Kabanata Apat- Mga Lumang Liham

1.4K 112 9
                                    

"Miss! Miss! Are you okay?"

Unti-unti akong nagdilat ng mga mata. Namalayan kong nakahandusay ako sa gilid ng pinto ng simbahan at isang lalaki ang gumising sa akin. Maganda ang kanyang mga mata, makapal ang kilay at matangos ang ilong. Mamula-mula din ang kanyang pisngi na kagaya ng kanyang mga labi. Ilang beses akong napakurap para siguruhing buhay pa ako at hindi isang anghel ang nakikita ko.

Hinawakan niya ako sa pisngi. Bukod sa Nanay ko siya lamang ang naglakas loob na hawakan ako sa pisngi nang hindi nandidiri o natatakot. Napakislot ako at hindi ko sinasadyang mapalis ang kamay niya.

"I'm sorry. I just wanna check if you're okay." depensa niya, tinago pa ang kamay sa likod na para bang napaso sa ginawa niya sa akin. "Can you get up? Gusto mo bang tulungan kita?"

"Hindi. Kaya ko.." mahina kong sagot. Nakayuko akong bumangon at hindi na muling binaling ang mga mata sa kanya. "Salamat."

"Gusto mo bang alalayan kita papasok sa loob ng simbahan para makaupo ka? You look pale and weak, are you sure you're okay?"

"I'm okay." pilit kong iniwasan ang kamay niya. Dumistansiya din ako sa kanya para hindi magdikit ang katawan namin at hindi niya ako mahawakan. Hindi ako sanay na may taong nagmamalasakit sa akin, hindi ko man gustong isipin pero awtomatikong nagiging negative ang thinking ko na baka may masama siyang balak sa akin. Hindi iisang beses na nangyaring may taong nagpakita ng malasakit at tulong sa akin tapos bandang huli ay nalaman kong nagpapanggap lang para saktan at ipahiya ako. Hindi mapagkakatiwalaan ang mga tao, natural na masasama ang ugali ng karamihan sa kanila, bibihira lang ang mabubuti, nabibilang sa mga daliri ko. "Sige na okay na ako, makakaalis ka na. Salamat."

"Ahh. Okay. Sige."

Bago pa man siya makahakbang palayo ay tumunog ang sikmura ko. Sumisigaw nang gutom dahil wala nga naman akong kain maliban sa swerong kanina ko pa tinanggal sa kamay ko. Nanghihina na ako at nahihilo sa gutom. Humakbang ako patalikod sa lalaki ngunit bumigay ang tuhod ko, kung hindi siya naging maagap sa pagsalo sa akin malamang at humandusay na naman ako sa matigas at maduming semento.

"Miss, nanghihina ka, pumayag ka nang tulungan kita. Let's go somewhere you can breath, masyadong mainit dito at mausok kaya nahihirapan kang huminga."

Wala na akong nagawa nang alalayan niya ako papasok sa simbahan. Dumaan lamang kami doon, isang pinto ang pinasukan namin, binaybay ang hallway hanggang sa makarating kami sa isang espasyo sa likod ng simbahan kung saan maaliwalas at malakas ang hangin. Umupo kami nang magkatabi sa isa sa mga bench na naroon. Tapos ay inabutan niya ako ng isang supot na alam kong sandwich ang laman.

Tinitigan ko ang pagkain. Baka may lason iyon. O baka naman may palaman na buhay na daga o ipis.

"Come on. Eat."

Napakagwapo ng mukha ng lalaking ito. Sa tantiya ko hindi kami nagkakalayo ng edad. Estudyante rin siguro siya kagaya ko. Matangkad siya at maganda ang pangangatawan, mamahalin ang suot niyang relo at sapatos. Napakalawak ng ngiti niya sa akin. At dahil na rin sa kumakalam na sikmura, tinanggap ko ang sandwich na inooffer niya.

"I'm Gabriel. Ikaw, anong pangalan mo?" tunong anghel. Pati ang boses niya ay parang sa anghel din.

"Lucia." sagot ko sa pagitan ng pagnguya ng sandwich. Wala namang daga sa loob at masarap ang palaman.

"Lucia. Madalas ka ba dito? Ngayon lang kita nakita."

"Ngayon lang ako nagpunta sa simbahang ito. Dito ako dinala ng mga paa ko."

"Bakit ka pala hinimatay kanina? May sakit ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"

Nakapagtatakang may pag-aalala sa boses niya samantalang ngayon palang kami nagkita.

Love EternalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon