Maingay at mausok. Hinahapit ko pababa ang suot na mini dress.
Madam Red lend me some clothes para sa misyon na to. Though, may pambili naman ako ay hinayaan ko na sya sa gusto nya.
Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo sa pouch na dala ko. I don't usually smoke, pag trip ko lang.
Umupo ako sa isang stool at kumuha ng alak sa dumaang waiter.
Habang nakadikit ang mapupula kong labi sa bibig ng baso ay nakatitig ako sa lalaking target ko. Binabawi ko na ang
sinabi kong di sya gwapo. He's so freakin' hot in his white longsleeve na nakatupi hanggang siko. His pointed nose and inviting lips are irresistable.Iniling ko ang ulo ko. Di ako dapat magpaapekto.
Muli akong tumingin sa direksyon nya at nagulat ako ng nakatingun na sya sa banda ko. I felt uneasy and almost
trembled. Umayos ako ng upo at isinantabi ang munting kaba ko.Ngumiti ako kahit di sigurado kung sakin nakatuon ang paningin nya. Kumunot ang noo nya at nagsalubong ang kilay nya.
Bull's eye! Tumaas ang gilid ng labi ko.
Nakita ko syang uminom ng baso, at may sinabi sa katabi nya.
Tumayo sya. Mabilis kong nilapag ang baso sa mesa at tumayo na din. Sumunod ako sa direksyong pinuntahan nya.
"Wait, Mister!" tawag ko at nakitang papasok sya sa CR.
Tamad na napalingon sya sakin.
"Aah, you look familiar! Have we met!" alam kong gasgas na linyang yun pero nakalimutan ko ng mag isip pagkakita ko sa kanya.
"Sorry Miss, I think No!" masungit na sabi nya at tumalikod na papasok sa CR.
Napaayos ako ng tayo ng lumabas na sya ng banyo.
"Hi! Lu nga pala!" nilahad ko ang kamay ko.
Di ko ginagamit ang tunay kong pangalan sa mga misyon ko. Di ko alam kung bakit ngayon yun ang ginamit ko.
Tinignan lamang nya ang kamay ko at nilagpasan ako.
Playing hard to get huh? I like that!
Hinabol ko ulit sya. Ang hilig magpahabol. My God!"Are you Gay?" sabi ko ng malapit na ko sa likuran nya.
Nagulat ako sa biglang pagharap nya at muntik nang tumama ang mukha ko sa dibdib nya.
"What do you want?" nanlilisik ang mga matang nakayuko sya sakin.
"I- I just want to know your name. Yun lang!" nauutal na sabi ko.
"What for?" Gosh! Mukhang mahirap makuha ang isang to.
"Kung ayaw mong sabihin, I will call you Gay. Hi Gay!"
"If I tell you my name, you'll leave me alone." di yun tanong kundi utos.
Tumango ako."Kai Hidalgo" sabi nya, sabay talikod at bumalik sa dati nyang pwesto.
Grrr. My Plan A is a total mess! Now, Plan B!
Umupo ako stool na malapit sa pwesto nila. Tumawag ako ng waiter.
Nang makalapit ay kumuha ako ng isang baso ng alak. Sinadya kong matabig ang isa pang bago at tuluyan nang natapon ang laman niyon sa hita ko pababa sa binti ko. Kunwari akong napasinghap sa gulat. Nataranta ang waiter at malaman ng gagawin.
"Maam, pasensya na po." hinging tawad ng kawawang waiter.
"No it's okay. It was an accident. Charge it to me. You may go".
Kumuha ako ng tissue sa lamesa at sinimulang punasan ang hita ko. Sinadya kong yumuko pa para makita nang bahagya ang pisngi ng dibdib ko.
May lumapit na isang lalaki sakin..
"Need help?"
"Yes Please? Di ko kasi abot sa bandang baba" Nilakasan ko ng bahagya ng boses ko. Tama lang na umabot sa kabilang lamesa.
"Lemme do it", sabi nung lalaki at kinuha ang tissue sa kamay ko.
Dadampi na sa ang tissue nang may biglang humawak sa wrist ko. Maging ang lalaki sa harap ko ay nagulat at napatayo.
"Why Dude? I'm helping her!", litong tanong nya.
"She doesn't need your help!", napababa ako ng stool ng hilahin nya ko ng tuluyan.
Is my Plan B working? I smirked.
Nakarating kami ng parking lot. Madrama kong hinila ang braso ko sa pagkakahawak nya.
"Bat mo ginawa yun? Tinutulungan ako nung tao!"
"Help? He's not helping you! Binobosohan ka nya!"
"Binobosohan?" maang maangan kong sabi.
"I can't believe you're really not aware you're catching too much attention! Look at your dress! Pang 10 years old!"
"What? 10 years old?", di ako makapaniwala!
"Teka nga, bat ka ba nagagalit? You said, leave you alone and now ikaw tong hihila sakin?"
Napatigil sya sa sinabi ko at bumalik sa pagiging suplado.
"I don't know. I just don't like what I saw. Get in the car, ihahatid na kita", sabi nya sabay punta sa direksyon ng driver's seat.
Napangiti ako at excited na pumasok sa loob ng sasakyan.
"Where's your place?" tanong nya ng deretso ang tingin sa kalsada.
"Aah sa kanto na lang ng Sta. Maria." sabi ko habang nakatingin sa kanya. Mukhang ayaw nya ng kausap kaya tumahimik na lang ako hanggang sa makababa.
YOU ARE READING
Seductress For Hire
Non-FictionKai Hidalgo is currently engaged with Celebrity Jia Wu. Tobias Shen (Jia's Ex) hired a Seductress to call-off the wedding.