Chapter 16

15 0 0
                                    

"They are the first family that holds the clock before. Hindi nasabi sa akin ng simbahan sa Spain kung ano ang apelyido ng pamilya na iyan." Jefa moves further away from the computer to give me the space.

Agad akong humarap sa computer niya, the photo is in black and white, walang naka-ngiting tao sa litrato at halatang noong halos unang panahon pa nakuhanan ang litratong ito.

In the middle there's an old-aged man holding the clock proudly in his hands.

"H-how?" Hindi ko alam kung saan ba ako titingin, sa litrato ba? o sa mukha ni Jefa na ngayon ay naka-ngisi na.

"I couldn't tell you the whole reason kung bakit pumunta ako sa Spain, but I could tell that this is a part of those reason."

I'm... slowly getting the situation here, biglang pumasok sa isip ko kung paano i-larawan ng Museum ang... Golden Clock.

The reason it was considered a measure of value was because it was made of pure 24 karat gold, a material the Spanish highly valued.

Sa dinami-daming palaisipan na pumasok sa isip ko kung bakit gustong-gusto nila kunin ang orasan, ngayon ay nagiging malinaw na sa akin ang lahat.

Hindi lang basta-basta pang-karaniwan na orasan ang hawak ko, it's like a treasure, na matagal na nilang pinaghahanap.

Pero hindi na importante sa akin ang halaga ng orasan, if it's a real gold, o kahit ito pa ang pinaka-mahal na brilyante sa buong mundo.

That clock has the memories of my Father, that's why I won't let it go no matter what.

Saksi ako sa kung gaano pahalagahan ni Papa ang orasan.


"Wow Papa! Ang ganda naman po niyan! saan po galing iyan?" Maligayang tanong ng batang ako habang karga-karga ni Papa.

Kahit na mukhang luma na ang orasan na hawak niya, kumikinang pa rin ito sa ganda, sa sobrang ganda nito ay tila ba nakakasilaw sa aking mga mata.

The clock is in my eye level habang hawak ito ni papa kaya kitang-kita ko kung paano ito kumislap.

Tinignan ako ni Papa at ngumiti. "Galing ito sa iyong lolo, kaya pinaka-iingatan ko ito, anak."

Sinubukan kong abutin ang orasan pero inilayo ito ni Papa sa akin.

Binaba ako ni Papa mula sa pagkaka-karga niya sa akin.

"Hindi mo basta-basta makukuha ang oras, Macedon. Kagaya ng pag-kinang ng orasan na ito kung gaano ka halaga ang patak ng bawat segundo."

Kumunot lamang ang noo ko noon dahil hindi ko nauunawaan ang mga sinabi ni Papa.


"We have to be there, it's a great opportunity, Mace." Binuksan ko ang imbitasyon na binigay sa akin ni Jefa, it is in the color of gold and black, the hard paper in my hand shouts class and prestige.

Wala paring malay si Althea kaya nandito kaming lahat ulit sa kwarto niya to look after her.

"Dadalo ba dito si Amado Espina?" Tanong ko kay Jefa habang hindi inaalis ang mga mata sa imbitasyon.

You're invited.

The words in the invitation are all in cursive.

"Yes, actually siya ang pinaka-inaabangan sa party." Napatigil ang katawan ko bigla at ramdam ko na unti-unting tumataas ang dugo ko.

Sa mga nalaman at napag-tanto ko kanina mas lalo lang nag-alab ang aking galit.

Binalik ko ang aking mga mata sa imbitasyon tapos ay sumulyap ako kay Jefa at Karen.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Last 7 Seconds (Lasts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon