CROWNILIA ACADEMY.FHILLIANA
"Dalian mo!" Pagmamadali ko kay Blake tsaka ito hinila papunta sa gilid kong saan nakatayo lahat ng mga kaedad naming bata? Mga studyante na ngalang.
Hindi ko kasi alam kong paano sila pangalanan. Eto rin kasi ang unang pagkakataon na makikisalamuha ako sa gantong karaming tao, hindi naman kasi ganun karami ang tao sa Willow Village eh.
"Students line up!" One of the sailor spoke that made me excited.
"Tingnan mo! Sasakay tayo sa barko papunta sa Academy!" Sabik kong sabi kay Blake na nakatakip na ng bibig ngayon.
Nasa gitna kasi ng lawa ang Academy at kailangan naming sumakay ng bangka papunta rito. Cool! With the sunset? Mas lalo pang naging maganda ito.
"Hindi na talaga ako magsisisi pang tinanggap ko ang inbitasyon ng babaeng yun."
"On board!"
"Tara!"
"Liana, dahan dahan naman baka mapukolan ako ng wala sa oras dito." Reklamo ng kasama ko.
Hindi ko ito pinansin at hinila lang papunta sa napaka laki at napaka garang bangka, halos kasya na kaming lahat dito.
Ng makasakay kaming dalawa ay napakapit ng husto sa akin si blake at mukhang umaasta na naman ang sakit nito sa mga gantong sasakyan. Motion sickness ata yun? O sea sickness?
Ay ewan basta nahihilo siya sa mga ganto.
"Lian!" Tumakbo ito paalis kaya't agad ko itong sinundan.
At sa kamalas-malasan ba naman may kung sino akong nabangga kaya't tiningala ko ito at nanlaki ang mga mata ng makita ang itsura nito.
"Watch where your going, this yatch is big enough for us." The other head rolled her eyes that made me blink severely Times.
Napaka kakaiba kasi nila eh. Iisa ang katawan kaso dalawa ang ulo?
Umalis ang mga ito sa harapan ko kaya't hindi ko nalang sila pinansin pa at hinanap si Blake. San na naman ba nag-sususuot ang lalaking yun?
"Gawg."
Lumingon ako at napailing ng makita itong nakahawak sa gilid at huminga ng malalim.
"Kung alam kong sasakay tayo dito lumipad nalang sana ako."
"Nakakalipad ba mga ulyaning uwak?"
"Ikaw na!" Naiiyak na sabi nito at pinikit ang mga mata. Kawawa.
Pero parusa narin niya yan noh, tinago niya kaya mga gamit ko sa pagpipinta nung nakaraan. Pinaiyak pa ko, eh alam na yun lang naman pinagkaka-abalahan ko sa buong buhay ko.
Biglang bumukas ang pinto dito sa kinaroroonan namin kaya't napatingin kaming dalawa doon ni Blake at nakita ang isang babaeng kulay asul ang buhok at medyo kulot.
"Oh God, ang daming tao sa loob good to see you guys here." Nalolokang sabi nito at umupo sa tabi ko habang inaayos ang buhok niya.
"What? Ngayon lang kayo nakakita ng magandang nilalang?"
"Pfft. Mukha ka ngang isdang binilad sa araw." Tawang tawa pa si Blake kaya't sinamaan ko ito ng tingin at napangiwi sa babaeng nandito.
BINABASA MO ANG
Princess Metanoia: Unrevealed Truth[Completed]✔️
Fantasy- She doesnt need saving. She's her own hero. Read princess Metanoia first before this one. -