Chapter 8

11 3 0
                                    


Umuulan na naman sa labas habang hinihintay ko si papa sa hapag-kainan.

Gabi na pero hindi pa'din siya umuuwi, ano na kayang ang nangyari sa kanya?

Napaigtad ako nang bumukas bigla ang pinto ng bahay namin.

Si papa.

"Papa, saan po kayo nanggaling? kanina ko pa po kayo hinihintay." Nakita kong hingal na hingal siya at parang may humabol sa kanya.

Pagka-lapit ko sa kanya ay niyakap niya agad ako ng mahigpit.

Nagulat man ako ay niyakap ko parin siya pabalik.

Naramdaman ko na hinalikan niya ako sa noo.

Nararamdaman ko na may kakaiba, may mali.

Kumawala ako sa pagkakayakap niya. "Papa?"

Tinignan niya muna ako. May kaba sa mga mata niya. "Macedon, pumunta ka sa itaas, mag-impake ka ng mga damit mo."

Pagka-sabi niya noon ay tumakbo siya papunta sa hagdan namin pero pinigilan ko siya.

"Teka lang po, Papa. Ano po ba ang nangyayari? pwede bang kumain muna tayo? gutom na gutom na po kasi ako kakahintay sa inyo." Sabi ko kay papa at natigilan siya.

Sumulyap muna siya sa mesa at nakita niya ang mga niluto ko.

Sa edad na 12yrs old ay marunong na ako mag-luto, wala naman kasing ibang gagawa noon para sa akin kapag nasa trabaho sa papa.

Tumango si papa bago siya nagpa-hila sa akin papunta sa kusina.

Nakita kong napalunok muna ang tatay ko at dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko.

Nilagyan niya ako ng maraming ulam at kanin, pero si papa konti lang ang kinakain.

Habang ngumunguya ako ay tumingin sa akin si papa.

"Mace anak, kaya mo na naman ng wala ko 'diba?" Tanong niya bigla, pansin ko na nanginginig ang boses niya.

Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya. "Papa ano po bang sinasabi niyo? bakit ganyan po kayo mag-salita?"

Huminga siya ng malalim, nakikita ko na namamasa narin ang mata niya.

Hinalikan niya ako sa noo at sinapo niya ang mukha ko. "Tandaan mo na lahat ng ginagawa ko para sa'yo, huwag mong kakalimutan ang mga tinuro ko sa'yo, huwag ka basta-basta magtitiwala sa kung sino, maging matalino ka sa mga desisyon mo at huwag kang magpadalos-dalos, at higit sa lahat anak, maging matapang at malakas ka, pero kahit na matapang ka, tandaan mo na maging tigre ka-"

"-pero may puso." Pagtatapos ko sa sinabi niya.

Iyon palagi ang tinuturo niya sa akin, lagi niyang sinasabi na palakasan ng loob ang labanan.

Kaya lumaki ako ng matapang at malakas.

"Mahal na mahal kita anak, kahit na may malaman ka man na hindi maganda tungkol kay papa, sana patawarin mo ako, pero tandaan mo na lagi lang akong nakasubaybay sayo, mawala man ako sa paningin mo, pero nasa paligid lang ako. Ikaw ang nagpasaya ng buhay ko anak, ikaw ang naging ilaw sa madilim kong buhay." Umiiyak na si papa at umiiyak na ako.

Last 7 Seconds (Lasts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon