Chapter 4

390 19 0
                                    

First day trouble

"Can you kindly please introduce yourself Miss?"


"Shocks, kamukha niya si winter." Rinig kong bulong ni Serena sa tabi ko habang gulat na nakatingin sa babaeng nasa harapan.


Winter? Mukhang narinig ko na yung pangalan na yun noon.


"My name is Erida Fernsby, the beautiful twin." Pagpapakilala ng kulot na ulo. Hindi naman kasi sila ang tinanong pero sila na.


"Duh, halata namang ako ang mas maganda noh. Elaine Fernsby." She smiled.


Loh, at mag-aaway pa ata. Wala naman kasing maganda sa kanila, choss.


"Storm Sebastian. Now, can we sit down?"


Tumango ang Prof sa kaniya kaya't naglakad naman patungo sa amin ang mga ito. She got the vibe, at mas lalong nasa kaniya na lahat ng atensyon ng mga nandito. Must be because kamukha niya si winter? Yun lang ang sinabi sakin ni Serena bago itikom ang bibig eh.


Napatingin ito sa akin at nilagpasan kami nina Blake tsaka umupo sa likod namin. Her stare's were as cold as an ice. Tsaka yung mga mata nito, nakakamatay. Nakakatakot.



"Ok Class, I am Brennon Viola and I'll be your science and sorcery professor for this year."


Pagkatapos na pagkatapos ng klase namin ay nagtungo na kami sa canteen para kumain. Break time kasi namin kaya kakain muna kami, at kanina pa din kasi kumukulo tung tiyan ko. Hindi kaya ako kumain ng umagahan.


"I still cant believe it. Kamukhang kamukha niya talaga si winter, kaso yung ugali pang kanal"


"Naguguluhan parin ako eh, nasaan ba kasi yung si winter?" I asked.


Pinanglakihan naman ako nito ng mga mata at mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Wala naman ata akong masamang sinabi diba? Kung lakihan ako ng tingin parang may pinagsasasakal na ko dito. OA mo beh.


"Wala ka talagang alam sa happenings sa mundo natin lian? Oh my gosh, How un updated are you?"


Well malamang, namulat lang ako dito mga isang taon na ang nakalipas at wala manlang akong alaala sa dating buhay ko. Now tell me, pano ako magiging updated nito?


Nagkibit balikat lang ako dito kaya't napahinga siya ng malalim. Pareho lang kaming naglalakad papunta sa canteen kaya't medyo hindi namin pinapansin si Blake na kanina pa dada ng dada sa gilid. Busy kami sa chissmiss eh.


"I'll tell you later."


Pumasok kami sa canteen at sinalubong ng mga studyanteng kumakain ng snacks nila. Mamaya pa kasi yung lunch break after another two classes.


Walang kalat sa sahig Oh kahit ano, mukhang disiplinado naman lahat ng studyante rito.


Umupo kami tsaka tiningnan ang Menu na nasa harapan namin. Sana ol may menu ano toh resto?


"Anong gusto niyong kainin? Ako ng kukuha."


"Wag na ako na, baka gayumahin mo pa ako."


Serena rolled her eyes at Blake due to what he said. At pati ako pag nasabihan ng ganun hindi ko lang maiirapan, kakatayin ko na.


"As if, hindi ako pumapatol sa tahol ng tahol"


"At hindi din ako pumapatol sa may galis."


Ano pa nga bang ginagawa ko dito? Bat pa ba ako nandito at kasama ang mga ulyaning mga toh? Kanina pa sila nagbabalikan ng mga salita nila at naiirita narin ako, pwede bang huminto muna kayo kahit saglit lang? Sakit sa ears.


"Kahit ano na doon, dali!" Pinatayo ko si Blake at tinulak papunta sa counter.


"Wala naman akong galis ah." Inamoy pa nito ang damit tsaka tiningnan ang braso nito. Inatras nito ang upuan at sa hindi inaasahan ay may nabangga ito sa likod.


My eyes hidden in shock when i saw the girl storm now covered with coffee all over her uniform.


This is surely trouble. Hindi ito sumigaw o kahit na ano marahan lang itong napahinga at umirap tsaka tiningnan si Serena na gulat rin sa nakita.


"Oh my God storm, are you ok?" Alalang tanong ni erid dito. Kaso ang tingin ng babaeng kausap nito ay nasa kay Serena parin.

"Ano? Tutunga-nga kalang diyan?" Mataray na sabi nito at tinapon sa gilid ang hawak hawak niyang iced coffee.

Serena stood up. Kinuha nito ang mga table napkins sa mesa namin at akmang pupunasan na sana ang damit ni storm ng pigilan niya ito.


"You'll use that cheap napkin on me?"


What is wrong with this girl? Tutulungan na nga nag-iinarte pa.


"Im sorry, hindi ko naman kasi nakitang dadaan ka."


"Obviously, kasi tatanga tanga ka"


I looked at Serena and saw her gritting her teeth. No please, dont tell me na papatulan niya yang babaeng yan.


"Pinaglalaban mo? Nag-sorry na nga ako diba? Sino ba kasi satin ang hindi tumitingin sa dinadaanan at patuloy ang rampa eh canteen toh?" Inis na saad nito.


Kita mong pareho silang nanlilisik ang mga mata ngayon. At kapag yan nagsalpukan, wala na ko dun ilang buwan narin simula nung nakakita ako ng away na ganto noh.


Mga kapit bahay lang namin noon nagpupustahan pa nga kami ni Blake noon eh, pero ngayon isang malditang babae at palaban kong kaibigan sino uurong?


"Wala kang karapatan para sigawan siya!" Elaine yelled at Serena. Walang ganiyanan, may back up eh.


"At wala karing karapatan para sigawan ang kaibigan ko." I talked back.



"Come on lian, wag na nating patulan ang mga isip kanal na mga yan." Hinawakan nito ang braso ko at akmang aalis na sana kami ng magsalita muli ang mga toh.


"Right, leave with your side kick."


Liningon namin ito at nakitang tinitingnan ang mga kuko niya. Madumi na? Pwede ng pagtaniman ng kamute?


"Saglit nga lang, sapatusin ko muna tung babaeng toh!"


Kumalas sa akin si Serena at tinanggal ang sapatos nito tsaka binato kay storm na kina nganga ko. Buti nalang talaga at sa dibdib niya lang ito tumama kaya't wala masyadong perwisyo.


"Using your cheap and dirty shoe on me? Dream on." Hinila nito ang buhok ni Serena at tinulak sa sahig tsaka ito sinabunutan doon.


"Huy!! Gaga kaba!" Tinulak ko rin si storm sa sahig at sinakayan ito sa likod habang patuloy niyang ginugulo si Serena na nadaganan na nito ngayon dahil sa pag-angkas ko sa likod nito.


"STORM!" The twins yelled then came to stop me.


Kaso nagpaparty na ang kamay ko at buhok nito ngayon. Parehong kamay na namin ni Serena ang nagkakagulo sa buhok nito.


Malditang bruha.


Hinding hindi ka namin uurongan, kung yung mga chimiaa nga samin pinagsasapak ko na ikaw pa kayang babae ka? Wala na kong paki kung sino pa man kamukha mo.


"Oh my God storm!" Pilit akong hinila ng mga ito at linayo sa babaeng hindi manlang nagulo ang buhok sa pinaggagagawa namin. What the?


Ganiyan na ba kaganda ang buhok niyan at hindi manlang naging pugad ng mga ibon? Habang si Serena mukhang katay na katay na.


"What's this mess?"


A serious voice spoke that made us all stop from the fight.


Lahat kami ay tiningnan ang lalaking nagsalita. Siya yung tinawag ni Serena kaninang umaga ng pres.


Oh well, First day trouble?

Princess Metanoia: Unrevealed Truth[Completed]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon