Chapter 5

18 3 0
                                    

🔮READ THE AUTHOR'S NOTE BELOW AFTER FINISHING THIS CHAPTER.

"What happened to Karen?" Tanong ni Jefa habang papalapit sa amin.

I cleared my throat and looked down.

"Eh bakit di mo tanungin 'tong magaling na 'to." Tinignan ako ng masama ni Karen.

Napakamot nalang ako sa ulo at napa-ngiwi.

"What happened, Mace?" tanong sa akin ni Jefa.

Tumatawa naman sa likod si Althea.

I cleared my throat before speaking. "Na-tsambahan ko sa ilong 'to, eh." sabi ko habang tinuro ko ang ilong ni Karen.

"Anong na-tsambahan? siniko mo talaga ako uy!" sabi ni Karen habang inaayos ang ice-pack na nakalagay sa ilong niya.

I sighed. "Sorry na nga 'diba? nangugulat din kasi kayo bigla-bigla, eh." Umupo ako sa tabi niya.

I 'kinda feel bad kasi nag-dugo at namaga talaga ang ilong ni Karen.

My guards are up earlier kaya nang ginulat ako ni Karen sa backseat na-siko ko siya sa ilong.

Kaya ayun, nung nasaktan ko siya hanggang pag-punta namin dito sa Agency puro talak sa akin.

"Hoy! bayaran mo treatment ko ah, masakit yung ginawa mo, baka akala mo!" Pagalit na sabi sa akin ni Karen.

"Oo na nga eh! teka nga ba't ba ako lang ang mukhang may mali dito? Eh samantalang late na late nga kayo ni Althea kanina ah!" And now we're officially arguing infront of Jefa.

Napatayo naman ng maayos si Althea. "Kahit late kami ni Karen atleast naka-punta pa'rin kami noh! FYI kami ang nagbabantay sa'yo kanina, tinanggal mo kasi yung earpiece mo kaya di ka na-inform."

Oh yeah, kanina kasi baka mahalata ng iba kung anong meron sa tenga ko kaya binulsa ko muna yung earpiece ko, okay It's my fault too.

"Okay fine! Sorry na, but you guys should also say sorry dahil late kayo." sabi ko.

"Sorry, Macey." sabi ni Althea.

Tinignan ko naman ng masama si Karen.

"Oh ikaw, ano sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya.

Inirapan niya naman ako.

"Wala nakong sasabihin dahil quits na tayo, na-late ako tapos siniko mo'ko, sobra-sobra pa nga yung bawi mo, ang sakit talaga ng ilong ko, letse ka!" Sabi niya habang nilalagay ang ice-pack sa ilong niya.

Napa-ngiwi nalang ako sa kanya habang tumatawa si Althea.

"Okay, enough with the arguments, ladies. What happened today?" Tanong ni Jefa.

Sasagot na sana ako nang biglang sumabat si Karen.

"Ayun naging Teacher na siya." Tumawa ng malakas si Karen.

Bwiset, di ko naman kasi alam na yung 'Katrina Cruz' kanina ay si Karen pala, di ko lang daw siya napansin na pumasok sa library kanina. Si Althea naman daw, as usual, nasa CCTV room to make sure that everything is doing fine, kaya alam din nila ang mga nangyari kanina.

"Biruin mo 'yon Jefa? Si Macedon na parang tigre kung lumaban, magiging teacher ng mga bata?" Mas lumakas pa ang tawa ng gaga.

"Gusto mo sa mata naman kita sapukin ha? intentionally ko na gagawin ngayon!" Sabi ko at akmang sasapakin siya para matakot siya.

Tinalikuran nalang ako ni Karen habang tumatawa.

Humarap ako kay Jefa.

"I have no choice Jefa, kailangan kong mag-teacher doon para magkaroon ako ng dahilan na makita si Yosef." Sabi ko kay Jefa.

Last 7 Seconds (Lasts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon