Chapter 6

19 4 0
                                    


I'm about to ride the Ducati pero tinignan ko muna kung nasaan si Yosef.

Pasakay na rin siya ng motor niya and I make sure na hindi niya ako mahahalata.

Earlier, hindi ko nalang pinansin ang mga pinag-sasabi niya, but after that we talked some more and then we bid goodbye at each other.

Pero hindi pa natatapos ang lahat para sa akin.

Nakita kong sumakay na si Yosef sa motor niya.

I also did the same and wore my helmet.

Umalis na siya, at susundan ko siya kung saan siya pupunta.

Yup, this is my way of watching over him.

Shit! inabutan kami ng traffic, hindi pa'rin naman nakakawala sa paningin ko si Yosef, but this is complicated.

He's wearing a helmet kaya di ko alam kung saan siya naka-tingin, pero nakita ko na papunta na ang ulo niya sa direksiyon ko.

I got panicked.

Bahala na, nag-overtake ako sa ibang sasakyan.

Narinig kong bumusina ang isang malaking truck nang unahan ko siya.

"Sira-ulo ka ah!!!" Malakas na sigaw ng driver ng truck.

I just raised my middle finger at him.

Don't ever mess up with me.

Tumingin ulit ako kung nasaan si Yosef.

That was close! buti nalang nakapag-overtake agad ako.

Good thing nagsimula nang umandar ang mga sasakyan.

My eyes didn't take off of him.

30 minutes later, suddenly he stopped in an alley.

Walang katao-tao doon.

I stopped not so far away para makita ko pa'rin siya.

May isang malaking gate sa dulo ng alley na iyon, it looks like a abandoned building or factory.

Why would he go in here?

Bumaba na siya sa motor niya at tinanggal na niya ang helmet niya.

I can see that he was about to open the gate pero mag mga lalaking biglang pumasok sa eskinita.

Yosef immediately looked at them.

This time he looks so serious and intimidating, wala na yung Yosef na kasama ko kani-kanina lang.

His guards are up, I can sense that.

But, wait.

Hindi niya ba co-members ang mga lalaking ito?

Because the tension between them is too much kahit nagtiti-tigan lang sila.

There are 5 of them, at mag-isa lang si Yosef.

Nakaramdam ako ng pag-aalala para sa kaniya.

"Anong kailangan niyo?" Yosef asked.

His voice is so low and scary.

I can hear their conversations, I was trained to hear from afar.

"Nasaan ang boss mo?" Tanong naman ng isa sa mga lalaki.

Tinanatong ba nila kung nasaan si Amado Espina? Siya lang naman ang kilalang boss nila Yosef.

But my thoughts rushes away nang mag-salita si Yosef.

"Wala siya dito, umalis na kayo."

Normal people would be scared in this situation right now.

But Yosef seems calm and collected, parang alam niya kung ano ang gagawin niya.

Last 7 Seconds (Lasts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon