Chapter 2

27 4 0
                                    


Napaigtad ako at humarap sa nagsalita.

Ang kulit talaga ng isang 'to! Gwapo nga pero nakakairita naman.

I immediately slid my clock to my coat's pocket.

"Bakit ka ba sunod ng sunod sa akin ha!? Wala ka bang magawa sa buhay mo?" Sabi ko ng pagalit sabay irap.

Pero imbes na magalit siya sa sinabi ko, Humalakhak siya na para bang nagsabi ako ng joke sa kanya.

Mas lalo lang sumama ang mood ko.

Noong una naga-gwapuhan pa ako sa kanya.

Pero ngayon wala akong ibang maramdaman para sa kanya kung hindi pagka-irita.

"Miss, For your information hindi kita sinusundan, hindi lang naman ikaw ang may karapatan sa waiting shed na ito, of course ayoko naman magkasakit dahil sa ulan." Sabi niya na patawa-tawa parin.

Well, may point naman siya.

Bakit ba kasi naga-assume ako.

Amfeeling mo Mace!

Inismiran ko nalang siya.

Hindi na ako nagsalita dahil baka mapahiya pa ako lalo kaya tinahimik ko nalang ang bibig ko.

I noticed him glancing at me and I rolled my eyes at him.

Kinuha ko na ang payong ko at binuksan.

His presence is iritating me kaya mas gugustuhin ko pa na lumayo sa kanya.

Susugod na sana ako sa ulan nang hinigit niya ang braso ko na nakahawak sa payong ko.

Lumaki ang mata ko at sisikuhin ko na sana siya.

"Whoa! chill!" Pag-pigil niya sa akin.

At dahil sa paggalaw nanaman ng balikat ko napaigtad nanaman ako.

Nakita ko rin ang pag-tingin niya sa gawi ng balikat ko pero mabilis din umiwas ang mga mata niya doon.

"I just want to know your name, miss." He asked.

Aba, ang kapal ah!

I chuckled.

"And why would I gave my name to a stranger like you huh!?" Pagtataray ko nanaman.

He smiled at me.

Goodness! Kung kasalanan ang pagiging gwapo baka nabitay na 'tong isang 'to

Teka nga! Ayan ka nanaman Mace ha!

"Because. not everyday makakakita ako ng babaeng kasing-ganda mo, might as well take this oppurtunity na makilala ka." He said.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

It's like it has an effect on me noong tinawag niya ako na maganda.

But I had to collect myself.

Ako si Mace na hindi basta-basta nagtitiwala kung kani-kanino lang.

I inhaled and exhaled to prevent myself from ranting at him again.

Lumapit ako sa kanya.

"I don't want to give you my name." Sabi ko.

His face moves closer to me.

Naamoy ko na ang mabango niyang hininga.

Na-conscious tuloy ako sa amoy ng hininga ko, kanina pa ako hindi kumakain.

Speaking of which. Tumunog nanaman ang tiyan ko senyales na nagugutom na ako.

Hinawakan ko ito at narinig ko ang mahinang pagtawa ng pesteng lalaki sa harapan ko.

Last 7 Seconds (Lasts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon