Matagal akong nakatitig sa kwintas na nagdala sa akin sa mahiwagang mundong ito. Noong una'y akala ko isang malaking ruby, o pulang diamante ang pendant nito, kung titingnan nga naman sa liwanag ng araw makikitang pulang likido ito na nakapaloob sa malinaw na crystal. Ang sabi ni Gabriel, dugo ito ng aninong tumulong sa akin noong isang gabi. Nakapagtataka dahil paano naman nagkaroon ng dugo ang aninong iyon eh ni wala ngang solid na katawan. He's just made of black smoke, like a serious case of smoke belching in the Metro. Magpapasalamat na dapat ako sa kanya eh, ang kaso pinagduldulan niya sa pagmumukha ko na kaya niya ako iniligtas ay dahil sa kwintas na ito. Dinagdagan pa ni Gabriel nang sabihin niyang ang anyo ko ngayon ay ang anyo ng babaeng mahal nito.
"As if naman may babaeng magkakagusto sa negrong usok na iyon na napakasungit! And don't try to tell me they're lovers na pinatulan ng babaeng ito," itinuro ko pa ang sarili kong mukha, "ang demon na 'yun!"
Mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko, naalala ko na naman si Nanay, kapag ikinuwento ko sa kanya ang mga nangyayaring ito sa akin, ano kaya ang magiging reaksyon niya? Sigurado hindi siya maniniwala pero sasakyan niya ang mga sasabihin ko, hindi niya hahayaang malungkot ako. Kahit na ano pa ang kwento ko, makikinig sa akin ang Nanay ko. Baka magulat siya kapag ipinakilala ko na sa kanya si Gabriel, malakas kasi ang kutob ko na si Gabriel ay ang boyfriend ni Lola Cecelia noon. Di ba nga sabi ng negrong anino na hindi tumatanda ang mga mortal na nakatita sa lugar na ito? Iniisip ko kung ilang taon na kaya si Gabriel? Napakabata pa rin ng anyo niya. Pero makikita sa kilos at pananalita niya na ibang panahon siya pinanganak, sa panahon na napakatagal nang lumipas.
Tumayo ako mula sa malambot kong kama at sumilip sa malaking bintanang natatabingan ng makapal at kulay gintong kurtina. Isang malawak na garden ang bumungad sa akin, nakatabas ang mga halaman na para bang isang malaking labyrinth na nakalatag sa lupa. Sa paligid ay may naggagandahang mga spring flowers, may red and pink roses, yellow daffodils, orange zinnias at kung ano ano pa na hindi ko alam ang mga pangalan. Ilan sa kanila kakaiba na tanging dito lang sa mundong ito tumutubo. Napakaganda. Ibang-iba sa gubat na pinanggalingan ko na hanggang ngayon naaamoy ko pa ang sulasok ng amoy ng mga brutal na halaman na naroon.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa lifesize mirror. Ibang-iba na talaga ang anyo ko. Mula ulo hanggang paa, wala akong nakikitang kapintasan sa bago kong katawan. Malusog at makintab ang buhok ko, may maliit akong pisngi na bumagay lamang sa elegante kong leeg. Ang kutis ko literal na mala-porselana, ang mga kamay at binti ko ay napakagaganda ng hugis. Ang mga daliri ko sa kamay at paa ay parang mga umusbong na kandila, kaaya-aya sa mga mata.
Hindi lang iyon, pati ang figure ko talaga namang perpektong-perpekto, makurba ngunit hindi mataba, tamang-tama lang sa tangkad ko. Ang pinaka-nakakabighani sa lahat ay ang ganda ng mukha ko, it's like the face of a real angel. Small pointed nose, thin lips, marbled cheeks and and tantalizing eyes. I invite love and lust at the same time. I attract safety and danger. Beauty is an understatement if the objective is to define what I'm looking at the mirror right now.
Buong buhay ko pinangarap kong maging normal ang anyo ko. Hindi ito normal, hindi ako pwedeng maglakad sa gilid ng kalsada sa Maynila ng ganito ang itsura ko. Unang tingin palang , iisipin nilang hindi ako tao. Walang taong ganito kaganda, walang taong may kumikinang na kagandahan kagaya nito. I'm not wearing any make-up pero natural na rosy ang cheeks ko, mapula ang labi, at parang may golden dust na nakapalibot sa mga mata ko na kahit anong gawin ko ay hindi matanggal, nakakapit iyon sa balat ko. I can't believe this. I really can't. Ang hiram na gandang ito ay dala lamang ng Diamanteng Baaga, sa oras na mawala sa pangangalaga ko ito, babalik ako sa dati kong anyo.
"Lucia." mahinang katok at pagtawag ni Gabriel sa akin.
Binuksan ko ang pinto. Kitang-kita ko sa mga mata ni Gabriel ang paghanga nang sipatin niya ako mula ulo hanggang paa. His maids bathed me and made me wear an elegant blue gown with sparkling blue stones.