Chapter 3

438 18 0
                                    

Encounters

OA naman nun makasigaw.


"Wait me here, kukunin ko lang yung ID ko naiwan ko eh." Tinanguan ko si Serena at hinayaan itong umalis.


Napatingin ako sa babaeng nasa gilid, It's the same creature. Ni hindi ko nga alam kong anong i tatawag ko sa kanila eh. Iisa ang katawan kaso dalawa ang ulo, ayoko namang husgahan sila dahil sa itsura nila noh.


"Your really coming here?" Rinig kong sabi ng isang ulo na medyo kulot ang buhok at may shades na suot. Napaka fashionista naman, kainggit. Choss.


"Duh? Erid how stupid are you? Kaya nga nandiyan kayo diba?"


Oh, rinig na rinig ko yan ah. Naka-loud speaker kasi. Tinalo pa speaker ng Academy, mega phone lang ang peg?


"Ako na nga kasi kakausap!" Hinablot ng kabilang ulo ang cellphone. This time naman straight ang buhok nito at may dalawang hairpin.


"When are you coming here? We already have your room number, everything is ready."


"Soon, I'm still recovering miss me that much?"


"Ofcourse Queen!" Sabay nitong sabi.


"Liana? Tara na?"


Sumunod ako kay Serena tsaka tiningnan ang room number naming dalawa.


"306, sea side?"

"Mag-kapit dorm tayo?" Masiglang sabi nito tsaka napatalon talon.


"Ano ba sayo?" Tanong ko dito.


"307"


Magkapit-dorm nga talaga kami. Napatili tili kaming dalawa at nakatanggap ng mga tinginan sa paligid. Pake ba nila? Charot.


"Thank you agad kay ateng Lia." She said.


Naglakad kami papunta roon at iniwan narin si Blake sa forest side kung nasaan ang dorm nito para makapag-pahinga na. Mukhang hindi parin mabuti ang pakiramdam niya eh.


The excitement i had earlier faded when i saw the dorms in here.


Alam niyo ba yung expectations ko? Mga 50 lang tapos sinagad sa 100. Masyado naman atang magarbo tung mga dorm na toh. Para kaming nasa Malibu at magkahiwa-hiwalay ang mga bahay.


Akala ko magkalapit lang kami ng dorm ni Serena kaso halos isang kilometro pa ang layo namin sa isa't isa. Masyado naman atang mayaman ang nag mamay-ari dito sa Academy na toh.


"Mukhang mag-eend of the world pa bago tayo mag kachikahan." Napahinga ito ng malalim kaya't ngumuso ako dito ay yinakap siya.


"Ba-bye, kita nalang tayo bukas."


"Sige! Bye Lian"


Pumasok na ko sa mala beach house na dorm namin at sinalubong ng katahimikan. May kung anong mga nakadikit na tatlong slots sa dingding malapit sa pinto at sa tingin ko doon ilalagay ang mga card na binigay samin kanina.


"Cassandra Tei"


Yun ang nakalagay sa pinaka-taas na slot at bakante ang dalawa. Kinuha ko ang card ko sa bag ko tsaka ito linagay sa pangalawa. Now it looks better.


The door suddenly opened that made me shock. Agad na nagtama ang tingin naming dalawa ng babaeng pumasok at hindi nagsalita sa isa't isa.


Princess Metanoia: Unrevealed Truth[Completed]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon