Kabanata Tatlo- Ang Mahikang Itim

1.1K 91 0
                                    

"Ang sugo!" kasabay ng mga katagang iyon ay ang pagtilapon sa ere ng matandang Babaylan. Masama ang pagkakabagsak niya ngunit hindi niya ininda ang sakit. Kaagad na tumipon sa kanya ang kanyang mga dalagang alagad na pawang namagpakasuot ng puting damit na abot hanggang sa sakong ang laylayan.

"Anong gagawin natin ngayon punong Babaylan! Nagapi na ng sugo ang kubling ibinalot natin sa ating binibini, tiyak sa mga oras na ito ay alam na ng Raja ang ating ginawa at naglalakbay na ang sugo patungo sa kinaroroonan natin!"

"Hindi natin pwedeng isuko ang Binibini, hindi pa sapat ang kanyang lakas para sa kanyang misyon. Kailangan niya pa ng panahon!" sigaw ng matanda sa kanyang mga sakop. Bagamat masama ang pakiramdam ng paa ay pinilit niyang tumayo.

"Ngunit ano ang ating gagawin ngayong nahuli na tayo? Tiyak na paparusahan tayo ng Raja!"

"Kailangang makatakas ang Lakambini!"

"Paano punong Babaylan? Malakas ang kapangyarihan ng Sugo, ngunit higit na mas malakas sa atin ang Raja. Hindi tayo magtatagumpay!"

Hindi sumagot ang Punong Babaylan, sa halip ay patakbo niyang tinungo ang isang itim na baul sa templong kanilang kinaroroonan. Mula doon ay hinugot ang isang itim na manikang gawa sa dayami at punong-puno ng ritwal.

"Hindi maaari ang iniisip mo Punong Babaylan! Masusunog ang kaluluwa mo sa dagat-dagatang apoy kapag ginawa mo iyan!" halos sabay sabay na turan ng mga alagad na Babaylan ng mapagtanto nila kung ano ang ninanais na gawin ng kanilang puno. "Mahigpit na pinagbabawal ni Apo Suimuran ang itim na mahika!"

"Ito lamang ang natitirang paraan Aging! Hindi ako makapapayag na mapunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan natin. Si Binibining Samira lamang ang makakatapos sa kahangalan ng Raja, siya ang itinakda, siya ang magtatapos ng lahat ng unos na ito at magtataboy sa lahat ng masasamang espirito pabalik sa impierno! Ngunit ngayon ay hindi pa ang tamang panahon. Bago iyon kailangan nating pangalagaan si Samira!"

"Ngunit Punong--"

"Buo na ang aking pasya! Magmadali kayo! Tanggalin ang lahat ng inyong kasuotan, at bumalik sa kanya-kanyang pwesto. Kahit na tutol ay walang nagawa ang mga alagad na Babaylan, naghubad sila ng damit na tanda ng kabusilakan at pumaikot sa pulang apoy na walang kahit na anong saplot. Sinimulang dasalan ng Punong Babaylan ang apoy upang oto'y lalong mag-alab, ipinikit nila ang kanilang mga mata at nagpasakop sa itim na mahika. Batid nilang lahat na kasalanan ang kanilang gagawin, ngunit naniniwala silang kailangang may magsakripisyo upang maisakatuparan ang isang propesiya!

*******

"AAhh!!!" pasinghap-singhap ako nang magkaroon ako ng malay. Pakiramdam ko naglakbay ang kaluluwa ko sa malayong lugar. Parang noong unang panahon kung saan may tinatawag pa silang Babaylan. Anong ibig sabihin ng panaginip kong iyon? Dahil ba sa kakanood ko ng mga maiikiling video sa Facebook tungkol sa mga witches na masasama ang itsura dati tapos dahil sa magic ay biglang gumanda? Nasisiraan na ako ng ulo. Nang akmang babangon ako saka lamang bumalik sa alala ko ang lahat. Kung ano ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Si Nanay!

"Aray ko!" sumakit swerong nakatusok sa ugat ko dahil sa biglaan kong paggalaw. Walang tao sa kinaroroonan ko, tanging ako lamang at ang berdeng telang nakapalibot sa akin, sa kabila niyon alam kong may iba pang mga pasyenteng kagaya ko. Naririnig ko ang kaluskos at ingay nila. Kung nasa hospital ako hindi pwedeng wala ang Nanay ko sa tabi ko. Hiniklas ko ang swero sa kamay ko at pinilit na bumangon. Saka naman ang pagpasok ni Mrs. Velez, ang amo namin, kasama ng isang lalaking naka amerikanong itim, may dala pa itong attache case na parang isang abogado.

"Hija, kumusta na ang pakiramdam mo?" pansin niyang nagdudugo ang ugat ko dahil sa pagkakatanggal ng swero pero hindi niya inintindi iyon. Sa halip ay pinakitaan niya ako ng pekeng ngiti.

Love EternalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon