Unang Kabanata- Kakaibang Anyo

2.4K 127 13
                                    

"Who don't have a pen? You can use this." alok ni Miles nang mapansin niyang nangangapa ako sa bag at table ko kakahanap ng ballpen. Natataranta na ako dahil limang minuto na ang lumipas simula nang mag-umpisa ang oras para sa pinapagawang maikling reaction paper ni Mrs. Castro. Kahit na nagdadalawang isip ako na tanggapin ang ballpen na binibigay ng kaklase ko, wala akong choice. Kesa naman mabagsak ako dito. Isusuli ko nalang kaagad pagkatapos dahil mukhang mamahalin pa naman ang ballpen.

Minadali kong isulat ang lahat ng pumasok sa isip kong reaksyon patungkol sa maikling lumang nobelang pinabasa ni Mrs. Castro. Tungkol iyon sa buhay ng isang Babaylan bago dumating ang mananakop. Madali lamang sa akin ang humabi ng mga salita, madali kong naisasalin ang mga ideya ko sa kapirasong papel na hawak ko. Malapit na akong matapos nang biglang sumigaw ang isa kong kaklase. Natigilan at nahintakutan ang lahat, si Maddie kasi ang babaeng sumigaw. Siya ang reyna-reynahan ng mga estudyante dito. Mayaman siya at maganda kaya marami siyang tagasunod. Galit na galit ang anyo niya at pakalat-kalat ang tingin sa lahat ng estudyante sa classroom na para bang anumang oras at mangangagat siya ng leeg.

"Who the hell took my pen?! I can't find it in my bag someone fucking dared to stole from me!"

"Ms. Kavenaugh, calm down." kaagad siyang nilapitan ni Mrs. Castro. "Are you sure you looked thoroughly? You must have left or misplaced it."

"No I did not. I'm not an idiot, I know where my things are! Someone stole it from me!"

"You can just borrow my pen. I'll give you extra ten minutes to finish your paperwork."

Tinaasan siya ng kilay ni Maddie, halukipkip ang kamay na tinitigan ng masama ang ballpen na inaalok ni Mrs. Castro.

"Do you think it's just some pen you can replace that easily?"

"I'm sorry?" naguguluhang turan ng teacher.

"It's a Tibaldi luxury pen from my sister. You can't just buy it anywhere and it costs ten times your awful salary! Ahhhhrrgg! I'm so pissed off right now! I'll fucking kill that thief!"

"Ah, Maddie." inangat ni Miles ang kamay niya. "Tibaldi pen right? I'm sure I see it somewhere" pakunwari pa siyang nag-iisip habang papunta sa upuan ko. "Oh there it is!" sabay turo sa pen na hawak ko. Napaangat ako ng mukha. Nakatingin ng masama sa akin si Maddie pati na ang lahat ng mga kaklase ko. Pinanlamigan ako ng pawis nang marealized ko kung ano ang nangyayari. Hawak ko ang ballpen na sinasabi ni Maddie na nawawala at ninakaw daw. Binalingan ko si Miles.

"You gave this to me!"

Nagkibit balikat siya lalo't palapit na si Maddie sa kinauupuan ko, namumula sa galit ang maganda at mala-manika niyang mukha. Naramdaman ko nalang ang pag-init ng pisngi ko at pagsakit niyon nang bigla niya akong sampalin ng malakas.

"How dare you stole from me, you ugly Neanderthal bitch!"

Mabilis kong hinawakan ang mukha ko nang magsimulang lumala ang sakit na dulot ng pagdapo ng palad ni Maddie.

"Take this piece of shit outside. Hindi niya kinikilala kong sino ang binabangga niya!"

Napalunok ako ng ilang beses at napayakap sa bag ko. Pilit na inaawat ni Prof. Castro si Maddie pero hindi na niya maapula ang galit nito. Ano nga naman ang magagawa ng isang simpleng Professor laban sa estudyanteng galing sa makapangyarihang pamilya ng bansa. Lahat ng estudyante sa school na ito mayayaman at makapangyarihan, isang akong damong ligaw na tumubo na lamang dito kaya natural sa kanila na apak-apakan. Ilan sa mga kaklase kong lalaki ang kumaladkad sa akin palabas ng building. Sa harapan ng flag pole kung saan kita ng napakaraming estudyante ako pinagsasabunutan at pinagtatadyakan ng ilan sa kanila. Dahil sanay na ang katawan ko sa mga bogbog at pananakit, hindi na ako nagtangka pang lumaban. Binaluktot ko na lamang ang katawan ko sa sahig at pilit na itinago ang maseselang parte ng aking katawan na delikadong mapuruhan. Normal na sa takbo ng pang-araw araw kong buhay ang ganito. Sanay na akong laging sinasaktan ng ibang tao pisikal man o emosyonal. Pagod na pagod na ako, hindi ko na alam kung bakit pa ako nagpapatuloy sa letseng buhay na ito.

Love EternalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon