Chapter 6

311 18 0
                                    

The Necklace

Mabilis na natapos lahat ng klase namin ngayong araw at isa lang ang ibig sabihin nun. Maglilinis na kami ng cafeteria, hay nako naman oh.

"Ang sakit ng katawan ko, ayoko maglinis" reklamo nito tsaka binaba ang bag sa gilid.

"Eh may magagawa ba tayo?"


"Ang harsh naman kasi masyado ni papa ace, nu bayan."



Kumuha ito ng isa sa mga walis rito at sinimulang magwalis sa buong cafeteria. Hindi narin ako nagdalawang isip pa at kumuha ng mga pamunas sa lamesa. Sanay narin naman ako sa paglilinis kaya hindi toh mahirap sakin.


"Storm, just sit down and we will do the cleaning for you."


I rolled my eyes hearing them talking. Kakapasok lang ng mga ito sa cafeteria at talagang kinukunsinti na naman ang prinsesang yan. Spoiled much?


"Oo sila nalang, baka madumihan kapa prinsesa." Sarkastikong parinig ni Serena na kumuha ng atensyon ng mga ito.


"May nagsalita?" Erid rolled her eyes.


"Meron ata, bakit nabibingi kana?"


"Oh shut up bubbles!"


"You shut up two heads! Dalawa nga ulo niyo wala namang laman."


Napasinghal ang magkapatid sa sinabi ni Serena at mukhang na insulto sa inasal nito. Ano nga kayang laman ng ulo ng dalawang yan, si storm?


"You—"


Hindi naituloy ng mga ito ang sasabihin ng biglang bumukas muli ang pinto at pumasok ang presidente na blangko lang na nakatingin sa paligid namin. Tahimik itong umupo sa isa sa mga upuan rito at binuklat ang hawak hawak na libro.


Serena stuck her tounge out teasing the fernsby. Hindi naman nagpatalo ang dalawa at dinilaan din si Serena tsaka naglinis ng tahimik.


Tung mga toh, napaka-isip bata talaga.


Napansin kong tumayo si storm at kumuha ng mga pamunas sa tabi ko. Hindi ito nagsalita o kahit na ano, yumuko nalang sa tabi ko at kumuha ng pamunas.


Doon ko naman napansin ang kung anong marka sa batok nito. Hindi mo ito gaano mapapansin dahil sa buhok niyang nakaharang pero dahil sa pagyuko nito naging maliwanag sakin ang itsura nito.


Para siyang tattoo na kinakunot ng noo ko. Hugis korona ito at may kung ano pang mga simbolo na nandoon.



What are those? San niya nakuha ang mga toh? They look odd and different for me na para bang isang mahalagang simbolo ang tinitingnan ko ngayon.


Umalis ito sa tabi ko at nagpunta ng mga mesa sa tabi ng magkapatid. Hindi ko narin inisip pa ang nakita ko at nagpatuloy sa paglilinis, at baka madagdagan pa ang mga raw na maglilinis ako dito. Ayoko na.


Akala ko pa naman edukado ang mga studyante dito, kaso bakit may mga bubble gum sa ilalim ng mesa? May mga pinagsisiksik pang mga supot sa mga upuan. Ano bayan. Kadiri.


"Nakakaawa talaga si pres." Wala sa sariling banggit ni Serena habang nakatingin kay ace na nagbabasa ng libro ngayon.


Nakakaawa? Sang parte naman diyan?


"Baliw kana ba?"


"Duh, kapag nalaman mo istorya ng buhay niyan talagang maaawa ka."


"Ano ba nangyari sa kaniya?" I asked.


I shouldnt be asking but i cant help but to be curious, sino bang hindi curious sa buhay ng presidente ng Academy na toh?


"Remember winter? Sa pagkakaalam ko nagmamahalan sila ni ace noon. And they were the cutest couple you could think of." Sagot nito habang nakangiti pa at iniisip ang mga sinabi niya.


"Kaso yun nga, winter died. Yun ang pagkakaalam namin, na patay na siya kasi yun naman ang sinasabi ng lahat eh. Pero si pres? Hanggang ngayon pinanghahawakan parin ang kaisipang babalik ang pinaka-mamahal niya."


So, this guy lost the love of his life?


"Kaya nga kanina halos maiyak na ko ng titigan niya si storm eh. Kamukha kasi talaga niya si winter kaso kapag binuka na bibig nito alam mong bulok na ang pagkatao niyan."


Napatawa ako sa sinabi nito at liningon si ace na tahimik sa gilid na nagbabasa ng libro. Losing the love of your life is like losing life itself. Hindi ko man ramdam ang sakit na talagang dulot nito kaso ramdam ko kung gaanong pighati ang nararamdaman ng lalaking ito.


Bat ko ba inaaliw ang sarili ko sa personal na buhay ng lalaking yan? At kung maka-ace kala mo close. Dapat asungot nalang para mas accurate diba?


Pero masisisi mo ba ang taong may pananakit sa puso?


AALIYAH


"Under the seaaa, under the sea" medura sang that made me cover my ears.


Kanina pa tung babaeng toh, nakakarindi na ah.


"Can you shut up for a moment medura? Im trying to think." I sighed.


"Alam mo aaliyah hindi na dapat pang pinag-iisipan yang gagawin mo. Alam mong may karapatan ang ama ni winter na malaman ang kalagayan niya ngayon, mas makakabuti kung may tulong na manggagaling sa mga fairy at maresolba na ang relasyon nila ng ate mo."


"But medura hindi mo naiintindihan, what if my sister hates me for this decision again? Nagpapadalos-dalos na naman ako."


"As far as i remember, ganiyan na ganiyan din ang sinabi mo ng mga araw na dapat sana nailigtas mona ang pamangkin mo. Lagi mo kasing iniisip na masyado pang maaga ang lahat para sa mga dapat ng mangyari." Inakmal lang nito ang lollipop na hawak hawak habang naglalakad.


"It's because i want everything to go smoothly."


"Smoothly? Eh nawawala ang katawan ng pamangkin mo ngayon. How did that went smoothly?" Sarkastikong tugon muli nito habang umiiling sa akin.


"Think about it, It's time for him to know. May karapatan din siya sa pamangkin mo, he is the father of your niece."


Sure.


Siya nga ang ama ng pamangkin ko, pero siya rin ang hari ng mga fairy. Ano nalang ang iisipin ng mga nasasakupan nito kapag nalaman nilang ang babaeng nagwala ilang taon na ang nakalipas at muntikan ng binura ang fairy world sa mapa ng light world ay asawa pala ng kinikilala nilang hari.


What will happen to the scarlet witch if that happens? What will happen to my sister?


The day she massacred the whole fairy world. Me and medura gave our magics and released it all just to created a magical necklace that would protect winter while we are gone. Sinuot ko sa kaniya ito bago paman siya tuluyan iwan sa tabi ni Alicia.


Anyone who dared to touch it will be burnt, kaya pati si ate noon hindi niya ito nahawakan. It has a magical enchantment that no magical weapons could kill her. Kaya niya rin nahahawakan ang epirus bow ko, ito ay dahil sa kwintas na yun.


But that doesnt mean she cant be killed with it. May kahinaan at kalakasan din ang kwintas na yun, and that shall always remain as a secret. No one shall know It's weakness. No one shall know winter's weakness. If she has one.


"Ang tatay mo muna ang kailangan nating kausapin medura, we need to make sure that winter is really here with us on the ground."


His father is the god's of souls and with his help we could easily find winter's lost soul and lost body.


But, what if she was already found?


And her soul got seperated from her body?

Princess Metanoia: Unrevealed Truth[Completed]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon