha? ikaw nga 'tong late eh." pag-sumbat ko sa kanya at dinuro ko siya sa dibdib.

'Wag lang siya mag-kamali ng sagot dahil lalayasan ko talaga siya dito ngayon kapag 'di ko nagustuhan ang sasabihin niya.

He grinned michievously. "Sabi na eh, miss mo talaga ako." His face is an inch closer to my face, again.

Hinampas ko siya sa braso.

"Tigas ng mukha mo! bakit naman kita hahanapin aber!?" Nilagay ko pa ang mga kamay ko sa beywang ko.

He looks like he's hurt dahil sa palo ko.

Dapat lang sa'yo yan, lagi mo kasing ni-rurumble ang utak... at puso ko.

He looked at me at halatang nasaktan siya.

"Alam mo ikaw? 'di ko alam kung Agent ka ba o talagang basaggulera ka lang!? ang sakit palagi ng hampas mo." Sabi niya sabay himas sa braso niya.

Oh shit, Agent daw. Well, hindi naman siya nag-kakamali.

But I'm not dumb enough to tell him the truth.

I scoffed at him. "So tingin mo sa'kin pala-away, ganon?"

Now I got the chance to cross my hands over my chest.

"Hindi naman." He said.

"Eh ano?"

Last 7 Seconds (Lasts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon