Kabanata Pito- Mahiwagang Mundo

1.3K 105 17
                                    


I don't know how the night went by. Nagising nalang ako mula sa malalim na pagkakatulog, nasa loob pa rin ako ng kweba, napapalibutan ng mga umaapoy na kawayan, nakahiga ako sa malapad na bato nakapamaluktot sa sobrang lamig ng hangin na nagmumula sa labas. Kinurap-kurap ko ang mga mata ko at nag unat-unat ng katawan. Nakaramdam na ako ng gutom at matinding pagka-uhaw, pero hindi ko iyon inintindi, ang Diamanteng Bagaa ang nasa isip ko kaya naman kagaad kong binuksan ang bag ko upang icheck kung nandoon pa iyon. Gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko ang kinang nito. Hindi iyon kinuha ng anino. Hindi niya rin ako sinipa palabas upang ipalamon sa mga uhaw na espirito.

"Nasaan ka? Nandito ka ba?" hinahanap ko ang aninong nagdala sa akin dito. Hindi siya sumagot. Walang sumagot sa akin, umalingawngaw lang ang tinig ko sa loob ng kweba. Baka dahil umaga kaya hindi ko siya nakikita. Maliwanag na sa labas, nakikita ko na ang ganda ng berdeng kagubatan na kagabi lang ay halos lamunin ako ng buhay. I can hear the birds chirping outside, I can see the clear blue skies, the snow frost on the leaves of the plants. Tumayo ako upang lapitan ang mga wild flowers, isang hakbang ko palabas ng kweba, naalala ko ang sinabi ng anino. Ang kwebang ito ang proteksyon ko, naghihintay sa aking ang ibat'ibang masasamang elemento sa labas at anumang oras ay lalapain ako. Napahawak ako sa dibdib ko sa kaba. Ginala ko ang mata ko sa loob ng kweba, wala naman akong pagkukuhanan ng pagkain dito, kahit man lang tubig.

"Anino, nasaan ka? Kausapin mo ko, huwag mo kong iwanan dito!" sigaw kong muli. Echo lang ng boses ko ang bumalik sa akin. Inulit ko pa nang inulit ang pagtawag sa kanya ngunit wala ni isang sagot akong napala. Gutom na gutom na ako at uhaw na uhaw. Nakaka-tempt lumabas lalo't nakikita kong may mga prutas na pwede kong makain doon. Pinigilan ko ang sarili, hindi ako dapat na magpadalos-dalos sa mga kilos ko dahil nasa ibang lugar ako. Una hindi ako sigurado kung makakalabas ako ng ligtas sa kwebang ito, pangalawa, hindi ako sigurado kung makakain ko nga ba ang mga prutas na mayroon ang gubat na ito. Kagabi lang ay gusto ako nitong patayin sa paghahangad na makuha ang kwintas.

Naghintay ako. Isang oras. Dalawang oras. Tatlong oras. Hindi na kayang tiisin ng katawan ko ang gutom ni hindi ko alam kung ano ang hinihintay ko. Mag-isa akong pumasok sa mundong ito kaya wala akong inaasahang tutulong sa akin.

"Lucia?"

Napadilat ako nang marinig ko ang boses na iyon mula sa labas ng kweba. Dali-dali akong lumapit sa liwanag para makita ko kung sino ang paparating. Base sa boses di ko pa man nakikita ay alam ko na kung kanino nanggaling iyon. Kay Gabriel. Nandito si Gabriel.

"Lucia??" muli niyang tawag.

"Nandito ako!" sigaw ko sa gawi niya. Hahakbang na sana ako palabas ng kweba ngunit natigilan ako nang isang malaking lumulutang na ahas ang muntik nang tumuklaw sa akin. Mabuti na lamang at nakabalik ako sa kubli ng kweba, umusok ang ulo ng ahas ng dumikit sa invisible na proteksyong nakabalot sa kweba. Totoo ang sinasabi ng anino.

"Huwag ka munang lumabas. Madami pa silang nag-aabang!" babala ni Gabriel.

He stood an inch from me, closed his eyes and mumbled a prayer in a language I cannot fathom. Like a Latin word with a very strong accent. Nang igala ko ang mga mata ko, ang mga halimaw na kanina ay hindi ko nakikita, isa-isa silang lumabas. Mga itim na usok na may hugis ng kakaibang mga hayop. Habang lumalakas ang panalangin ni Gabriel, isa-isang natutunaw na parang bola ang mga elementong iyon. Nang imulat niya ang mga mata, nakangiti na ulit siya sa akin.

"They're just the morning monsters. Mahihina sila. Kailangan na nating makaalis sa lugar na ito dahil babalikan ka ng mas malalakas pang espirito mamayang gabi."

I was shocked and I don't know how to respond. Napahilamos ako ng kamay sa mukha ko, doon ko napagtanto na nanlalamig ang balat ko, pati na ang buo kong katawan sa takot.

Love EternalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon